Unang Yugto

9K 201 4
                                    

"Mugto na naman yang mga mata mo Ate Den!..ano ka ba! halos araw-araw ka na lang yata umiiyak dahil diyan sa kagaguhan ng asawa mo!..Gusto mo patayuan kita ng monumento na may malaking nakasulat diyan sa noo na 'Katangahan'?..simula nang ikasal ka diyan kay Walter ay palagi ka nalang naming nakikita na umiiyak. Sinabihan ka naman namin noon na kung pwede ay wag kang magpapakasal kay Walter dahil ikaw lang din ang magsisisi sa huli." Litanya ng pinsan kong si Hemera. She's my favorite cousin kasi prangka siyang tao at walang tinatago sa akin. Andito ako sa mansiyon ng mga magulang niya. Wala kasi akong magawa dun sa bahay dahil wala naman si Walter. Isang taon na kaming kasal ng asawa ko and until now ganun pa rin ang estado ng relasyon namin. He came late at night at pagising ko wala na rin siya dahil sa pagiging workaholic niya. Mahalaga raw ang kompanya para sa kanya dahil iyon ang pamana ng parents niya sa kanya at ayaw raw niyang biguin ang Dad niya.

Paano ako?

Mas mahalaga pa pala ang negosyo niya kaysa sa akin eh di sana hindi na lang niya ako pinakasalan at papaasahin ng ganito.

For God's sake! I'm one year married to him and yet I'm still a virgin!

I tried tempting him pero palagi niyang sinasabi na pagod siya and he needs to rest at ako namang si understanding ay hinahayaan ko siya. Eh mahal ko ang mokong na yun eh! at hindi ko alam kung tama pa ba tong ginagawa ko ngayon.

"Gusto kong maglasing Hemera." wika ko dito. Ngumiwi ito at saka pinandilatan ako ng mga mata.

"At tapos ano? You still woke up in the morning feeling empty?..and do you think it can help you my dearest cousin?..Sinisira mo lang ang sarili mo! mag-isip ka nga!" banat nito. Binatukan ko siya.

"Shut up! Kung makapagsalita ka sa akin ay akala mo mas matanda ka pa kaysa sa akin!.. at ano ang gusto mong gawin ko? magmumukmok para palagi kong maiisip ang mga nangyayari sa akin?!..Gusto mo bang mababaliw ako Hemera katulad ni Dennis?!" wika ko pa dito. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Hindi baliw si Kuya Dennis! depressed lang..ikaw kung makapagsalita ka kay Kuya ay akala mo hindi mo siya kapatid!.. Hindi ko naman sinasabi na magmumukmok ka at hindi ko rin itotolerate yang pag-iinum mo." Wika pa nito. Ngumiwi ako.

"Eh anong gagawin ko?" Sabi ko.

"Mahal ka ba ng asawa mo?" tanong nito. Napakunot noo naman ako.

"W-what do you mean?" takang tanong ko. Napapadyak ito.

"Ah basta sagutin mo lang ang tanong ko!" wika pa niya. Napaisip ako. Mahal nga ba ako ni Walter? Kung hindi niya ako mahal bakit niya ako pinakasalan?..ang sabi naman niya sa akin na mahal niya ako. Ako mahal ko siya at walang duda iyon. Pero kung mahal ako ni Walter, bakit hindi niya ipinaparamdam sa akin ang halaga ko sa buhay niya bilang asawa niya? Hindi ba siya nagagandahan sa akin?

"He said he loves me b--"

"Kung mahal ka niya, bakit hindi niya naibibigay sayo ang pangangailangan mo bilang asawa niya?." wika niya at hinawakan ang kamay ko. "Ate, noon pa man sinabihan na kita pero nirespeto ko ang desisyon mo dahil mahal mo yung tao. No doubt na mahal mo siya pero siya ba, mahal ka niya?" wika pa niya.

Napabuntong-hininga ako at saka napaisip. May point naman si Hemera.

"Ano ang gagawin ko para malaman kong mahal niya talaga ako?" tanong ko dito.

Napakagat labi ito at saka nagpalakad-lakad. Ilang sandali pa ay napangiti ito.

"Why don't you make him jealous?" wika niya. Napakunot noo ulit ako.

"Huh?."

"Yeah!..why don't you make him jealous. Diba, isang factor para malaman mong mahal ka ng isang tao ay sa pamamagitan ng pagpapaselos?.. why don't you try it to him?" wika pa nito.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon