"Sandy baby, what's that?" Napalingon ako nang magsalita sa Dad at naupo ito sa tabi ko.
Kasalukuyan akong nanonood ng palabas and it was all about a couple who wants to have a baby. Maliit lang ang semilya ng lalaki kaya hindi nito mabigyan-bigyan ng anak ang asawa. So they decided to undergo Invitro Fertilization. Iyon iyong kinukuha ang pinakaaktibong semilya ng lalaki at iinject sa babae para makabuo ng baby.
"It's..ugh! I'm bored Dad. Wala akong trabaho ngayon." Alibi ko dito. Mom was cooking. Si Antoneth ay wala na naman. Si Denver at Kuya Dennis ay hindi ko alam kung nasaan sila, God knows where they are. Lalo akong nabobored dito sa bahay. Nahihiya naman akong itext si Train dahil baka busy iyon. Hindi ko rin pwedeng tawagan si Hemera dahil maaga pa iyong nagtext ng "Hey dear cousin! Don't disturb me coz it's my day off". Siguro may ginawa na naman yung kababalaghan.
Dad Chuckled.
"Nabobored ka pero ang pinapanood mong movie ay nakakabored din. Baby, I'm your Dad and I knew what you're thinking. Alam ko naman na gusto mo ng magkaanak. I know how you loved kids but sad to say na hindi mo nagawa because of your jerk husband. Tama ba ako?" Wika nito. Kaya nga ayaw kong nakakausap palagi si Dad dahil alam na alam niya talaga kung ano ang gusto at naiisip ko.
I sighed.
"I am twenty eight and I'm turning twenty nine in three months from now. Dad, I need a kid. Baka sakaling 'pag nagkaroon ako ng baby ay makakalimutan ko ang nangyari sa amin ni Walter at matatanggap ko na ng tuluyan na hindi na niya ako mahal." Malungkot na wika ko.
Napapailing ito.
"And then what? Pagkatapos ng ginawa ng Walter na iyon ay magpapaanak ka pa sa kanya?. Sandy, hindi ka nga niya binigyan ng halaga paano pa kaya kung dalawa na kayo ng magiging anak mo ang mangangailangan ng atensiyon niya?. Kung sana nakilatis ko ng maayos ang Walter na iyon ay malamang hindi ako papayag na basta ka na lang magpapakasal sa kanya but it's too late now. Until now, there's a part of me na sinisisi ko ang aking sarili sa nangyari sayo. Hindi ko na maibabalik ang lahat. Baby, wag kang magpadalos-dalos ng desisyon. Sana magsilbing leksiyon ang nangyari sa inyo ni Walter para gumawa ka ng desisyon na hindi mo pagsisihan sa huli." Wika nito.
"So you think that Walter is my biggest mistake in my life Dad? Mabait naman siya sa akin. It's just that..hindi ko lang naramdaman sa kanya na naging asawa niya ako and I don't want that forever Dad. Babae ako at marami akong pangangailangan at kahit anak man lang ang maibigay niya sa akin ay okay lang. Kahit na tatanda na ako na walang partner sa buhay, okay lang dahil may anak na ako." Wika ko.
Dad might think that I am desperate at iyon naman talaga ang totoo.
Nagkaroon naman ako ng mga boryfriends noon pero lahat sila ay hindi nagtatagal sa akin. Pinakamatagal na iyong three months.
Kaya naman noong nagproposed si Walter sa akin na maging girlfriend niya ay umoo kaagad ako kahit na kamakailan lang kami nagkalapitan ng loob at nung nagproposed siya na pakasalan ako ay wala naman akong ginawang pagtutol kasi mahal ko naman siya.
Masyadong naging madali ang lahat sa amin ni Walter.
Ilang buwan lang kaming naging magkasintahan at ayun pakasal agad at heto ako ngayon, luhaan dahil iniiwasan.
Seryoso naman ako sa mga lalaki kahit na hard to get ako pero kapag nalalaman nila na anak ako ni Anton Alejandro del Rio ay iiwasan na nila ako. What's with my Dad?
Pakiramdam ko kasi ay atat lang ako at hindi ko man lang nakilala ng husto si Walter o kung di man ay tinanong ko man lang sana ang sarili ko ng milyong beses kung sigurado na ba ako sa kanya at hindi kami hahantong sa ganito.

BINABASA MO ANG
True Love
Любовные романыSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...