Ikalabingdalawang Yugto

6K 156 1
                                    

Hindi na ako nagkukwento sa kanya ng tungkol sa problema ko dahil ayoko namang mahalikan ng mokong na to ano!

Naiisip ko pa lang na hahalikan niya ako ay pakiramdam ko ay umiinit na ang mukha ko paano pa kaya kapag totoong hahalikan na talaga niya ako?

Kahit may gusto pa akong sabihin sa kanya tungkol sa problema ko ay hindi ko iyon masabi dahil baka nga halikan niya ako. Mamaya ko na lang sasabihin sa kanya kapag nakabalik na kami sa bahay niya.

"Hold my hand Sandy." Wika nito at pilit na inaabot ang kamay ko. Nasa bangka na siya at ako naman ay sasampa na. Napapailing na lang ako at saka inabot ko ang kamay niya.

At isa pa itong nararamdaman ko sa kanya sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko o sa tuwing magkadikit ang mga balat namin ay para akong napapaso. I don't know. Hindi ko naman to nararamdaman dati. Pinipilit ko lang balewalain kung ano man iyon. Ang importante meron na akong isa pang kaibigan na malalapitan sa kahit na anong oras na gusto ko.

Dahil sa paggalaw ng bangka ay nawalan ako ng balanse at bumagsak ako sa katawan ni Train.

"Ouch!!" Napasigaw ako.

Awtomatikong nakapulupot naman ang mga braso ni Train sa katawan ko.

Nagtama ang mga mata namin at natahimik kami ng ilang sandali. Kumakabog ang mga dibdib naming pareho at rinig na rinig ko iyon.

Hindi ko alam but I felt something--I felt the current dahil nagkadikit ang mga katawan namin.

Napalunok ako at saka napapailing.

Ako na ang unang kumilos.

"U-Uhm..S-sorry." Basag ko sa katahimikan na namayani sa aming dalawa.

Agad akong bumangon at ganun rin ito.

Napakagat-labi ako at napapitlag nang hawakan niya ang kamay ko.

"Are you okay? May masakit ba sayo?" Nag-alalang tanong nito.

Tumitig ako dito. There's something in his eyes. I saw desire in it.

Naipilig ko ang aking ulo at saka tumawa para mawala ang kakaibang tensiyon na nararamdaman ko.

Sinapak ko siya sa dibdib.

"Ano ka ba! Okay lang ako because you catch me." Wika ko at saka napahagikhik pero ang totoo ay kinakabahan ako--hindi sa takot kundi sa kakaibang damdamin na hindi ko malaman kung ano.

"Yeah..and even if you fall for so many times, I'll catch you for more than that." Seryosong wika nito pero hindi na ito nakatingin sa akin kundi sa row na gagamitin nito sa pagpapatakbo ng bangka.

I don't know pero parang may ibig siyang ipahiwatig sa akin na hinding-hindi niya masabi-sabi.

Ngumiti ako habang binaybay na namin ang lawa.

"Thank you for catching me Train. Kung hindi mo ako nasalo ay baka nasugatan na ako o baka napano na ako." Wika ko habang pinapanood ang mga tanawin na dinaraanan namin.

"Hindi ko naman hahayaan na masugatan o kaya'y masaktan ka. Mas nanaisin ko pang ako ang masaktan kaysa ikaw because... b-because you're like--"

"A sister to you.." ako na ang dumugtong sa sinasabi niya. Napangiti ako. I missed my Kuya Dennis. Matagal na rin na hindi kami nagkabonding na dalawa kaya siguro ganito na lang ako kalapit kay Train. Siguro namissed ko lang na magkaroon ng isang kapatid na kumakausap sa akin. Matagal rin kasing nadepressed ang kuya at nung gumaling naman siya ay wala naman siyang ginawa kundi ang habulin si Yumi.

Hindi na ito umimik kaya hindi na rin ako nagsasalita kasi awkward sa pakiramdam iyong seryoso kaming nagpapalitan ng mga salita na para bang may malalim na ibig sabihin o siguro ako lang ang nagbigay ng mga iyon ng malalim na kahulugan.

True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon