"Ate Sandy! What happened?!"papungas-pungas na tanong ni Hemera sa akin. Siya agad ang tinawagan ko pagkarating namin ng hospital kung saan isinugod si Train dahil wala naman akong alam na kapamilya ni Train na pwedeng tawagan maliban kay Nanay Betchay pero ang saklap dahil hindi ko alam ang contact number ng matanda.
Isinugod kaagad si Train sa operating room para makuha ang bala na tumama sa bandang dibdib niya. Kabang-kaba ako dahil sa takot. Galit ako kay Train dahil sa panloloko nila ni Walter sa akin pero hindi ako pwedeng magalit sa kanya ngayon dahil nasa kritikal na kundisyon ang buhay niya. Wala siyang ibang mapupuntahan dahil wala siyang ibang pamilya na malalapitan.
Napayakap ako kay Hemera. Napahikbi ako.
"He was shot!. Hemera hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Takot na takot ako. H-he can't die! He can't Hemera. Galit lang ako sa kanya pero hindi ko naman hinangad na ganyan ang mangyayari sa kanya." Nanginginig na sambit ko. Napahagolhol na ako ng iyak. Galit lang ako sa kanya pero sa puso ko ay ayoko namang mawala si Train. Hindi naman ako ganun kasama para ipagdasal na mawala na siya ng tuluyan.
Kailangan ko pa siyang makausap. Marami akong gustong itanong sa kanya.
"Psshhh..calm down. Malalampasan din niya yan. Ano ba kasi ang nangyari? Bakit siya nabaril at sino ang bumaril sa kanya?" Tanong nito. Kumalas ako sa pagkakayakap dito at saka napahilamos ako ng mukha gamit ang mga palad ko. Nagpalakad-lakad ako.
"Walter shot him. I saw him with my own two eyes Hemera..at hindi ko alam kung bakit niya binaril si Train." Wika ko. Nanginginig ang kalamnan ko. Marami pa pala akong hindi alam tungkol sa pagkatao ni Walter. Buti nalang hindi talaga kami tunay na mag-asawa kundi ay habang buhay kong pagsisihan na naging bahagi siya ng buhay ko.
"W-what?! H-how?! Why?!" Gulat na wika nito.
Napapailing ako at natagpuan ko na lang ang sarili ko na nagkukuwento sa kanya tungkol sa nangyari kung paano at kung bakit ako nandun sa pangyayari.
"Bakla?! May relasyon sila?! T-teka nga lang muna Ate Sandy, magkakilala ba sila ni Train noon pa man?! You mean niloloko ka lang ng dalawang gagong iyon?! Putang ina Ate ano pa ba ang ginagawa natin dito?! Pabayaan na natin ang traydor na Train na iyan tutal niloloko ka rin naman pala niya!" Seryosong wika nito at saka hinawakan ang kamay ko at akmang aalis pero bumitaw ako.
Napaawang ang bibig niyang nakatingin sa akin na hindi makapaniwala.
"I can't leave him Hemera. Wala siyang ibang pamilya. He has nothing but me." Wika ko.
Napatawa ito ng pakla.
"Dennisandra del Rio WAKE UP! Niloloko ka na nga ng mga lalaking iyon ay nagpapaka-martyr ka pa rin! Wag ka ngang tanga! Hindi mo mabubuhay ang sarili mo sa pesteng pagmamahal na yan!! Umalis na tayo dito! Hayaan mong mamatay ang gagong Train na yan tutal deserve din naman niya yan!" Wika nito.
Napakuyom ako ng mga palad.
Tulad ko ay galit rin si Hemera pero mas nangingibabaw sa akin ang awa ko kay Train. Kahit papano naman ay malaki ang naitulong niya sa akin. Nung mga panahong wala akong mapagsasabihan ng sama ng loob ko kay Walter ay andun siya para alagaan ako at iparamdam sa akin na hindi ako nag-iisa kahit pa may motibo siyang makipaglapit sa akin.
Nasasaktan ako pero hindi ito ang panahon na iwanan ko siya.
"Sabihin mo na kung ano ang gusto mong sabihin Hemera pero hindi ko pwedeng iwan si Train. Tumatanaw ako ng utang na loob sa kanya. Kapag magiging okay na siya ay saka ako aalis dito pero sa ngayon ay hindi ko siya pwedeng iiwanang mag-isa." Wika ko.
BINABASA MO ANG
True Love
RomantizmSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...