From: Train Valdez
Wat's ya doin?
Napakunot ako nang magtext sa akin si Train. Kakauwi ko lang galing office nang matanggap ko ang text nito. Mag-aalas otso na ng gabi at pagod na akong nakahiga sa kama ko.
From: Me
Just got home from work. I'm tired :(
Napabuntong hininga ako. I was expecting that Walter would text me kahit na 'Hi' o 'Hello' lang pero kahit yata yun ang ipinagdamot sa akin ng asawa ko. Hanggang ngayon ay naiisip ko pa rin kung ano ang naging kasalanan ko kung bakit ginaganito ako ni Walter..kung bakit sinasaktan niya ako ng ganito.
From: Train Valdez
Wanna have fun? Para mawala yang pagod mo?
Napapailing ako. Simula nung ipinroposed ko na ang wine sa pinagtatrabahaun niyang hotel at restaurants ay palagi na kaming nagkikita ni Train. Masaya naman kasi siyang kausap at naiintindihan niya ang nararamdaman ko. Minsan naiisip ko na nga na sa kanya ko na nasasabi lahat ng tungkol sa buhay namin ng asawa ko. Train is a good listener at kapag tapos ko ng sabihin sa kanya ang lahat ng hinanakit ko sa buong araw ay ngingiti ito at saka sasabihin niyang..
Okay yan. Atleast naipalabas mo ang nararamdaman mo sa araw na ito. Ngumiti ka naman diyan para hindi ka magmukhang pangit. Tomorrow is another day!
At saka kikindatan ako. Pagkatapos nun mapapangiti na ako at gagaan na ang pakiramdam ko kahit na andun pa iyong sakit buhat ng ginawa ni Walter sa akin.
Tatlong buwan pa lang kaming nagiging magkaibigan ni Train pero malaking tulong ang pagiging magkaibigan namin dahil naiibsan niya ang hinanakit ko sa asawa ko.
I found myself texting back to him.
From: Me
Sige sunduin mo ako dito sa mansiyon ng parents ko.
Simula kasi nung umalis ako sa bahay namin ni Walter ay dito na ako umuuwi sa mga magulang ko. Ayoko naman kasing umuwi doon sa condo ko kasi mas lalo lang akong malulungkot dahil ako lang ang mag-isang tumira doon.
From: Train Valdez
Sure. Susunduin kita :)
Mabilis naman akong nagbihis. Kahit pagod ay kinailangan kong aliwin ang sarili ko para hindi ako iiyak ng iiyak na lang dito sa kwarto ko dahil sa kaiisip sa sitwasyon namin ni Walter.
Ilang sandali pa ay bumaba na ako para hintayin si Train nang makasalubong ko si Antoneth--ang bunso kong kapatid.
"Saan ka pupunta, gabi na ah?" Wika nito.
"Going somewhere." Matipid na wika ko.
"With someone?..Are you cheating with your husband, Ate? Kaya ka ba dito umuuwi ay dahil naghihiwalay na kayo ni kuya Walter?" Wika nito.
Napatigil ako at saka napabuntong hininga. Wala naman kasing alam si Antoneth sa mga nangyayari sa akin dahil palagi itong wala sa bahay. Minsan na nga siyang nawala sa amin ng dalawang buwan at wala kaming naging balita sa kanya. Nag-alala na kami ng husto sa kanya noon pero pagkaraan ng dalawang buwan na iyon ay nakabalik siya dito sa mansiyon. Simula nang makabalik siya dito ay marami nang nagbago sa kanya. Dati rati ay makulit ito at hindi mahilig lumabas ng bahay pero nung mawala siya sa amin ng dalawang buwan ay palagi itong wala sa bahay at palagi itong seryoso. Para bang may nangyari sa kanya sa dalawang buwan na nawala siya sa amin at hindi niya lang kinukwento..kung ano man ang dahilan ay hindi namin alam. Masyado na siyang masekreto. Hindi ko na lang siya pinapakialaman pa. Hahayaan ko siya na kusang lumapit sa akin tutal palagi naman akong nakasuporta sa kanya.
BINABASA MO ANG
True Love
عاطفيةSYPNOSIS: "I'll pay you..just make me pregnant at sisiguraduhin mo lang na hindi ka magsusumbong sa asawa ko."- Dennisandra del Rio. She has everything..money, luxuries and beauty..she even married to a very popular business tycoon but she still fe...