I
Sa aking paglapit,
Ngiti iginanti.
Di matimbang mga paa wari'y piki,
Bawat hakbang hirap sa 'yo'y makatabi.Sa aking pagtabi,
Iyong bati'y tango.
Nginig ang nag-uuntugang mga tuhod,
Ngatog mga binti at kaba'y ubod.Sa pag-aakala,
Lilisan sa upuan.
Lubos ang kahihiyan kung iiwanan,
Mag-isa lamang at mayro'ng pagdaramdam.Sa pagkakatabi,
Upua'y kay lamig.
Umimpit, oras at mundo sa pag-inog,
Yaring dibdib nama'y mabilis pagkabog.II
Sa pag-alinlangan,
Walang maiusal.
Gayon kata sa upua'y magkatabi,
Kahit tayo'y abutin ng hatinggabi.Sa aking pag-anas,
Bibig ko'y nangusap.
Magpakilala ka, ito'y pakiusap,
At nang lumutang sa mabulak na ulap.Sa iyong pagsagot,
Nahiya pang tunay.
Nang magwika yaring mahalinang labi,
Magayumang salita, "Ako si Annie."Sa paghuhuntahan,
Nagkapalagayan.
Dalawang persona, damdami'y natalop.
Isang eksena, ligaya ay kumubkob.III
Sa isang sandali,
Kapuwa natigilan.
Pansamantala, awit ay pinakinggan.
Mga himig, ang mga puso pinagmulan.Sa isang salita,
Nais na ibigkas.
Mga damdamin inudyukang lumabas.
Mula a loob, wala 'tong sukat lakas.Sa isang pamanhik,
Kapuwa ay pumayag.
Mga puso, may pagnanasang 'di labag.
Magpalitan sa pag-ibig, walang lubag.Buwan ng Mayo
Nueve de Pebrero,
Lungsod ng Mandaluyong
BINABASA MO ANG
MGA TULA NG NAKARAAN
PoetryKOLEKSYON NG MGA TULA NA INILIMBAG NG NAKARAAN, AYON SA NATATANGING KARANASAN.