Chapter 1: Other Shades of Pink

25.8K 351 23
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


JAYVEEN

ANG buhay ko bilang isang kolehiyala ay hindi man singsaya o singkulay ng iba sa mata ng nakararami, para sa akin ay higit na akong ipinagpala. Kontentong-kontento na ako sa kung ano ang meron ako ngayon.

Sa isang tao na ang tanging layunin lang ay ang makapagtapos ng pag-aaral at makahanap ng trabaho, prayoridad nito ang mapanatili ang iskolarsyip na ipinagkaloob sa kanya, gaya ko.

Hindi lang ang pangarap at ang panalangin kong makapag-aral na may iskolarsyip ang biyayang ipinagkaloob sa akin ng Panginoon kung hindi pati na rin ang sarili kong kwarto sa dormitoryo.

Ang swerte ko di ba? Blessed. Blessed ang tamang salita diyan.

Ang mahal na nga ng pang-apatan na kwarto, paano na kaya itong sa akin na pang-isahang tao lang? Salamat kay Sir Rodriguez, Dean of the College of Engineering, na siyang nagpili sa akin na maging student secretary niya kaya nakuha ko ang benepisyong ito.

Ang lamig! Sobra! Ang hindi ko maiwasang reklamo sa isip ko pagkapatay ko ng tubig at pagputol sa pagiging sentimental ko. Kung meron kasing isang bagay na mapupuna ko sa paglipat ko rito, iyon ay ang napakalamig na tubig na maikukumpara mo sa isang yelo! Hindi na kasi mawala talaga sa sistema ko ang maligo bago matulog. Ganoonpaman, isa pa ring biyaya itong maituturing.

Napatigil ako sa pag-abot ng sabon, hindi dahil sa lamig ng hangin na bumabalot sa buo kong katawan, kung hindi dahil sa nakakaistorbong katok na umabot pa talaga sa loob ng banyo.

Noong una, ang akala ko ay galing sa kabilang kwarto ngunit nang mas nilakasan pa nito ang pagkatok na kulang na lang ay basagin nito ang pinto, doon ko lang napagtanto na sarili ko palang pinto ang gustong sirain nito.

"I said open this freaking door!" bulyaw ng kung sinuman ang umiistorbo sa nakakawindang ko nang pagliligo. Para siyang isang wirdong entremetido na humihingi pa ng permiso bago pumasok.

"Ay naku! Kung kelan naliligo ako ay doon talaga mambubulabog?!" padabog kong pagreklamo.

Hindi ako isang wirdo pero oo, kinakausap ko ang sarili ko paminsan-minsan. Hindi pa naman ako nababaliw ano?

"Hey, you thief, you bastard, get out!" sigaw na naman ng kung sinumang sa tingin ko ay may sayad yata sa utak upang matawag akong magnanakaw at bastardo.

"Ako?! Thief?! Bastard?! Aba! Humanda ka sa'kin!" pagbabanta ko sa taong hindi naman ako naririnig.

Iniisip ko pa lang ay parang mas natatakot pa ako kesa mainis. Mga baliw lang ang umaastang ganyan!

Kinuha ko ang tuwalya upang takpan ang nanginginig ko nang katawan na wala pa ring intensyon na magbihis.

Papunta na ako sa pintuan nang kumatok na naman ito na para bang pinagsusuntok na ang pinto. Ang inis ko na ang nangingibabaw kesa sa takot. Wala naman yata kasi akong dapat na katakutan dahil mahigpit naman ang seguridad dito kaya hinanda ko ang sarili upang harapin ito. Hindi ako magpapatinag at mas lalong-lalo nang hindi ako papayag na tratuhin ng ganito at tawagin ng ganoon ng kung sinuman!

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon