Chapter 32: Crossing the Bridge

3.7K 124 36
                                    

꧁TONI꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TONI

IT is so frustrating to wait! Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay ang pinapahintay ako! That's why I'm always early or, I should say, the first one to arrive in a meeting or gathering because I don't have the patience to wait.

Mukhang tini-test yata talaga ni Lord ang pasensya ko dahil sa kasalukuyan naming sitwasyon ni Jayveen, ah. I'm always waiting for her message which doesn't have a definite time because either she's in class or in duty, or her friends are with her. Kapag naman tapos na ang duty niya ay hindi rin ako makatawag dahil sa kasama niya lagi ang mga kaibigan niya. Kahit na sa pagpunta sa banyo ay kasama pa niya ito. Isama pa natin si Troy na kung magbantay eh akala mo dyowa. Nakaka-frustrate talaga!

But what can I do? Kailangan ko itong tiisin habang hindi pa ako nakakapag-isip ng bagong plano.

Dad said I should give Jayveen's parents the time to calm down. Mahirap daw kasing tumawid kapag lumiliyab pa ang tulay. Kaya ito, araw-araw ay nananalangin akong saniban ng espiritu ng pasensya.

It's already three days since I got out of the hospital. Bumalik na rin ako sa unibersidad dahil baka magalit pa ang dragon sa'kin. Usapan pa naman namin na kapag di ko maipasa ang midterms ay hindi ako pwedeng manligaw.

Isa pa 'yan sa kinaiinisan ko. Paano ako magkakaroon ng inspirasyon sa pag-aaral kung hindi ko man lang ito nasisilayan?! Bakit pa kasi kailangan niyang ibahin ang schedule niya? Pwede namang hindi kami magkibuan at magkatabi basta ay nakikita ko lang siya.

Ang laki-laki talaga ng problema ko!

"Toinette, if you keep being grumpy, you'll get more wrinkles on your face. Ang laki na nga ng eye bags mo, dadagdagan mo pa ng wrinkles," puna ni Daddy sa'kin habang nagmamaneho ito.

"Eyebags?!"

"Oo. Ang laki na ng eyebags mo o! That's what you get for not getting enough sleep. Ang itim-itim pa."

Agad kong tinignan sa salamin ang eyebags na sinasabi nito. Oo nga at may eyebags na ako. Hindi man ako maarte sa katawan pero syempre may pakialam naman ako kapag eyebags na ang pinag-uusapan.

"Ano ba naman 'yan!" inis kong sabi.

"Then, get some sleep."

"I'm trying Dad."

"Try harder."

"It's not as easy as that, Dad. You have no idea how noisy my mind is."

"Oh, I think I have. Whenever my body touches the bed, all I want is fall asleep. But what's happening? Ayun at nakikipagtalo ako sa sarili ko kung tama ba talaga ang amount na nilagay ko sa quotation o kaya ay tama ba ang estimates and etcetera. It takes a great discipline, and control, kid. But on a brighter note, it's a good training for you. Later on, when you have your own family, your responsibilities will be greater. Hindi pupwedeng kakapit ka na lang sa sleeping pills palagi."

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon