꧁JAYVEEN꧂
WALANG araw na hindi ako pumupunta sa silid-aklatan upang mag-aral, maliban na lang sa mga pagkakataong pinili kong mag-aral sa aking silid. Ngunit alam nating lahat na ang pag-aaral sa silid ay hahantung lang sa pagkatulog—isa sa mga bagay na hindi ko mapigilan bukod pa sa sorbetes.
Sa buhay kong wala namang kabuhay-buhay pagdating sa usaping pag-ibig, ang tanging nagpapakaba lang sa'kin, bukod sa mga pagsusulit, ay ang makauna sa paghiram ng libro na may limitadong kopya lang sa silid-aklatan para, siyempre, sa mga gawaing pambahay at pagsusulit. Iyon ang mga araw na para bang nakikipag-unahan akong maangkin ang isang kayamanan--gaya ngayon, na siyang dahilan ng paghihingal ko. Hindi kasi lahat ay nakahanda na para sayo sa iskolarsyip na natanggap ko.
"Excuse me, Miss, may libro pa po ba ng Structural Theory ni William Howard?" tanong ko sa working student sa silid-aklatan.
"Pasensya na, Miss. Kakareserba lang po ng panghuling kopya."
Ito ang tinatawag na heart breaking!
"Maaari ko bang malaman kung sino ang nagreserba nito?"
Naway anghel ang nakahiram nito.
"O sige po. Sandali po, ha." Pagkaraan ng ilang segundo, nagpatuloy ito, "Antoinette Salvador po."
Not an angel at all! Pangalan pa lang niya ay nayayamot na ako! Tila isang sumpa yata ang pagkakakilala ko sa kanya! Ni anino niya ay hindi pamilyar sa'kin noon tapos ngayon kung saan ako magpunta ay nandoon siya?
"Pwede pa lang magpareserba ng maaga?"
"Hindi naman talaga. Maliban na lang sa iilan-ilan na sitwasyon."
"Katulad ng?"
Hindi ako susuko!
"Katulad ngayon, kasalukuyan pa kasi siyang tinutulungan ng isang librarian namin na hanapin ang librong kailangan niya."
Fine! Forget about her! "Wala na bang pagkakataon pa para sa isa pang kopya?"
Umiling iling ito. "Nahuli ka lang po talaga. Mayroon kaming limang kopya, tatlo ang hiniram ng mga miyembro ng faculty, ang isa ay itong nakareserba na at ang isa naman ay kaka-check-out lang din."
"Maaari ko bang malaman ang pangalan ng estudyanteng nanghiram nito?"
Tumango siya at sa pagkakataong ito ay hindi ko na kailangang maghintay dahil nasa harap na niya ang impormasyon na kailangan ko. "Ang kanyang pangalan ay Alpha Marie Bacolod."
"Alpha Marie Bacolod?" pag-ulit ko.
"Opo."
Nakakaloka naman o! Hindi rin pamilyar sa'kin!
"Sige na lang po. Salamat."
Sinimulan ko ang aking mabagal na paglalakad palabas ng silid-aklatan na mabigat ang loob. Ang makakuha ng itlog na marka ay hindi isa sa mga inaakala kong panimula sa semestreng ito.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...