꧁JAYVEEN꧂
SA bawat haplos ng alon sa'king mga paa ay parang hinahaplos din nito ang puso kong naninikip. Simula nang tinanggap ko ang alok ni Heart na maging date niya ay hindi na ako tumigil sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa araw na ito, lalong-lalo na bukas na siyang araw talaga ng hinandang kaganapan.
Sa ilang linggo nga lang na nakikita ko si Toni at nakakasama sa isang bubong ay para na akong aatakihin sa sakit ng puso. Bukas pa kaya na mapupuno ang buong lugar ng mga tagahanga nila?
"Hindi ko yata ito kaya," pagkausap ko sa mga alon.
Naaalala ko pa lang ang mga pangyayari ay nahihirapan na akong huminga.
Kabadong-kabado akong nagtungo sa silid-aralan, hindi alam kung kakayanin ba ng puso kong makita ito. Ngunit nang nakita ko siyang nakaupo sa laging pwesto naming dalawa pagkapasok ay isang maliit na ngiti sa mga labi ang agad kong reaksyon at tila nawala na lahat ng sakit sa puso. Akala ko kasi talaga ay hindi na ito tatabi sa'kin. Akala ko ay lalayo na naman siya sa'kin.
Nang makaupo na ako sa tabi nito ay mas lalong hindi ko mapigilan ang pagngiti. She trust me, at least. Baka hinihintay niya lang ang paliwanag ko. So, it's okay. Knowing Toni, her hormones are crazier than mine.
"T-Toni," mahinang pagtawag ko sa atensyon nito ngunit tila hindi ako nito narinig.
I should be hopeful. Baka hindi talaga ako narinig kaya inulit ko.
"T-Toni."
Wala pa rin.
Kung lalakasan ko pa ang boses ko ay nakakahiya naman sa mga ibang kaklase ko. Kaya imbes na tawagin lang ito ay hinawakan ko ang braso nito.
Kalahating segundo ko lang naramdaman ang init ng braso niya nang agad siyang tumayo at lumipat ng upuan.
That left me speechless. Kahit ramdam ko na ang mga pares ng mga matang nakatingin sa direksyon ko ay hindi pa rin ako nagpatinag at sinundan lang ito ng tingin.
Kakasimula pa lang ng araw, Jayveen. Remember, mas babae pa 'yan si Toni sayo kung umasta minsan.
Sa kasunod na klase ay binilisan ko ang paglalakad upang unahan ito. Ayokong makita ng mga kaklase ko ang bakas ng sakit sa puso mula sa mukha ko kapag makita ko na namang wala ito sa dati naming pwesto.
But I was still wrong. Mauna man ako o hindi ay ganoon pa rin ang reaksyon ko nang dinaanan lang ako nito. We suddenly became total strangers with each other.
"Pwede ka ring sumigaw at ilabas lahat ng sakit o puot na nararamdaman mo," biglang wika ni Heart na hindi ko man lang napansin na nasa likuran ko na pala.
Naglibot-libot pa kasi ito sa resort para isigurado na kumpleto na lahat ng kailangan. Gabi ng Biyernes ay nandito na kami para sa paghahanda.
Isang pilit na ngiti ang ipinagkaloob ko rito habang patuloy na nilalaro ng mga paa ang mga alon.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...