Chapter 40: The Last to Last

3.5K 135 11
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

NANGHIHINA ako! Ngumingilid na rin ang mga luha ko. Ito ang ayaw ko, eh! Ayokong binibigla ako. Ayokong sinusorpresa ako. Ayokong magmukhang timang sa lahat ng tao dahil malamang hindi gagana ang isip ko sa mga ganito!

Dinig na dinig na siguro nila ang mabilis kong paghinga na siyang hindi ko marinig dahil sa malakas na pagkabog ng puso ko.

Inhale. Exhale, Jayveen. Inhale. Exhale.

Sabi ni Syrin ay erelaks ko lang daw ang sarili ko't ituon kay Toni ang buong atensyon. Nagbibiro yata siya! Hindi ba niya alam na sa mga oras na ganito ay ang pinsan lang niya ang may kakayahang magpahirap sa paghinga ko?

How can someone look so irresistibly captivating by doing nothing?! Literally, nothing! Nakatayo lang ito, arms crossed, hindi gumagalaw at nakatingin sa'kin! Iyon lang at nagkakaganito na ako!

Tapos ngayon, nang bigla siyang ngumiti ay wala na... naubos na ang natitira kong lakas at napahawak agad kay Papa. Bilang pampakalma ay tinapik lang ni Papa ang kamay ko. If only that was helpful but obviously it wasn't.

Few seconds after I almost lost all my remaining energy from such an overwhelming moment, music filled the air and my Toni... my dear Toni slowly made her way towards me.

Kahit nakatayo pa ako ng maayos ay walang isip na inayos ko pa rin ang pagtayo ko. What did I actually do? I don't know. Basta umayos ako ng tayo. Mahirap na at baka matapilok ako nang hindi man lang gumagalaw. Nakakahiya!

Nakatitig lang kami sa isa't-isa, walang plano na magpatalo. I haven't seen her the whole day at lanie nag-aalala rin ako tapos bigla siyang darating, haharap sa akin at umastang parang wala lang nangyari?

Nang nagsimula na lang itong kumanta ay hindi ko mapigilang higpitan ang paghawak kay Papa. Hindi nga ako umiwas ng tingin pero natalo pa rin ako nang hindi ko mapigilan ang pagdaloy ng kaunting luha sa pisngi ko.

Here we are under the moonlight

I'm the one without a dry eye

'Cause you look amazing

Bawat paghakbang nito ay tila malaking vacuum na humihigup sa enerhiya ko. Para siyang isang human gravitational force na humihila sa buong pagkatao ko.

I'm sorry for whatever I've caused

Before today I knew I felt lost

But now you're my lady

Kahit dati naman ay sayo na ako Toni... dating hindi ko maamin-amin sa sarili ang totoong nararamdaman ko.

So take my hands up, seen me

'Cause you've made me into this man

Dahil nasa gitna na kami ng hagdan ay mabilis lang para kay Toni na akyatin ang kinatatayuan namin.

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon