Chapter 28: Cliff of Ending

3.7K 126 1
                                    

꧁TONI꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TONI

I feel as though my soul is leaving my body.

"...sana ay di nalang kita nakilala at sana ay di nalang kita minahal!" huling katagang binitawan ni Jayveen habang umiiyak. Mas lalong dinudurog ang puso ko sa pag-iyak nito. Bawat salita at hagulgol niya ay kutsilyong tumutusok sa puso ko.

Minahal.

Minahal niya ako.

Mahal niya ako.

But I was an asshole... such an asshole!

"Jayve..." tanging lumabas sa bibig ko habang hindi pa maproseso ng isip ko ang gustong sabihin. Humakbang ako papalapit dito pero tinalikuran ako nito kaagad at tatakbo na sana nang pareho kaming nagulat nang makita si Therese sa likuran naming dalawa.

"Jayve," mahinang saad ng kaibigan na di matago ang pag-aalala.

"Let's go home," mahinang sagot naman ng babaeng mahal ko bago ito tuluyang tumakbo papunta sa maraming tao.

No! No! I can't let you go, Jayveen!

Hahabulin ko sana ito ngunit hinawakan ni Therese ang kaliwang braso ko.

"Leave Jayveen alone."

"But I need to speak to her."

"Speak?!" she smirked. Ngayon ko pa lang nakitaan si Therese ng ganitong reaksyon. "Hindi pa ba sapat sayo Toni ang paiyakin si Jayeen?! You know what, I liked you for her before pero ngayon na nakikita ko siyang nasasaktan nang lubusan , I wish the same na sana hindi ka na lang niya nakilala! And worst, minahal ka rin pala niya!

"Alam ko, eh! Ramdam ko na aabot siya sa ganito, na mapapamahal siya sayo because I knew her since day one in the University. Nararamdaman ko kung pangkaibigan lang ang turing niya sayo at ramdam kong nakapasok ka na sa puso niya dahil sa kung paano ka niya tignan. And I thought, really thought Toni na you are good for her kasi iba ang saya ni Jayveen kapag kasama ka, eh. And you are so sweet to her. You got us fooled, really fooled!

"Alam mo kung ano ang mas masakit? Pinagkatiwalaan ka niya ng buong-buo pero hindi mo kayang ibigay sa kanya iyon! Imbes na alagaan siya, paulit-ulit mo lang siyang sinasaktan! You should be the one protecting and saving her from pain but instead ikaw pa mismo ang nanakit sa kanya! Ni hindi mo nga siya binigyan ng pagkakataon na mag-explain sayo, di ba? Pangalawang beses mo nang ginawa 'yon Toni! Twice! Just because of your messed up heart!"

Huminga ito ng malalim at ako naman ay mas lalong hindi na makapagsalita. I've always seen Therese as a sweet and a jolly person. But right now, I saw someone who is going to do her best to save her friend from more pain... from me.

"Somehow, I couldn't blame you, Toni. Nasaktan ka ni Erica, eh, pero sana huwag mong idamay ang kaibigan ko sa trust issues mo. And friendly advice, kausapin mo rin pala si L kasi hindi lang si Jayveen ang nasasaktan dito kung hindi pati na rin ang bestfriend mong kahit kailan ay hindi ka tinalikuran kahit gaano ka pa kagago."

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon