Chapter 20: Hide and Seek

4.1K 158 19
                                    

꧁A꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

A

I have been my meanest self for a little while now. Simula nang nakaramdam kasi ako ng pagkaselos para kay Jayveen ay hindi ko na siya tinatawag na Rea.

Rea... I miss calling her that. It's like I miss another person just because I called her a different name.

Hay, Alpha! Iyang pagkaselosa mo ay dapat ilagay mo rin sa tamang tao.

Nakokonsensya tuloy ako dahil ang galing kong magsabi kay Toni kung ganoon na lang ba kababa ang tingin niya kay Rea kung gayung pati ako ay inisipan din ng masama ito.

For the past two days, right after I spoke with Toni, I made sure to clear my schedules for L. Bumawi ako sa pagkukulang ko. Imbes ito ang mag-adjust sa iskedyul ko ay ni libre ko lahat ng oras ko na wala akong pasok para sa kanya. At ngayon, kay Rea naman ako babawi.

It's finals next week and I know she's still up this wee night studying. She hates cramming as much as I do.

First plan was to act as if I wanted to study with her but that would be too obvious. It's not my way to come uninvited. Ang totoo nga niyan ay si Rea ang kadalasang nagpaplano sa mga ganoong bagay. Ngayon na iniisip ko iyon ay nami-miss ko na ito. I miss to speak with the most innocent person that I've known in my life. I'm just not sure if she's still that same person now.

Huminga ako ng malalim at inayos ang kwelyo ng polo shirt na suot bago kumatok sa pintuan niya. Habang hinihintay ang pagbukas nito ay narinig ko ang mga mabilis na nakapaang pagyapak nito palapit sa pinto. She must be half-walking-half-running again. Never changed. Parang bata pa rin.

"Yes? AM?!" gulat na tanong nito na muntikan nang malunok ang toothpaste sa bibig.

She invited me inside before running towards the bathroom to finish brushing her teeth. Sinarado ko ang pinto at napatingin sa nakakalat na mga libro sa higaan nito. I am missing her a lot even more now that I'm looking at it. Same messy bed on a study night. Nakaka-miss!

Napatingin din ako sa bandang kusina at napansin ang mga pinapatuyo na plato at baso nito. That created a happy curve on my face. Nagbagong buhay na pala siya. Natututo nang magluto. I wonder if that's because of her tight budget or of Toni.

"AM, napadalaw ka?" pagkuha nito ng atensyon ko.

"Hmm... Yeah. Just want to check on an old friend."

"Oh. Sigurado ka ba? O baka may gusto ka lang pag-usapan?"

"I'm not so sure how to answer that but yes, may gusto akong pag-usapan," diretsa kong sagot.

Huminto ito sa paglalakad at doon ko napansin ang kaba nito. Rea's a very transparent person—someone so opposite of me. Kaya kong hindi magbigay ng kahit na anong reaksyon sa mukha kahit pa nasasaktan ako, natutuwa, kinakabahan o kahit anong emosyon pa 'yan. But Rea? She's definitely transparent and I'm two hundred percent sure of that.

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon