꧁JAYVEEN꧂
HABANG mabilisang nilalapitan ko si Beatrice na hindi maitago ang pagkalitong makita si Troy na nakasunod sa'kin ay nararamdaman ko rin ang unti-unting paglala ng sakit sa puson ko. Nahihiya pa tuloy ako lalo kay Beatrice dahil imposibleng hindi ito lalala bukas. Malamang ay hindi na naman ako makakapasok at imbes na i-enjoy niya ang Intramurals ay wala na siyang magawa kung hindi ang mag-duty.
"B-Bakit magkasama kayong dalawa?" bulong ni Beatrice upang hindi marinig ni Troy.
"Ewan ko dyan. Gusto raw akong makausap."
"Hmm," makahulugan na tingin ang itinugon nito sa'kin bago pinasok ng patago ang napkin sa maliit kong vanity pouch. "Okay ka lang?"
"Ha? Oo. Sumasakit lang talaga ang puson ko."
"Hindi 'yan ang ibig kong sabihin."
"Ha? Eh, ano?"
"Wala! O sya. Kailangan ko nang umalis at baka mawerla na 'yon si Juanita dun sa opisina. Teks-teks na lang ha."
Lumaki ang mga mata ko nang maalala ang selfon at bag kong naiwan sa upuan sa pagmamadali. Agad akong humarap kay Troy upang sana ay sabihan siya na tsaka na kami mag-uusap nang bigla na lang sumayaw ang paligid. Napaatras ako nang kaunti at nasalo naman agad ni Beatrice. Kahit si Troy ay napahakbang din ngunit naunahan lang. Napahawak na ako sa noo sa hindi inaasahang saglit na pagkahilo.
"Ayan na! Nagpupuyat ka kasi palagi," sumbat ni Beatrice. "Magpahinga ka na lang kaya muna."
"Babalik na lang ako sa loob."
"Sa loob? Pahinga ang sabi ko Raye. Tapos na rin naman ang laro ni Toni. Hindi mo na kailangang bumalik dun," may pagkainis na sabi nito.
"Bee, naiwan ko kasi ang bag ko sa loob," pagpigil ko sa pag-agapay nito sa'kin.
"Ako na ang bahala dun! Andun naman si Therese, eh. Pero kailangan ko na palang bumalik sa office. Troy, pwede bang ihatid mo na lang si Raye sa kwarto niya?"
"Naku, huwag na! Huwag na!"
"Raye, gusto mo bang mahimatay sa daan?" giit naman naman ni Troy. "I would prefer to accompany her to the clinic. What do you think, Bee? That would be safer for her."
"Naku, Troy. Hindi ko na kailangan ng clinic. Ipapahinga ko lang ito at panigurado mawawala rin ito mamaya."
Nakakahiya naman kasing sabihin na binisita ako ng pulang anghel ngayon.
"We have to make sure what's wrong with you. Maybe you're dehydrated or having low blood."
Napatingin ako kay Beatrice upang humingi ng saklolo ngunit imbes na tulungan ako ay sumang-ayon pa ang isa.
"Raye, I'm sorry. I have to agree with Troy. Mas mapapanatag din ako kung nasa clinic ka."
Napabuntong-hininga na lang ako at napakamot na rin sa noo. Mukhang wala na akong kalaban-laban sa dalawa at totoo rin namang nahihilo pa rin ako nang kaunti. Para akong papel na matutumba sa kaunting pag-ihip ng hangin kaya ay pumayag na rin ako.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...