Chapter 10: Kay Toni Lang

6.2K 159 27
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

MUNTIKAN na namang mauntog ang ulo ko sa bintana ng sasakyan dahil sa hindi mapigilang pagkaantok. Kasalukuyan kaming nasa biyahe ngayon papunta sa unibersidad at hinahatid ni Tito Anton, Daddy ni Toni. Nasa likod ako habang si Toni ay nasa harap at nakikipagkwentuhan sa Daddy niya.

Simula nang maramdaman ng katawan ko ang malambot na kutson ng upuan ay tila hinihigup ng lupa ang talukap ng mga mata ko. Mabuti na lang at tuwing bibitaw na ang mga mata ko sa antok ay nasasalo ng kamay na nakaalalay sa ulo ko ang noo ko bago pa ito tumama sa bintana dahil kung hindi ay malamang pang-aasar lang ang aabutin ko mula kay Toni.

Hinding-hindi na talaga ako matutulog sa ibang bahay! Sa susunod na iimbitahin ako ng pamilya niya ay uuwi na talaga ako sa dormitoryo pagkatapos. Mabuti pa roon ay kahit na kalahating oras bago ang klase ako gumising ay hindi pa rin ako matatagalan sa pagpasok.

Maaliwalas ang sikat ng araw na tumatama sa mata ko kaya nang huminto ang sasakyan ay hindi ko agad napansin na nakarating na pala kami sa harap ng gate ng unibersidad. Napatalon na lang ang antok kong kaluluwa nang biglang bumukas ang pinto ng sasakyan na pinagsasandalan ko ng ulo.

"Hala! Sorry po, Tito. Hindi ko po napansin na nakarating na po pala tayo. Maraming salamat po sa paghatid."

"Not a problem, Hija. Lagi ko namang hinahatid si Toni kapag umuuwi siya sa bahay."

"Salamat po ulit Tito! Mag-ingat po kayo sa daan," tuluyan kong paalam rito dahil nakakunot na naman ang noo nitong si Toni. Siguro dahil hindi ko lang siya ginawang tagapagbukas ng pinto ng sasakyan kung hindi ay pinaghintay ko rin sa ilalim ng sikat ng araw.

"Kayo rin, Hija. Ingatan ninyo ang puso niyo, ha," ang habol na biro ni Tito bago ako hinila ni Toni palabas ng sasakyan.

"Masyado mo namang ginagalingan ang pagiging girlfriend ko," wika nito bago inilapit ang mukha sa tenga ko. Doon ko lang napansin na sa amin pala nakatingin ang lahat ng nakatambay sa labas ng unibersidad at mga papasok pa lang. "Masarap maging girlfriend ko ano?" bulong nito.

Itinulak ko ito sa balikat tsaka iniwan. Malamang ay sinadya na naman niyang gawin iyon dahil napansin niyang maraming nakatingin sa amin. Kung siya ay walang problema na makuha ang atensyon ng lahat, ako meron. O baka naman ay paghihiganti niya iyon dahil pinaghintay ko siya.

Pwede naman niya akong iwan!

Mga limang minuto pa ang lalakarin ko mula sa gate papunta sa entrada ng kauna-unahang gusali ng unibersidad at pakiramdam ko ay pinagtitinginan ako ng mga estudyanteng nakakasabayan ko.

Malaking dahilan man ang magarang Jeep na sasakyan nila upang makuha namin ang atensyon ng mga tao ay hindi pa rin ako komportable. Nilalakasan ko na nga lang ang loob ko tuwing aakyat ako ng intablado kapag awarding ng pagiging dean's lister ko na isang beses sa isang semestre lang, ito pa kayang araw-araw mong makakasalamuha ang mga estudyanteng hindi mo alam kung ano na ang tumatakbo sa isip sa maling paniniwala ng lahat?

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon