꧁JAYVEEN꧂
MOST often than not, Toni and I tend to be immersed in our own new world nowadays. I have to admit that the more we get physical contact, the closer we get. Hindi naman sa iyon na lang ang dahilan but I have to be honest, naging pinto ito upang mas maging kampante ako sa sarili ko. Being accepted and loved by her with all my flaws makes me confident with myself. Natatanggal na ng paunti-unti ang hiya ko sa kanya. Binibiro nga kami lagi ng mga barkada niya na nasa honeymoon stage daw kasi kami kaya sobrang sweet namin sa isa't-isa.
Nahihirapan din akong itago ang pamumula ko satwing binibiro kami nila ng ganoon gawa ng preskong-presko pa sa isip ko ang alaala ng romansa namin ni Toni, pati na rin ang epekto nito sa katawan ko.
Kahit si Toni nga na mas may karanasan pa kesa sa'kin ay klarong-klarong naapektuhan pa rin sa mga biro nila, ako pa kaya? So, as a punishment, I will be sharing a room with Patricia instead with Toni. Mga baliw talaga! Paano magiging isang punishment ang makasama ang pamilya sa magandang lugar?
Simula nang dumating kami sa Paradise Resort ay nilalayo na si Toni ng mga barkada niya mula sa'kin. Nakakatawa! Kung umasta sila ay tila ikakasal kaming dalawa at bawal magkita bago ang kasal. Akala ko pa nga na sa 23 pa sila darating dahil iyon ang araw ng Christmas Party nila pero sumabay pala talaga sila sa amin.
On another note, gusto ko rin namang makasama ang pamilya ko sa dalawang gabi at tatlong araw na andito kami sa resort. May pagkaseloso pa naman si Papa kaya ayokong pagselosan pa niya si Toni kung sa kanya ko na lang lagi ibibigay ang oras ko.
I've been here before so I wasn't in awe with the room given to me and my sister. Doon lang ako napa-wow nang makita ang kwarto nina Mama at Papa na may sariling jacuzzi. Nakakataba ng puso. Paano ko kaya mababayaran ang kabaitan ng pamilya ni AJ? Sobra-sobra naman kasi yata ito.
Habang inaayos pa ng pamilya ko ang mga gamit nila sa kwarto ay naisipan kong maglibot muna. Gusto ko rin sanang makita si Toni kahit saglit kaso hindi naman nito sinasagot ang teks at tawag ko. Bumalik na lang ako sa kwarto at nananghalian nalang kaming pamilya ay wala paring Toni na nagpaparamdam.
Alam kong nabanggit nito na magiging busy siya sa araw na ito dahil sa paghahanda para sa party. Hindi lang daw kasi silang magbabarkada ang sasali kung hindi ay pati na rin ang officers ng grupo. Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit kung umasta sila ay bawal kong makita at makausap si Toni buong araw.
"Pala Jayveen, hindi ko nakikita si Toni at ang mga kaibigan ninyo. Kumain na ba sila?"
"Baka kumain naman na po, Mama. Christmas Party po kasi nila bukas ng gabi, eh, kaya medyo busy sila."
"Busy sila? Ano namang pagbi-busyhan nila kung sila-sila lang naman, Ate?"
Natigilan ako kay Patricia. Ang simple lang ng tanong nito pero hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...