Chapter 29: Losing Her

3.6K 118 7
                                    

꧁TONI꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TONI

RAMDAM ko ang masakit na pagpintig ng ulo ko. Wala sa tayming talaga ang migraine ko! Nakakabanas!

"Akala ko ako ang pinakamaagang gigising, iyon pala ay mauunahan mo pa ako," salubong sa'kin ni Alex paglabas ko ng banyo.

"Hindi ako makatulog ng maayos, eh," pag-amin ko.

"Ang sabihin mo, excited ka lang na makita si Jayveen. Don't worry. Classmates naman kayo, so, I'm sure you'll have a lot of time and chances to speak to her."

"Tingin mo kakausapin ako nun?" puno ng pangambang tanong ko rito.

"To be honest, Bro, I don't know. Hindi ko nga rin maintindihan kung bakit ayaw akong kausapin ni Therese, eh."

"Are you sure hindi kayo nag-away?"

"I'm a thousand percent sure. We even, you know."

Tumango lang ako dahil kuha ko na ang gusto nitong sabihin.

"Hindi mo pa rin ba siya ma-contact?"

"Her phone is already ringing but she's not picking it up. Wala rin akong natanggap na reply sa mga messages ko sa kanya."

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala rin namang magagawa ang pag-iisip ko dahil panahon at oras lang ang makakasagot nun.

That's why at around 7:30 I went to my classroom already hoping to see Jayveen.

At 8:05 our professor came.

At 8:30 there was still no sign of Jayveen. I wonder if she's sick or what.

Even more anxious of her absence, I hurriedly went to my next class hoping to see both Therese and Jayveen there.

Second class was over and there were still no signs of them.

Pagkatapos ng napakabagal na oras ng dalawang klase ay tinawagan ko na si Alex.

"Hi, Bro. I hope I'm not disturbing."

"Nah! Was about to call you, too. Have you met Jayveen?"

"Iyon nga, eh. Hindi siya pumasok sa dalawang klase namin. Si Therese kumusta? Nakausap mo na ba? She wasn't in our class either."

"Seriously?! Ano ba ang mga plano nila?!" Narinig ko ang pagbuntong-hininga nito sa kabilang linya. "She is still not answering my calls but she did message me."

Agad akong nabuhayan ng loob. "Anong sabi niya?"

"She said that they are safe with Jayveen. But they would appreciate kung ibigay muna natin sa kanila ang gusto nila."

"You mean space and time?!"

"Yeah. Bet so."

"Akala ko ba okay lang kayo ni Therese?"

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon