Chapter 23: Shots at Love

3.9K 125 6
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

GUSTO kong matuyuan ng dugo sa mga oras na to dahil nababalisa na ako sa ideyang pumapasok sa isip ko. Hindi naman ibang lenggwahe ang salita ni Mama kaya sigurado akong hindi mali ang pagkaintindi ko sa mga binilin niya. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala lang sa kanya ang magsabay kami ni Toni sa pagligo.

Alam naman niya di ba na sa babae nagkakagusto si Toni? At imposible namang nakalimutan niya iyon!

Hindi na ako napapakali. Ang bilin ni Mama ay bilisan ko ang kilos pero hanggang ngayon ay andito pa rin ako sa sala't paroon at parito.

Gusto ko pa sanang mainis kay Toni dahil nilagay niya ako sa sitwasyon na wala akong magawa nang makita ko itong lumabas ng kwarto at paika-ikang naglalakad papunta ng banyo sa tulong ng saklay nito. Parang pinipiga tuloy ang puso ko sa nakita kaya agad ko itong tinawag at nilapitan.

"Saan na naman ang tungo mo?"

"Sa banyo."

"Alam ko!"

"Alam mo naman pala eh. Bakit ka pa nagtatanong?"

Inirapan ko lang ito bago lumuhod upang tignan ang binti nito. Namumula na nga iyon at mukhang magkakasugat pa ang ibang parte.

"Patingin nga ng kuko mo," utos ko.

"Ha? Bakit?"

Imbes na hintayin na iabot niya ang kamay niya ay ako na mismo ang humila rito. Mahahaba nga ang mga kuko nito. Dinaig pa ang kuko ko sa ganda at linis nito.

"Bakit ba kasi ang haba ng mga kuko mo? Tapos kinakamot mo pa ang binti mo!"

"Eh wala naman po kasi akong girlfriend," nakangiting pagsagot nito. Namumula pa ito sa kakapigil siguro sa sariling tumawa.

"Anong koneksyon nun?" suplada kong sagot bago ito inaya sa banyo. "Halika na nga at mabuti pa'y maligo ka na."

Tumigil ito sa paglalakad. "S-sasamahan mo ako?"

"Ikaw pa ang nagrereklamo ngayon? Pasalamat ka nga sasamahan kita, eh. Sa pangangati nga lang ng binti mo ay hindi mo na maalagaan ang sarili mo paano pa kung iwan kitang mag-isa sa banyo? Baka mapano ka pa at pati ako patay sa mama ko!"

"Nagtatanong nga lang eh. Andami na nitong sinasabi," pagpapakyut nito.

Ang totoo nyan ay hindi ako sa kanya naiinis kung hindi sa sarili ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko na kayang kontrolin ang emosyon ko. I'm usually good at this pero bakit pagdating kay Toni ay mahinang-mahina ako?

Tama nga sina mama at papa, walang magandang maidudulot ang pagmamahal.

Pagpasok namin ng banyo ay parang dumaan ang mga anghel sa biglang pagtahimik naming dalawa.

Maliit lang ang banyo kasi talaga namin. Sobrang liit! Kahit kasya pa ang dalawang tao ay mahihirapan ka pa rin gumalaw dahil sa mga balde. Mabuti na lang at kahit maliit ang banyo namin ay magkaiba ang pinto ng paliguan at ng pambawasan kaya hindi talaga problema ang mandiri siya kapag naliligo. Ang problema ko lang ay kung paano siya maliligo nang hindi ko nakikita ang hubad niyang katawan at nababantayan ko pa rin siya.

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon