꧁JAYVEEN꧂
NAGISING ako sa malalakas na pagkatok sa pinto na ang tanging epekto lang sa'kin ay ang pagbago ko ng aking posisyon. Dahil nangingibabaw ang antok ay nananatili lang akong nakapikit habang pilit na isawalang-bahala ang ingay na dulot nito.
Ang ilang beses na hindi matagumpay na pagkatok ay napalitan ng maiingay na pagyapak ng paa at sinundan ng magkasabay na pagyugyog ng balikat ko't panggigising.
"Love birds, gising na! Party ito hindi sleepover!"
Mas nagulat akong marinig ang boses ni Steve. Kung ganitong malakas ang loob nitong gambalain ang pagtulog namin, ibig sabihin ay maayos pala talaga ang kinalabasan ng pag-uusap nilang dalawa.
Agad akong nagtago sa ilalim ng kumot at kunwari ay hindi natinag sa pagyugyog nito. Hindi kasi ako komportableng may nakatingin sa'kin habang nakahiga't nakapikit. Ang sunod na niyugyog naman nito ay ang pinsan nitong tila mantika ng baboy kung matulog. Hindi man lang napansin na may nakapasok na pala sa kwarto.
"Couz, wakey wakey!" pagyugyog na naman niya sa balikat ng pinsan.
"Steve, please! Natutulog ang tao, eh!" naiinis na wika ng katabi ko kasabay ng hindi ko inaasahan na pagyakap nito sa'kin sa ilalim ng kumot at ang pagkasiksik ng ulo ko sa may leeg niya. Ni hindi ko nga man lang alam na sa akin pala nakaharap ito.
Ang bango pa nito! Napalunok tuloy ako ng laway nang wala sa oras. Iyong antok ko ay tila naglaho na parang bula at napalitan ng hindi maintindihan na emosyon.
"Aren't they waking up yet?"
Boses ni Eli iyon. Sa lahat ng pinsan niya, siya lang ang may masamang timpla pagdating sa akin.
"Obviously Eli, they aren't!" sagot ni Steve.
Naramdaman ko na lang ang pagbalot ng malamig na hangin na nagmumula sa airconditioner sa buo kong katawan. Manipis lang ang tela ng suot kong damit kaya ramdam na ramdam ko pa rin ang lamig. Dahil sa hindi inaasahan na pangyayari ay naisiksik ko pa lalo ang katawan ko kay Toni na hindi naman nag-atubiling higpitan ang pagyakap sa'kin.
Huli na nang napagtanto kong hindi pala normal para gawin ko iyon. Isang babae si Toni na babae rin ang gusto kaya dapat pala ay lagi kong pagkakatandaang hindi ko siya pwedeng tratuhin gaya ng pagtrato ko kay Therese.
Mabuti na lang at mas alintana pa ng masungit na si Toni ang panggugulo ng mga pinsan niya kesa sa nanlalamig kong katawan.
"What's the matter with you guys?!" reklamo nito bago hinila ulit ang kumot upang takpan ang nakalantad na parte ng aming mga katawan.
"Ang killjoy mo na Toni! Ngayon ka lang nagkakaganyan sa isang party! Dati naman noong andito si Erica ay nakikihalubilo kayo, ah!"
There went her Erica praises again! Wala ba siyang pakialam sa epekto ng babaeng iyon sa pinsan niya?
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...