Chapter 7: Family Tree

5.9K 171 15
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

PASIKAT pa lang ang araw ay gising na kami ni Toni. Ang totoo nga nyan ay mas nauna pa itong nagising kesa sa'kin. Natulungan pa nga niya si Mama sa pagluluto at pagkagising ko ay tapos na itong maligo.

Simula nang dumating si Toni ay ako na lang lagi ang hinihintay sa hapag kainan kaya kanina ay inuna ko na muna ang pagkain kesa sa pagligo.

I am really not a morning person. Mas gusto kong laging nakadikit ang katawan ko sa higaan, unlike Toni. Nakadagdag siguro ang pagiging athletic niya sa pagiging morning person niya at iyan ang wala ako. Lampa pa nga, eh!

Pagkatapos naming kumain ay naghugas na muna ako ng mga pinggan. Pagkatapos nun ay nadatnan ko na naman si Toni na nasa duyan, nakapikit ang mga mata at parang nakatulog na.

Napangiti na lang ako habang minamasdan siya. Hindi naman kami mayaman pero alam kong may magandang epekto rin ang pamamalagi niya rito. Living in a province gives you a different relaxation. Alam

Babalik na sana ako sa loob nang tinawag niya ako.

"Pikon!"

"Akala ko tulog ka," nagtatakang tanong ko.

"Kung pwede nga lang sana, eh. Ang sarap kasi ng hangin."

Oo nga pala. Aalis kami.

"Pa'no mo nalaman na lumapit ako? Nakapikit ka ah."

"Dahil sa amoy mo. Ang baho mo kasi."

Sinimangutan ko ito at tinaasan ng kilay, tsaka tinalikuran upang iwan.

"Saglit! Joke lang. Ito naman ang pikon talaga," natatawang pagpigil nito.

"Toni, ha! Ang aga-aga eh nambibwisit ka!"

Tumawa lang ulit ito. "Bakit ba kasi ang pikon mo?"

"Bakit ba kasi namimikon ka?"

"Para maging masaya ako."

"Wow! And to my expense? Kung hindi ka titigil ay iiwan kita rito."

"Hindi na. Hindi na. Baka ayaw mo pa akong pabalikin next week, eh."

"Next week?!"

Nagbibiro ba to?

"Oo, next week," kalmadong sagot nito bago ipinikit ulit ang mga mata. "Ganitong klaseng pamumuhay lang ang hanap ko, eh, kasama ang taong mahal ko."

Bumuntong-hininga pa ito pagkatapos magsalita. Naalala na naman siguro nito si Erica at ang nakita noong isang gabi.

Pag-ibig nga naman. Mabuti pa ang heartbreak long term.

"Ayaw mo ba sa syudad? Nandoon ang buong pamilya mo, di ba?"

"Syempre wala akong magawa kung hindi ang sumama sa mga magulang ko. Pero kapag may trabaho na ako ay dito na siguro ako magpapatayo ng sarili kong bahay, malayo sa komplikasyon at gulo. Trabaho sa syudad pero dapat uuwi sa weekends dito."

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon