꧁JAYVEEN꧂
AS early as 5:30 ay ginising na kami ni Tita. Pangalawang beses pa nga yata kaming tinawagan ni Tita dahil pareho pa kaming antok at pagod ni Toni. Pakiramdam ko nga ay kakapikit lang naming dalawa. Naalala ko pa lang ang ginawa namin sa banyo na sinundan pa ulit sa higaan ay pakiramdam ko humahapdi lalo ang sentro ng pagkababae ko. Mas lalo akong nakaramdam ng hapdi nang umuhi ako na siyang hindi ko inaasahan kaya napahawak ako sa pader at hindi iyon nakaligtas kay Toni.
"Baby, are you alright?"
"O-Oo. Mahapdi lang."
Bakas sa mukha nito ang pag-aalala pero hindi pa rin nito mapigilan ang pagngiti. I couldn't blame her. Kahit nga ako ay uminit ang pisngi sa naalalang pag-iingay ko.
Shocks! Ang bilis mong sinuko ang Bataan, Jayveen!
At around 6:20 ay nasa restaurant na kaming pamilya. Kasama na roon si Tito at Tita. And around seven ay doon naman nagsidatingan ang mga barkada niya kung kelan ay paalis na kami.
"Nasa'n si Therese?" puna ko.
"She left last night. Hinatid ko na. It's Christmas and she needs to be with her family. It would be hard if ngayon siya magtatravel," sagot naman ni Alex.
"Umalis pa kayo sa pagod niyong 'yon?!"
"I have to. I can't let her go alone at ayokong makapagalitan siya ng Papa niya kung hindi siya makauwi sa Pasko. Baka raw maging Jayveen the second pa siya."
Natawa ako sa sinabi nito. Nakakatakot din kasi ang Papa ni Therese. The typical disciplinarian father. Gayang-gaya kay Papa.
Maya-maya ay nauna na kaming pumunta ni Patricia sa service dahil kakausapin daw muna nila si Toni.
"Ano na naman kayang iniisip nung si Galaxy?" pagkausap ko sa sarili.
"Ate, alam mo naman di ba na birthday ni Ate Toni?" biglang tanong sa'kin ni Patricia pagpasok namin sa service.
"Oo naman. Alam mo rin?!"
"Syempre. Matagal nang pinag-uusapan nina Mama at Tita ang araw na 'to, eh. Di mo ba alam ang plano?'
"A-anong plano?"
"Ano ba 'yan Ate. Late ka na naman. Mabuti pala at sinabihan kita kung hindi ay baka nasira pa ang lahat ng plano. Kaya kailangan nating umalis ng maaga ay dahil marami pang kailangan na ihanda."
"Seryoso? Bakit hindi ko alam 'yan? Paano si Toni?"
tanong ko na saktong narinig naman ng paparating na si Tita dahil nakabukas lang ang bintana ng kotse.
"She's not coming with us," sagot nito.
"Po? Alam nya po ba?"
"I'm sure ngayon lang niya nalaman kaya kailangan na nating umalis before she'll make a problem. Ang mga barkada na ang bahala sa kanya. And you have to act like you don't know what's happening either. You know it's her birthday, right?"
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Novela Juvenil🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...