Chapter 22: Make or Break

4.1K 145 16
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

NAPAPANGITI ako habang tinatahak ang malawak na hagdanan ng gusaling kinaroroonan mula pangatlong palapag papunta sa pangalawa. Pumapasok mula sa salamin na dingding ng gusali ang magandang sikat ng araw at sumasabay sa maganda ko ring hapon.

At last, first semester is over!

Ang sarap sa pakiramdam na nakapagtapos akong buhay sa unang semestre ng pangatlong taon ko sa unibersidad na ito. Para bang ngayon lang ako nakahinga ng ganito kaluwang sa loob ng ilang taon.

Binilisan ko ang paglalakad papuntang opisina na may pakanta-kanta pang nalalaman. Maaga akong natapos sa pagsusulit kaya dadaanan ko muna ang dalawa kong kaibigan upang kamustahin bago ko puntahan si Toni sa silid aklatan. May panghuling pagsusulit pa kasi ito. Ito na rin ang huli naming pagkikita bago ang bakasyon.

"Good afternoon!" masiglang bati ko pagkapasok ng opisina. Pero imbes na ibalik nila sa'kin ang maganda kong ngiti ay nagulat pa ang dalawa sa pagpasok ko at kasabay nun ay ang mabilisang pag-lock ni Beatrice sa selfon niya. Napataas agad ang kilay ko sa nakita.

"G-good afternoon, Ate Raye!" bati ni Juliana na may pilit na ngiti sa mukha.

Mukhang may tinatago 'tong dalawa, ah!

"Yow Raye! Wazzup?" bati naman ni Beatrice sabay pasok ng selfon niya sa bulsa.

Ayoko na sanang pansinin iyon kaso sobrang nakakapanibago lang talaga ang galawan ng dalawa. Wala pa pati sa ugali ni Beatrice ang maglagay ng selfon sa bulsa. Mawawala ito sa katinuon kapag hindi siya nakaharap sa screen ng selfon niya. Patay na patay kasi siya sa bago niyang kakilala na na-friendzone lang naman siya.

Nilapitan ko ang dalawa na may magpang-abot na mga kilay.

"Akin na ang selfon mo," utos ko rito.

"Ha? B-bakit?" nakanguso nitong tanong.

"Akin na."

"Bakit nga?"

"Ikaw ang bakit! Bakit mo tinatago?" natatawa na ako rito. Para kasi itong pinakain ng kalamansi at sinabihang ngumiti pagkatapos sa itsura niya ngayon.

"Hindi ko naman tinatago, ah! Pinasok nga lang sa bulsa, eh."

"Kaya nga! Hindi mo kaya gawain 'yan. Kunin mo lang. Buksan mo at itsek ko ang screen kung anong meron at bakit agad mo itong ni-lock pagkapasok ko."

"Dyowa ba kita? Kung makapagsalita ka ngayon ay para kang dyowa. Naririnig mo ba ang sarili mo, ha?"

"Asus! Huwag ibahin ang usapan, Bee. Buksan mo lang ang screen ng selfon mo. Mahirap ba?"

Imbes sagutin ako ay tinignan nito si Juliana na ngayon ay gusto nang tumakas.

"Mga ate, ihi pala muna ako ha. Saglit lang ako, promise."

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon