Chapter 5: Roommate

6.9K 166 3
                                    

꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

NAGSISIMULA na ang pagbagsak ng araw sa ilalim ng takipsilim. Kakatapos ko lang din maligo at magbihis, at nasa magandang disposisyon na upang magtiklop ng mga natuyong damit. Sinasabayan ko rin sa pagkanta ang isa sa mga paborito kong mang-aawit na si Celine Dion.

"Tell him, tell him that the sun and moon rise in his eyes... reach out to him... and whisper tender words so soft and sweet... Hold him close to feel his heartbeat... love would be the gift you give your—"

"Hoy!"

"Ay, kamatis mais!" gulat na may kasabay na pagtalon sa higaan kong sabi nang bigla na lang bumukas ang pinto at iniluwa si Therese mula rito.

Aatakihin talaga ako kay Therese ng wala sa oras!

"Kaya hindi mo naririnig ang pagkatok ko kasi ang lakas ng tugtog mo!" reklamo nito kasabay ng pagpapahina ng loud speaker ko. "Bingi ka ba? And FYI lang ha, abot hanggang first floor ang pag-uwang mo!" Nginusuan ko ito at pinagpatuloy ang pagtitiklop. "I think people would prefer listening to the song kaya wag mo nang sabayan pa kasi nasasapawan mo na ang magandang boses ni Mareng Celine."

"Porket malapit tayo ay hindi nangangahulugang maari ka nang pumasok sa silid ko ng walang pahintulot at insultuhin ang maganda kong boses," pasuplada at pabiro kong saad dito.

Hindi na rin kasi ito ang unang beses na binubuksan na lang niya bigla ang pinto dahil sa kaparehong rason na hindi ko raw naririnig ang pagkatok niya. Lagi rin siyang nakakatsempo na sumasabay ako sa kanta kaya hindi na bago sa'kin ang komento niya.

Pag-uwang pala, ha! Kulang lang kaya ng pag-inom ng isang gallon ng pinakuluan na tubig ng luya ang boses ko upang maging kasing-ganda na nito ang boses ng idol ko.

"Wow! Ang galing! Excuse me lang po, ha. Sino po ba sa atin ang hindi nag-lock ng pintuan? Paano kung ibang tao ang nagbukas nito at nakita kang naka-burlesque?" pagsermon nito na akala mo ay nanay ko.

Kung maka-burlesque naman! Naka-spaghetti strap nga lang na pang-itaas eh. Samantalang siya ay seksing-seksi sa suot na crop top at high-waist jeans tapos ang pula-pula pa ng labi. Siguradong magka-club na naman ito!

"Whatever! So, what's the biatch with red lips doin' in my crib?" maarte kong sabi na tila baklang lasing.

"Nothing. Just hoping to drag somebody with me," may malambing na boses na pagpaparinig nito sabay upo sa tapat ko.

Ngunit imbes na ipagpatuloy ang pangungulit nito ay sabay na napunta ang atensyon naming dalawa sa biglaang pagtunog ng selfon ko. Tinititigan ko lang ito nang makita ko kung sino ang tumatawag at wala sa planong sasagutin kahit kailanman.

"Sino yan? Bakit hindi mo sinasagot?"

Kukunin na sana nito ang selfon ko pero naunahan ko. Baka kasi hindi ibalik sa'kin at gawin pang pam-blackmail upang masama lang ako sa club. Alam naman niyang silid-aklatan at grocery shop lang ang alam kong puntahan, eh. Jollibee rin pala. Bida ang saya!

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon