꧁JAYVEEN꧂
GUSTO kong hayaan na lang si Toni na umalis pero hindi ko magawa. Nagpalakad-lakad pa ako ng ilang segundo bago napagdesisyonan na sundan ito sa baba. Natatakot akong baka mapano na naman kasi siya. Baka tumakbo na naman ito, madapa o kung ano pa at iyon ang hindi ko kayang isipin ngayon.
Iniwan ko na lang ang kwarto kong hindi naka-lock at tumakbo na pababa upang habulin ito ngunit bago pa ako makalabas mismo ng gusali ay naririnig ko na ang boses nito mula sa di kalayuan.
"Don't worry. I understand that feeling. Natikman ko na rin kasi, eh. But I tell you, that won't last long. Sana lang ay hindi ka mabilis magsawa gaya ng tagal ninyo ni A!"
Hindi ko na hinintay pa ang pagsagot ni Heart dahil ang mga salita pa lang ni Toni ay mabigat na sa dibdib. Naramdaman ko na nga lang ang pagtulo ng luha ko sa'king mga pisngi.
Pagdating ng kwarto ay agad na bumigay ang buong katawan ko. Ibinuhos ko na lang ang lahat ng sakit sa pamamagitan ng pag-iyak hanggang sa hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.
✵✵✵
Matamlay man at mabigat ang katawan ay pinilit ko pa rin ang sarili na magsimba. Kinakailangan kong lumabas ng lungga ko dahil kung hindi ay alam kong iiyak lang ako.
Pagdating ko ng simbahan ay wala na akong magawa kung hindi ang tumayo na lang sa gilid ng pintuan dahil wala na akong mahanap na upuan. Na-late na kasi ako ng gising at ang bagal ko pang kumilos.
Maya-maya ay may biglang humaplos sa braso ko na muntikan ko nang ikinatili.
"Heart?" hindi ko makapaniwalang bulong dito.
Nakapantalon lang ito at hindi gaanong maluwang na tee shirt. Ang simple lang niya pero grabe na ang awra niya. Nakakabighani siyang talaga.
Jayveen, nasa simbahan ka!
Oo na. Ito na! Behave na.
"Jayveen, umupo muna tayo ha bago pa ako maubos sa kakatitig mo," sabi nito ng pabulong din at nakangiti hanggang tenga.
"Hindi kaya ako nakatitig," pagmamakaila ko.
Umiling ito na may kunting kurba ng ngiti sa labi na tila sinasabayan na lang ang pagkakaila ko. "Sabi ko nga. Halika na."
Hinawakan niya ang kamay ko't hinila na ako papunta sa pinakamalapit na bangko na saktong pangdalawahan na lang ang libreng lugar.
Nang nakaupo na kami ay magsasalita na sana ako ngunit naunahan niya ako.
"Mom, Dad, meet Jayveen. Jayveen, my parents."
Napaupo ako ng tuwid dahil hindi ako nakahanda sa pagpapakilala niya.
"Nice meeting you both po," pagbati ko sa mga magulang nito kahit ang totoo niyan ay gulat pa rin ako na kasama rin pala niya ang mga magulang niya sa pagsimba.
BINABASA MO ANG
Drunken Love (The High Five Book 1)
Teen Fiction🏳️🌈| Completed ✅ | 🇵🇭 Filipino|The High Five Barkada Serye (Book One) | Jayveen Raye is the eldest to a family of four who doesn't let any distraction get in the way to her goals. Her determination and persistence earned not only the scholarsh...