Chapter 17: Insecurity

4.8K 153 14
                                    


꧁JAYVEEN꧂

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

JAYVEEN

HINDI mapanatag si Toni habang nakaupo sa tabi ko. Apat lang sila na babae na maglalaban para sa isang posisyon sa varsity ngunit dahil isa lang ang kailangang makapasok ay hindi mawala-wala sa sistema nito ang kabahan lalong-lalo nang single elimination ang istilo ng laro nila. Sa madaling salita, matira ang matibay.

Hinawakan ko ang hita nitong hindi niya mapigil-pigil sa paggalaw. Pati nga kamay niya ay pisil-pisil na rin niya.

"Kapag naging varsity ka, anong mangyayari kasunod nun?" tanong ko upang ituon ang atensyon niya sa ibang bagay at hindi sa kaba na nararamdaman.

"More training for inter-school competitions and if lucky enough to win, I could play nationals then international."

"Talaga?"

"Yap. It's always my dream to win from inter school competitions and to play nationals. Kahit nationals lang. Masyado nang malayo ang internationals, eh."

"Wala namang mawawala kung mangangarap ka lang tapos sasabayan mo ng effort. Ano namang ibig sabihin ng more training?"

"Training from Mondays til Saturdays. Whole day sa Saturday and may evening training every Tuesdays and Thursdays."

Napanganga ako sa sagot nito. "Wala man lang pahinga? Hindi kaya iyan makakasama sa katawan mo?"

Ngumiti pa ito. Kung ako ang nasa posisyon niya ay hindi ko kayang ngumiti sa sitwasyon na 'yan.

"It's because it's not your passion, JR. Maluwang na nga iyang sa amin dahil sa umaga ay mainly for stamina goals. Sa gabi naman at sa Saturdays doon na merong thorough trainings na mangyayari. Kung mapapansin mo ay malapad ang court namin. Imagine playing alone in that big space. Kung wala kang maayos na training at stamina ay hihingalin ka talaga agad, mapapagod and as an effect ay hindi ka na makakalaro ng maayos."

Natuon ang atensyon ko sa court na paglalaruan nila. Tinitignan ko pa lang at iini-imagine ang paglaro ng ilang oras ay hihingalin na ako. Hindi ko nga talaga iyan passion. Wala sa bokabularyo ko ang sports. Mas kaya ko pa sigurong mag-aral ng walang tulugan kesa sa palaruin ng ganyan.

Maya-maya ay tinawag na si Toni dahil siya ang unang sasabak sa laro. Kapag manalo siya, na pinapanalangin kong sana nga ay manalo siya ay diretso championship na. Kung sino ang mananalo sa dalawang naghihintay ng laro nila ay siya ring makakalaban ng mananalo sa laro nina Toni. Ganoon lang kabilis kaya pati ako ay kinakabahan din talaga. Akalain mong ang tagal niyang nagtraining para makapasok sa varsity team tapos kung hindi siya manalo ngayon ay kailangan na naman niyang maghintay ng next semester? Ang tindi nun! It's physically and emotionally draining!

Kung kanina ay kinakabahan ako para sa kanya, ngayon naman ay kinakabahan ako para sa aming dalawa dahil hindi lang pala ako magbabantay sa gamit niya katabi ang mga barkada niya kung hindi ay katabi ng mga kasama niyang maghihintay sa laro nila doon sa mismong gilid ng court.

Drunken Love (The High Five Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon