Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 7: *Thanks to You*
" Nasaan ako? " yun ang unang namutawi kay Arjay nang eto ay magising. Agad namang lumapit si Arianne dito.
" Nandito ka sa ospital. Nawalan ka kasi ng malay kanina kaya agad ka naming dinala dito. " sagot niya.
" Ganun ba? " pilit etong bumangon na agad namang dudulutan ni Arianne. Hinawakan niya ang kamay nito at balikat upang alalayang bumangon.
" Wag ka munang bumangon. Magpahinga ka na lang dyan. " tiningnan siya ni Arjay at binigyan siya nito ng nakakalokong ngiti na ikinataas naman niya ng kilay. " Bakit ganyan ka kung makangiti? "
" Concern ka sa akin noh? Nagkakagusto ka na sa akin, di ba? Aminin mo na! "
" Ulol mo! Agad agad? May gusto na? Asa ka namang mangyayari yun! Nagawa mo pang magbiro sa ganyang lagay ha? Hay naku! Dyan ka na nga! Uuwi na ako. Bahala ka na dito. Tutal mukhang hindi ka naman napuruhan. Sige. Bye. "
" Teka lang! " hinawakan ni Arjay ang kamay niya. " Dito ka lang. Pwede ba? Kelangan kita. "
" Ha? Ano? Kelangan mo ako? "
" Ahh, i mean kelangan kita dito dahil paano na lang kung may kailangan ako tapos wala ka. Saka dapat mo naman talaga akong alagaan ah dahil iniligtas kita sa mga nambastos sa'yo. " napataas siya ng kilay sa paliwanag nito.
" Defensive mechanisms lang ang peg. Andaming sinabi. Teka nga, hindi ka naman imbalido ah? Kaya mo na yang sarili mo. Tss. Baka ikaw nga siguro ang may gusto sa akin? Gumagawa ka pa ng dahilan. Noh? "
" Eh kasi.. Hindi -- " bigla namang pumasok ang doktor kaya hindi na nakapagsalita si Arjay. Natahimik silang dalawa.
Nilapitan eto ni Arianne at kinausap. " Dok, ayos lang po ba si Sir Arjay? "
" Ayon sa test, okey naman ang spinal cord niya. Hindi naman naapektuhan sa pagkakabagsak niya. Walang problema. Minor injuries lang ang natamo niya kaya pwede na siyang makalabas anumang oras na gusto ninyo ngayon. " pahayag ng doktor sa kanya.
" Salamat, Dok. "
" Walang anuman. "
Nang nakalabas na ang doktor, nagkatinginan silang dalawa. " Hay naku! May magagawa pa ba ako? " bulong niya sa kanyang sarili. " Pwede ka na daw umuwi. Mag-ayos ka na dyan at uuwi na tayo. " saad niya.
Hindi na nagreklamo sa kanya ang lalaki. Kumilos na eto kahit bahagyang nahihirapan dahil sa pasa at galos nito sa katawan.
Tahimik lang sila hanggang makalabas ng hospital. Nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita at babasag ng katahimikan. Si Arianne naman ay hindi mapakali sapagkat nahihiya siya sa kanyang guro kung paano siya dito magpapasalamat. Kahit naman nagbabanganyan silang dalawa, she owes her life to Arjay a lot. And she didn't know how to thank Arjay to it nang hindi siya nito aasarin o papahiyain or even barahin.
" Ikaw ang nagdrive ng motor ko? " tanong nito nung nakarating na sila ng parking lot. Tumingin siya dito, nagkataon ding nakatingin rin pala eto sa kanya kaya she looked away.
" Hindi. Dinala yan nung tumulong sa atin dito. "
" Ganun ba? " lumapit eto ng husto sa motor at sumampa saka isinuot ang helmet. " Tara, ihahatid na kita sa inyo. Baka hinahanap ka ng magulang mo. " yaya nito sa kanya.
" K-Kaya mo na magdrive? Baka.. "
" Sabi mo, minor injuries lang ang natamo ko. Eh bakit parang gulat na gulat ka dyan? Kaya kong magdrive. Kaya sumakay ka na dito o gusto mo iwan na lang kita? " atubili si Arianne na sumampa sa motor nito. Natatakot kasi siya na baka hindi pa nito kaya lalo na at may mga pasa pa 'to sa katawan. " Ano? Bahala ka dyan. Umuwi ka na lang mag-isa. " pinaandar ni Arjay ang motor at akmang aalis na nang pinigilan niya eto.
" Sandali lang. Oo na, sasakay na. " nakabusangot na sabi niya rito. Tumuntong siya sa tapakan ng motor at umupo na sa likod na bahagi nito. Iniabot naman sa kanya ni Arjay ang isang helmet saka sinuot naman niya agad.
" Ano ba yan! Ganyan ka ba humawak kapag nasa motor ka? Mahuhulog ka niyan. " napagitla na lang siyang nung hinawakan nito ang kamay niya at iniyakap ng husto sa katawan nito. " Ganyan! Dapat ganyan. Dapat nakayapos ng husto. " dinig pa niyang sambit nito.
Napakagat na lang siya ng pang-ibabang labi. Naiilang kasi siya ng konti dahil magkadikit sila ng husto kahit hindi naman sila magkaharap. The whole ride, walang nagsasalita. Tahimik siya, tahimik din ito. Hanggang nakarating na sila sa bahay niya.
" Sa susunod kasi, huwag ka na kasi magsunod ng ganyang damit para hindi ka bastusin. " yumuko siya upang tingnan ang suot na damit. Inayos niya eto nung bumaba na siya ng motor at inabot sa guro ang helmet. " Ikaw din naman kasi gumagawa ng way para bastusin ka eh. "
" Alam ko, wag mo na ako sabihan. Wag mo na ako sisihin. Nangyari na yun.. "
" Tss. Dapat sa akin ka lang gumanyan. " Arjay smirked at her kaya tinaasan niya eto ng kilay. " Oh? Bakit? Eh di ba ako naman ang inaakit mo? Eh di dapat sa akin lang? " di niya alam kung nang-aasar ba eto o nang-iinsulto?
Napailing na lang siya dito. " Ewan. Umuwi ka na nga. Gabi na. " sabi na lang niya. Nagulat siya dahil sa halip na umalis na eto, bumaba pa eto ng motor at lumapit sa kanya.
" May bayad ang pagtulong ko sa'yo kanina. At sisingilin ko eto ngayon. "
" Ano -- " bago pa siya makapagsalita ng tapos. Walang babalang kinabig siya nito at saka hinalikan ni Arjay. Her eyes wide open in shock. Yung halik nito ay parang hinihigop ang kanyang lakas at para siyang kandilang nauupos. Madilim sa bahaging tinigilan nila kaya walang nakakapansin sa ginawa nito sa kanya.
" Ano ba! " singhal niya rito nung maghiwalay na sila ng labi. Nakita niyang ngumisi si Arjay sa kanya kaya uminit na ang ulo niya. " Bakit mo ginawa yun ha? " tinulak tulak niya eto.
" Kinuha ko lang naman ang bayad sa ginawa ko kanina. " tinalikuran siya nito at umaangkas si Arjay sa motor saka nito pinaandar yun. Napanganga na lang siya sa ginawa nito. Napakabilis ng pangyayari. Hindi niya inaasahan. Parang panaginip lang ang lahat.
" Sir Arjay, s-salamat sa pagligtas sa akin. " hindi rin niya namalayan na nagpapasalamat na pala siya dito na kanina lang ay pinoproblema niya sabihin sa lalaki. Hindi niya alam kung narinig eto ni Arjay dahil nakasibat na eto nung sinambit niya iyun.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
Sachbücher" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -