Chapter 26: *Indenial Stage*

3.7K 77 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 26:

*Indenial Stage*

Ilang linggo na rin ang nagdaan pero tila kahapon lang eto nangyari. Galit pa rin sa kanya si Pearl kahit sinasamahan siya nito palagi at may mga nagtatanong pa rin sa kanya about kay Arjay. Wala siyang masagot sa mga eto dahil natatakot siyang malaman ng mga tao na may kasalanan din siya sa pagpapatalsik kay Arjay. Hanggang kelan ba niya paninindigan ang nangyaring eto? Hanggang kelan siya tatakas sa gulong kanyang sinimulan?

" Masaya ka na ba, Arianne? " paulit ulit niyang naaalala ang tinanong ni Pearl sa kanya. Masaya nga ba talaga siya? Alam niyang hindi. Guilty ang nararamdaman nya. Kahit sinasabi nya sa kanyang sarili na dapat maging masaya siya dahil yun talaga ang gusto nya nung una, hindi nya kayang maramdaman yun ngayon. Hindi nya kayang maging masaya lalo na at alam nyang umalis si Arjay na galit na galit sa kanya.

Ipinilig nya ang kanyang ulo. Bakit ba siya nagkakaganito? Dahil mali siya? O may kung ano siyang nararamdaman na hindi makumpirma at hindi nya matanggap?

Hindi na rin nagpapakita si Orly sa kanya. Mas mainam yun dahil natatakot siyang harapin eto. She's not yet ready to face Orly. Natrauma na talaga siya sa nangyari. Ilang beses nga ba siya muntik na ma-rape? Tatlong beses. Hindi nya alam kung dahil inosente sya tingnan o dahil sa mga ginawa niya kay Arjay na pang-aakit.. Na hindi lang pala si Arjay ang natukso nya kundi ang iba ring lalaki pala. Aaminin nya, nagpadalos dalos siya sa labis na galit kay Arjay noon. No.. Ngayon, hindi nya alam kung galit ba talaga siya o inis ang naramdaman nya noon sa lalaki? Parang naisip nyang ego lang yun at nainsulto nya. Dati, sigurado siyang galit, pero ngayon ay nagdududa na siya. Madami siyang nararamdaman at naghahalo na.

Napailing siyang itinuon ang atensyon sa quiz nila. Iba na rin ang guro nila sa Soc. Sci at eto ay babae na dahil na rin sa gusto ng dean. Para hindi na raw maulit ang nangyari sa kanya.

" Are you done, Arianne? " tanong nito sa kanya. Medyo strikta eto at masungit pero wala lang yun sa kanya. Wala nga siyang pakialam dito kahit magdiscuss eto. Tila lumilipad ang kanyang isip at hindi makapag-concentrate.

" No, Miss. " tugon niya.

Pilit niyang binabalik sa normal ang lahat. Nung mga panahong hindi nya pa naging teacher si Arjay. Naisip nya na kung ano ang mangyayari kung hindi sila nagkita sa bar? May magbabago kaya? Marahil, marami. Sa pagtrato nya kay Arjay. Wala din sigurong seduce act na magaganap. Walang mangyayari sa kanya. Baka walang tutulong sa kanya kapag may magtatangkang mangrape sa kanya. Hindi eto mapapatalsik. Talagang marami pero hindi na niya maiibalik ang nangyari. Nangyari na yun at kahit kelanman, hindi na yun maibabalik pa.

" Kung hindi ka pa tapos bakit tumututunganga ka lang diyan? " masungit na talak ng prof. nila. Yumuko na lang siya at sinagutan ang quiz nila kahit wala siyang masagot.

Natapos niya ang quiz without knowing kung tama ba ang mga sagot niya. Lutang na lutang siya. Preoccupied ang isip nya sa lahat ng mga nangyayari. Hindi siya makapag-isip ng matino.

" Nakita ko si Sir Arjay kanina.. " dinig nyang sambit ng isa niyang kaklase habang abala siya sa pag-aayos ng gamit. Natigilan siya at matamang pinakinggan ang susunod na sasabihin ng kanyang kaklase.

" Tapos? Nakausap mo ba? " tanong ng kausap nito. Biglang tumigil ang tibok ng kanyang puso habang nakikinig. Pigil hininga sa bawat salitang marinig sa kaklase niya.

" Hindi e. Pero napansin ko, pumayat siya at mukhang haggard. Mukhang dinibdib ang nangyari sa kanya. Kawawa talaga siya, ano? Napaalis siya. Sayang talaga! Hay, if i could do anything para maging okay si Sir. Gagawin ko talaga. Pero mukhang malabong mangyaring maging okay si Sir e. " doon nya sinulyapan ang dalawang babaeng nag-uusap sa kanyang likod. Alam nyang sinasadya ng mga yun na magparinig sa kanya. Hindi nya na lang eto pinansin at lumabas na lang ng kwarto.

Nakasalubong nya si Pearl sa may hallway pero hindi nya eto pinansin. Tinawag siya nito ngunit nilagpasan na nya lang eto ng tuluyan. Wala siya sa mood na kausapin eto. Gusto nyang mapag-isa. Gusto nyang mag-isip ng ikakagaan ng nararamdaman nya.

Hirap na hirap na siya at confused. Ang bigat ng puso nya na parang hindi na siya makahinga. Ano ba talaga ang nangyayari? Mahal na rin ba nya si Arjay? Mahal na kaya nya eto? Yun na ba ang nararamdaman nya kaya sya nagkakaganito? Kaya siya nalilito. Kaya hindi nya magawang maging masaya sa kabila ng lahat? Kaya parang naninikip ang dibdib nya? Yung konting attraction nya para dito ay naging pag-ibig na ba talaga?

Para makasigurado, nagpunta siya sa tinitirhan ni Arjay pero hindi agad siya lumapit sa mismong bahay nito. Minamasdan nya lang eto at hinihintay na lumabas si Arjay. Nahihiya siya at the same time, natatakot. Galit sa kanya ang lalaki. Paano nya eto kakaharapin?

Ilang beses siyang huminga ng malalim kung handa na ba siyang kausapin eto makalipas ng ilang linggo buhat nung nangyari yun. Siguro kapag kinausap nya eto at humingi ng sorry, baka gumaan na ang nararamdaman nya.

Nangangatog ang tuhod nya bago tuluyang kumatok sa pinto nito. Kaninang hindi pa siya lumalapit, may kinakabisado siyang linya pero ngayong heto na siya sa mismong tapat ng bahay, tila naglaho lahat ng mga dapat nyang sasabihin. Kumbaga sa recitation ay na-mental block siya.

Napasinghap siya nang bumukas ang pinto. Si Grace ang bumungad sa kanya. Seryoso ang mukha at galit. Ano pa ba ang aasahan nya? Marahil alam ng ate ni Arjay ang nangyari.

" Ano ang ginagawa mo dito? " para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa boses ni Grace. Halos hindi bumubuka ang bibig nito sa galit.

" Na--nandyan ba si Ar-- si Sir Arjay. " sa wakas, natanong nya. Akala nya, hindi nya magagawang magtanong sa kapatid nito sa sobrang kaba.

Tumaas ang kilay nito at ngumiti na nakakapanuya. " Hinahanap mo ang kapatid ko? Bakit, Arianne? Nagiguilty ka na ba sa ginawa mo sa kapatid ko? Ha? Kaya ka pumunta dito? Sorry, Arianne but it's too late already. Nasaktan ang kapatid ko. Ewan ko ba at kung bakit minahal ka niya! Unang tingin ko palang noon sa'yo, sasaktan mo na ang kapatid ko pero ang putsa kong kapatid, hindi ako pinakinggan. So, ano ang nangyari? Tama ako! Ganyan kasi kayong mga estudyante. Pinaglalaruan ang damdamin ng teacher na nagmamahal sa inyo. "

" Hindi --" hindi siya binigyan ng pagkakataon ni Grace na makapagsalita. Patuloy etong nagsumbat na tumatagos sa kanyang puso. Mahirap palang masampal ng katotohanan, yan ang kanyang naisip ng mga sandaling yun. Hindi nya napigilang mapaiyak habang patuloy na tinatanggap ang mga sinasabi ni Grace sa kanya.

" Umalis ka na, Arianne. Wala na ang kapatid ko dito. Kung inaakala mong babalik pa siya, hindi na. Sobra syang nasaktan at napahiya nang dahil sa'yo. Now, umalis ka na.. Leave him alone. Wag ka ng pupunta pa dito. " wala na siyang nagawa nung padabog siyang pinagsarhan ng pinto ni Grace. Halos mabingi siya sa lakas.

" Gusto.. Gusto ko lang naman siyang kausapin. " sambit nya sa kawalan nang mahinang boses.

Minasdan nya ang pintong nakasara. Umaasa siyang pagbubuksan siya nito.. ni Arjay. Ngunit walang Arjay na lumabas. Mukhang umalis nga eto. Is it too late to realize? Huli na ba talaga ang lahat?

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon