Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 8: *Smirked from him*
-- MWF na po pala ang schedule ng updates nito. Mga midnight o madaling araw. :) Kaya wala ng mangulit ng update sa akin. Ü Uulitin ko, may mga restricted parts ang story na 'to. Konti lang naman. Haha!
" Sir Arjay, s-salamat sa pagligtas sa akin. " hindi nakaligtas sa kanyang pandinig ang sinigaw ni Arianne habang nakaangkas na siya ng motor. Papalayo na siya nun pero nadinig pa rin niya ang sinabi nito. Ngumiti siya ng nakakaloko dahil dun kahit hindi naman nito nakikita. Akala niya ay hindi na niya maririnig mula dito ang mga kataga na yun dahil sa ginagawi ng dalagang estudyante sa kanya. Nagulat siya pero saglit lang. Hindi nga maalis ang mga ngiti niya sa buong biyahe niya sapagkat naka-score siya dito. Hinalikan niya ang dalaga dahil hindi na niya mapigilan ang sarili niya. He really attracted to her. At malapit ng mabigtas ang pisi ng pagtitimpi niya.
' Pakipot pa. Bibigay din pala. ' sabi ng kanyang isip. Nakarating siya sa kanyang bahay na hindi naaalis ang ngiti na yun.
" Bakit ngiting aso ka dyan? Nakadali ka naman ng babae ano? " tanong ni Grace sa kanya nung nakaupo na siya sa sala. Galing eto sa kusina. Hinubad niya ang kanyang sapatos at polo saka nilagay sa gilid.
" Bakit gising ka pa? Hatinggabi na ah? " balik tanong niya sa babae. Pasado alas dose na ng hatinggabi nang siya ay makarating sa bahay niya.
" Hindi lang ako makatulog. Iniiba mo lang ang usapan eh. Sagutin mo na, may babae ka naman na nadali noh? " natawa bigla si Arjay sa tinanong ni Grace. Tumayo siya at lumapit dito.
" Ano bang tanong yan! Syempre wala. Haha. Kaw talaga. Sige, matutulog na ako. Inaantok na kasi ako. " tinapik ni Arjay ang mukha nito bago tuluyang pumasok sa kwarto.
" Maniwala! Eh bakit ganyan ang ngiti mo kung wala? Wag mo kong pinagloloko Arjay! Tatamaan ka sa akin. " dinig nyang pahabol pa ni Grace sa labas ng kwarto nya. Sanay na sya sa ganung ugali ni Grace. Palatanong at mahilig mambintang pero nilalabas na lang niya yun sa kabilang tenga para tapos agad ang usapan.
" Tumigil ka na dyan, Grace. Nakakabulahaw ka na. " malakas niyang sabi saka nagtalukbong ng kumot. Hindi mawaglit sa kanyang isip ang nangyari kanina. Nagkaroon siya ng pasa at gasgas dahil sa pagligtas niya rito pero sulit naman.
" Sa umpisa palang, talo na ako pero hindi niya agad malalaman yun. Bago pa mangyari yun, siya muna ang unang aamin. " smirked.
**
" Hello, earth? Where are thou? " kinaway kaway ni Pearl ang kamay sa tulalang mukha ni Arianne. " Uy, ano ba? Tulala ka dyan? " kung hindi pa siya tinapik nito, hindi pa siya magigising sa pagkatulala. Nagtaka pa siya sa ginawa ng kaibigan.
" Bakit ba? " pagtatakang tanong niya habang titig na titig sa kanya si Pearl.
" Anong nangyayari sa'yo? Kanina ka pa tulala? "
" Wala 'to. May iniisip lang kasi ako. "
" Ano naman yun? " usisa nito.
" Wala ka na dun. Wag ka nga cheese dyan! Cheese-mosa dyan, okey? " iritable nyang turan sa kaibigan. Nagkaayos lang sila nung nakaraang araw dahil hindi nila natiis ang isa't isa tapos ngayon, mukhang magtatalo na naman sila sa pagiging usisera nito.
Buong gabi kasi siyang hindi pinatulog ng nangyari na yun. Hindi niya pa rin matanggap na hinalikan siya ng kanyang guro. Hindi siya nakareact agad sa ginawa nito. Baka isipin ng lalaki na yun, nagustuhan nya ang halik nito dahil hindi siya kumibo.
" Nakakainis talaga! " mahina niyang sabi.
" May sinasabi ka? Ano ba talaga ang iniisip mo, Arianne? Share mo naman. Parang hindi mo ako kaibigan ah! " tumayo si Arianne saka hinawakan si Pearl sa balikat.
" Mauna na ako, Pearl. Mamaya na lang ulit. "
" Teka, Arianne. Sandali! Bakit ka ba ganyan? " tinawag pa siya nito pero hindi na niya pinansin yun. Nagmadali siyang umalis dun para makaiwas sa usisera niyang kaibigan.
Naglalakad siya sa may tapat ng dean's office nang may tumawag sa kanya na isang instructor. Lumapit siya dito. Nagtaka naman siya kung bakit siya tinawag ng instructor na yun.
" Bakit po Sir? "
" Pakisuyo naman, Flores. Pakibigay naman 'to kay Sir Tejada. Nasa gymnasium siya ngayon at may inaayos na sport equipment. Kailangan niya kasi 'to. Kung okey lang. " isang tool ang binigay sa kanya. Kahit labag man sa loob niya na kunin yun ay tinanggap nya pa rin para hindi mag-isip ng masama ang guro na yun. Ayaw nya kasi munang makita ang guro pagkatapos ng nangyari nung gabi na yun. Nakakailang para sa kanya. Bakit pa kasi siya dumaan dun? Nautusan pa tuloy siya. Ayaw niya na nga makita eto, tadhana pa mismo ang gumawa ng daan para magkita sila ng Social Science teacher nila. Nakakainis isipin na parang inaasar siya ng pagkakataon. Animo'y pinaglalaruan siya nito.
" Sige Sir, ibibigay ko sa kanya etong tool. "
" Salamat, Flores. " ani ng guro. She handed the tool and went to the gymnasium. Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Bakit parang kinakabahan siya? Bakit tila hindi siya mapakali habang papalapit na siya ng gym? At habang papalapit na siya sa may pinto nito, dumudoble pa ata ang kaba niya. She sense na parang may mangyayaring hindi maganda kapag once na pumasok na siya dun. Nung nasa pinto na siya, agad naman niyang natanaw ang nakatalikod na guro kaya nilapitan niya eto.
" Andyan ka na -- Ms. Flores, you're here? Anong ginagawa mo dito? " gulat na bulalas ng guro habang hawak ang isang plies sa kaliwang kamay. Hindi niya pinahalatang nagulat siya sa kanyang nakita. Naka-topless kasi eto at tagaktak ng pawis. Basang basa ang katawan nito. ' Err, Bakit ba kasi ang hot niya kahit basang basa na siya ng pawis? ' laman ng kanyang isip.
" Pinapabigay ni Sir Tolentino. May ginagawa pa daw kasi siya kaya hindi siya ang nakapunta dito. Inutos sa akin. " hindi niya matingnan ng diretso ang batang guro. Naiilang siya.
" Ganun ba? Salamat. " aksidenteng bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Meron etong perpektong abs. Katamtamang laki ng muscle na bagay sa katawan nito. Mala-adonis ang katawan ni Arjay pero hindi halata kapag may damit ito. Alagang alaga ng pag-gigym ang katawan nito sa palagay niya. " Baka matunaw na yan sa kakatitig mo.. " pinilig niya ang kanyang ulo at nang tingnan niya eto, naglalaro sa mga labi ni Arjay ang pilyong ngiti. Tinanggal nito ang salamin at pinatong sa kalapit na mesa saka naglakad eto papalapit kay Arianne. Kung iisipin niya, hawig nito si Zac Efron na hollywood actor.
" Hindi kita tinititigan noh? " pagkakaila niya.
" Talaga lang ha? Hindi naman yun ang tinutukoy ko. Hindi ko sinabing sa akin ka nakatitig. " napasinghap siya nang kinuha nito bigla ang kamay niya at pinahawak ni Arjay ang abs nito sa kanya.
Bakit parang ganun? Sa lagay niya, parang siya pa ata ang inaakit ng lalaki. " Ano ba? " angil niya.
" Bakit? Hindi bat tinititigan mo eto kanina pa? Pinapahawak ko lang para maramdaman mo.. "
" Harassment na 'tong ginagawa mo! Bastos! " marahas niyang kinuha ang kamay niya sa katawan nito at tinalikuran ang lalaki.
" Sarap pala ng mga labi mo! " sambit nito. Napaawang ang bibig niya sa narinig at humarap ulit sa guro.
Sinugod niya eto at, " Napakabastos mo! Porke sumama ako sa'yo kagabi, pwede mo na ako bastusin! Dapat talaga sa'yo ay matanggal na dito sa school na 'to! "
" Easy, Ms. Flores. Chill lang! I'm just doing your game. Bakit natatalo ka na ba sa larong ikaw ang nagsimula? Nag-uumpisa pa lang kasi akong mag-enjoy sa game mo eh.. "
" Grrr! You're really getting into my nerve, Arjay Tejada! "
" Alam mo, may alam akong bagay na tiyak ikaka-enjoy mo talaga ng husto. Have sex with me? " nakasmirk nitong sabi at nanlaki ang mga mata niya sa hayagang sinabi ni Arjay sa kanya. Tama lang talaga ang layunin niyang patalsikin eto sa Westbridge sa kagaspangan ng ugali at kabastusan ng pananalita nito.
-- sino si Grace at ano ang sasabihin ni Arianne sa tinuran ni Arjay sa kanya?
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
Non-Fiction" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -