Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 35:
*The Hell is Over*
Tapos ng mag-impake si Arianne ng mga gamit nila ni Arielle. Ilang saglit na lang ay aalis na sila ni Arjay pabalik ng siyudad kasama ang ate nitong si Grace. Matatapos na rin ang paghihirap nya sa bahay na yun. Sa wakas.. Kasi pakiramdam nya halos isang taon na siya sa doon nanatili. Matatapos na rin ang araw ng paghihirap nya sa kamay ng nanay nanayan nito. Kahit papaano, makakahinga na siya ng maluwag. Iba talaga kapag nasa bahay ka ng ibang tao. Mahirap.
" Hindi ba talaga magbabago ang desisyon mo, anak? Siya na ba talaga? Paano si Stephanie? " dinig nyang pag-uusap nina Mommy Des at Arjay sa sala habang nilalabas ang bag nya.
" Mommy Des, hindi na po talaga. Mahal ko si Arianne. Siya na ang mahal ko ngayon. Hinding hindi na magbabago ang desisyon ko na pakasalan siya. Wala na ho akong magagawa kung hindi nyo sya magustuhan. Pinag-usapan na namin 'to ni Arianne at kapag dumating nga ang ganitong pagkakataon, siya pa rin ang pipiliin ko. Akala nyo ho ba, hindi ko alam ang mga pinagagawa nyo sa girlfriend ko? Pinahirapan nyo siya. Sa kabila ng lahat ng pinagsasabi nyo sa kanya, she try her best para iplease kayo pero hindi nyo siya tinanggap.. Gago na ako kung papakawalan ko pa siya. Sana Mommy Des, marealize nyo na deserving rin si Arianne para sa akin at kalimutan mo ang mga ginawa nya sa akin dahil matagal ko na syang pinatawad saka sana humingi kayo ng sorry sa lahat ng sinabi nyo sa kanya.. Nasaktan sya eh. " mahabang saad ni Arjay. Tigagal ang matanda dahil dito. Hindi marahil inaasahan ni Mommy Des na pagsasabihin siya ng lalaki ng ganun. Maging siya rin ang nagulat na ganun ang inihayag ni Arjay sa matanda. Buong akala nya, wala etong alam.
" Arjay.. Ano't --"
" Tama na! Wag nyo na akong turuang magalit sa inyo, Mommy Des. Nirerespeto ko ho kayo kaya sana respetuhin nyo rin kami, ako na anak anakan nyo. Mahalaga kayo sa akin dahil tinuring nyo kami ni Grace na para mong tunay na anak pero hindi na kami mga bata. Malaki na kami. Kaya na naming pumili ng desisyon na magpapabuti sa amin. Alam na namin kung saan kami mas sasaya. Kung anuman ang nangyari sa ate ko, hanggang dun na lang yun. Wag pati sa akin ay itutulad nyo. Hindi tayo perpekto, nagkakamali rin at nalaman na yun ni Arianne. Salamat po sa limang araw na pananatili namin dito sa bahay nyo.. Kahit papaano, naging masaya ako na nakita ko kayong muli.. "
" Romualdo, ayaw kong umalis ka na may sama ka ng loob sa akin.. Anak! " hinawakan ni Mommy Des ang kamay ni Arjay. Pero tiningnan lang yun ng matagal ng lalaki saka dahan dahan na inialis.
" I'm sorry, Mommy Des. Hangga't hindi mo matatanggap si Arianne, wala na tayo dapat pang pag-usapan.. Arianne, tayo na. Grace, tara na.. Mahuhuli na tayo sa biyahe. " napatda si Arianne nang hinila sya nito nung nakita sya sa gilid ni Arjay.
" Arjay.. " anas nya.
" Arianne, wag ka na magsalita. Aalis na tayo dito. Sorry mahal, kung hinayaan kitang pagsabihan ka ni Mommy Des ng masama at masasakit na salita. Akala ko kasi, matatanggap ka nya sa lahat ng ginagawa mo ngunit pala mali ako. Hinayaan kitang saktan ka niya. Patawad.. " napapikit si Arianne nang hinawakan nito ang kanyang pisngi. Wala na yun sa kanya dahil hindi naman siya nagtatanim ng galit sa nanay nanayan nito. Naiintindihan nya kahit masakit talaga ang mga sinabi nito.
" Tara na nga! Ang dami nyo pang drama e. " singit ni Grace sa kanila.
Kinuha ni Arjay ang mga gamit na dala nya. Nilagpasan nila si Mommy Des na tulala at di mawari ang gagawin. Pagkalabas ng bahay ay agad silang nagtawag ng masasakyan para magtungo sa terminal ng bus.
" Okay lang bang iwan natin si Mommy Des ng ganun lang? Baka lalong magalit yun e. " pag-aalala nyang tanong nung nasa bus na sila. Inakbayan lang siya ng lalaki saka kinindatan.
" Okay lang yun. Hindi naman kasi talaga tama ang ginawa nya sa'yo e. Pinagsabihan ka niya ng masama kahit alam nyang mapapangasawa na kita. Akala ko talaga, rerespituhin ka nya e at tatanggapin. Hay! " sambit nito.
" Pero, Arjay.. Mommy Des mo pa rin yun.. " giit nya dito.
" Wag na kasi natin siyang isipin.. Yung kasal na lang natin. Tayo. Okay? " tumango si Arianne. Idinantay niya ang kanyang ulo sa balikat nito sabay yakap sa lalaki. Nasa ate ni Arjay si Arielle kaya naman malaya nilang nayayakap ang isa't isa habang sa biyahe. Kahit pinapakitaan sya ng di paggusto ni Grace, naaliw pa rin eto sa anak nila. Hindi naman sigurong malayong tanggapin na rin siya ni Grace kalaunan, hindi ba? Tama, hindi imposible yun.
Days had passed. Papalapit na ang araw ng kasal nila. At sa araw na lumilipas, kinakabahan na naeexcite si Arianne. Ganun pala ang pakiramdam ng ikakasal. Hindi ka mapakali at natatakot na baka hindi matuloy ang kasal nyo ng kabiyak mo. Madami siyang iniisip na mga negatibo pero hindi naman yun hinahayaan ni Arjay na manaig sa kanya. Lagi siya nitong pinagsasabihan na wag siyang mag-isip ng mga bagay na ikakasama ng loob nya. Buo ang loob ng dalawa na matutuloy ang kasal nila kahit ano pa ang mangyari. Hindi papayag si Arjay na hindi matuloy yun, maging siya man ay ipinapanalangin na sana wala ng sagabal sa magaganap na kasal nila.
" Pearl naman e. Bakit pa may bridal's shower eh di ko naman kelangan 'to.. " reklamo nya habang hinihila siya nito sa isang kwarto na may piring ang mata nya.
" Minsan lang 'to! At saka, ikakasal ka na bukas. Lubos lubusin mo na ang last day ng pagiging single mo.. Wag kang KJ, okay? " wala na siyang nagawa dahil sa kakulitan ng kanyang bestfriend. Tutal tama naman eto kaya pagbibigyan na lang nya.
" Okay. Okay! Pagbibigyan na kita. Sabi mo e. " narinig nyang humagikhik ang mga kaibigan nya dahil doon.
Nung nasa loob na sila, tinanggal na ni Pearl ang piring. Tumambad sa kanya ang mga babae nyang kaklase. " Yhanie, mamimiss ka namin! " chorus na sigaw ng mga eto. Natawa na lang siya.
" Oh! " niyakap sya isa isa ng mga eto. " Eto naman! Kayo talaga, hindi naman ako pupunta ng ibang planeta ah! Kung makayapos kayo eh parang hindi nyo na ako makikita.. " natatawa nyang turan at gumanti ng mga yakap sa mga eto.
" Gaga! Kasi naman, mababawasan na ang federasyon natin.. " sabad ng isa na tila naiiyak.
" Oo nga. Saka, Yhanie kapag may asawa ka na.. Ibang level na yun.. Maybahay ka na at may limits lahat.. Wala ng party. Wala ng hang out. Wala na halos time sa kaibigan. Huhuhu. We gonna miss you, Arianne.. "
Hindi pa man ay tila naiiyak na siya sa mga pinagsasabi ng mga eto. Tama sila. Ibang level na kapag may asawa na pero ayos lang, as long as she's with Arjay. Okay na okay na siya. Kapalit naman nun ay habangbuhay na nyang makakasama si Arjay.
Madaming nangyari sa bridal shower na yun. Isa na doon ay ang bigayan ng mga regalo. Yung ilang bigay ng iba, gamit ng baby. Yung iba, gamit sa bahay.. At ang bongga ay kay Pearl! Nighties na para daw sa honeymoon nila ni Arjay. Halos magkandaiyak na sila sa kakatawa dahil sa bigay ni Pearl. Isa ba namang bunny style na nighties yun at may headband pang bonus na tenga ng kuneho. May latigo pa!
At ang huli ay ang malaking kahon na regalo ng lahat.. Alam na nya ang laman nun pero kinakabahan siya. Kabang excitement marahil.
" Eto ang pinakahuli naming regalo.. Sana magustuhan mo.. " humagikhik siya sabay lapit sa malaking kahon na may pulang laso.
Dahan dahan nyang hinila yun at pigil hininga nyang tinitingnan ang pag-angat ng ibabaw na takip ng kahon. Hinintay nyang lumitaw ang lalabas doon.
" Ayan na! " sigaw ng isa.
Napahugot siya ng hininga ng lumitaw na sa wakas ang lalaki. Nagulat siya at kinabahan ng husto. " Pearl, anong ibig sabihin nito? " takot na takot siya. Antagal na rin nung huli nya 'tong makita.
" No, Arianne. Hindi yan ang pinili namin! "
" Miss me, Arianne? " naka-boxer lang eto. Ang katawan nya ay talagang halatang batak sa gym at inalagaan ng husto. Ang laki ng ipinagbago nito nung huli nyang makita eto. She frooze and stunned for a couple of minutes. Sumayaw eto ng sexy dance sa harap nya at halos ilang inches na lang ang layo nito sa katawan nya. Nanginginig siya sa takot.
" A-Anong ginagawa mo dito, O-Orly? " ngumiti ng nakakaloko ang lalaki at marahas siyang hinawakan sa bewang.
Itutuloy..
![](https://img.wattpad.com/cover/4619932-288-k696414.jpg)
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
No Ficción" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -