Chapter 32: *The Evil Wicked Mother in Law

4K 75 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 32:

*The Wicked Mother-In-Law*

Nagulat si Arjay sa narinig. Hindi nya ini-expect na maririnig yun galing kay Arianne. Finally!

" Did i heard right? " Arianne nodded. " Baka namali lang kasi ako ng dinig eh. A-Akala ko, hindi ko na maririnig yan mula sa'yo. Kay tagal kong hinintay at hiniling na sana mahalin mo na rin ako.. At ngayon, nangyari na at narinig ko galing sa'yo. Sobrang saya ko, Arianne. Sobra! No words can explain how i feel right now. " aniya. Ngumiti lang si Arianne sa sinabi nya. Sobrang lakas nga ng kabog ng puso nya habang sinasabi yun dito.

Isang halik ang binigay nya sa babae. Ngayon, alam nyang okay na okay na ang lahat. At hindi sya makakapayag na hindi pa maganap ang kasal nila ni Arianne sa madaling panahon.

" Ngayon, baka pwede na siguro tayo magpakasal para naman masundan na natin si Arielle. " pilyong biro nya dito ngunit pinong kurot ang iginanti ni Arianne.

" Maliit pa si Arielle, Arjay. Pilyo ka talaga kahit kelan. "

" Biro lang naman e. Baka makaisa. " tumawa sya pero inirapan lang sya ng babae. He pinched Arianne's nose.

Simula nang araw na yun, naging okay na ang lahat sa kanila ni Arianne. Tuwing weekend, namamasyal sila na kasama si Arielle. Pag weekdays kasi may trabaho si Arianne at sya naman ay pumapasok sa bar ng kaibigan nya bilang manager. Hindi na nya sinubukang bumalik sa pagtuturo, hindi dahil sa nangyari sa kanya dati sa Westbridge ngunit mas mahal na nya ang bagong trabaho nya ngayon. At alam nyang may mas oras sya kina Arianne sa pinili nyang trabaho.

" Bago pala tayo magpakasal next month, may i-memeet tayo sa province. Si Mommy. " kumunot ang mga mata ni Arianne.

" Teka, di ba sa pagkakaalam ko eh wala ka ng mga magulang? Paano yun? "

Ipinaliwanag nya ang lahat dito. " Actually, oo wala na sina mama at papa pero may kumupkop sa akin. Bale sya ang nag-alaga sa amin ni Grace nung minors pa kami kaya tinuring na namin syang parang tunay namin na nanay. Ayaw ko namang mamiss nya yung special occassion na 'to dahil mahalaga sya sa amin kaya personal natin syang yayain doon. Isa pa, para masama natin pabalik dito yung ate ko. Nagpapasundo rin kasi.. "

" Ganun ba? " tanging tugon ni Arianne.

" Yeah. Don't worry, mabait yun.. Me pagkamasumpungin lang minsan pero mapagtitiyagaan naman.. Matanda na kasi. Magugustuhan ka nun.. Promise, babe.. " pag-aassure nya kay Arianne. Ayaw nyang bigyan ng dahilan ang babae na umayaw pa sa kasal nila. Gusto lang nyang lahat ng kamag-anak nila ay sang-ayon at may blessing sa relasyon nila.

" You sure? Alam mo namang pagdating sa mga ganyan, hindi ako sanay. Baka mahirapan akong makisama sa kanya.. Baka hindi nya ako magustuhan. Baka.. "

" Shhh.. " hinawakan nya ang magkabilang mukha ni Arianne. " Kung hindi ka nya gusto o tutol man sya sa atin, i really don't care.. Hindi naman sya ang mahal ko e. Ikaw.. Pero mas okay talaga na magustuhan ka nya para hindi kumplikado, alam mo na.. " tumungo ang babae kaya naman niyapos nya eto. Ayaw nyang may problema pang dadating sa relasyon nila at sa nalalapit nilang kasal. He wants to be happy.

**

Abot abot ang kaba ni Arianne habang sakay sila ng bus ni Arjay patungong probinsya. Yun kasi ang araw na makikipagkita sila sa nanay nanayan nito at sa kapatid nyang si Grace na doon namamalagi na ngayon nya lang ulit makikita matapos nung nangyari sa Westbridge sa kanila ni Arjay dati. Pero kahit ganun ang nararamdaman nya, nagiging panatag pa rin sya sa mahigpit na hawak ni Arjay sa kanyang kamay. Pakiramdam nya, safe na safe sya sa hawak nito. Kasama rin nila sa biyahe si Arielle at nagleave sya ng limang araw sa kanyang pinagtatrabahuhan para lang sa pagpunta nila sa probinsya.

" Andito na tayo.. " anunsyo ni Arjay. Bumaba sila ng bus saka sumakay ng tricycle patungo sa bahay ng nanay nanayan nito. " Malapit na tayo. Wag kang kabahan.. "

Pilit syang ngumiti kay Arjay at pinapakalmado ang sarili dahil ang totoo, di nya maiwasang hindi kabahan lalo na at natatanaw na nya ang bahay ng pinupuntahan nila.

" We're here, babe. Oh! Ayun si Mommy Des at si Grace, mukhang inaabangan talaga nila ang pagdating natin. Dali! " hinila sya ni Arjay na tuwang tuwang makita ang dalawa habang sya ay parang inuurungan ng mga paa nya.

" Romualdo! " sambit ng singkwenta'y anyos na babae nung nasa tapat na sila ng pinto nito. May mga ilang puting buhok na eto at may katabaan ng kaunti. Nagmano dito si Arjay.

" 'my naman! Wag nyo nga ako tawagin sa pangalan na yan. Ang bantot! " maktol ni Arjay.

" Sus! Anong mabantot dun? Hindi naman naamoy ang pangalan mo.. " wika naman ng matanda.

" Mabantot ho pakinggan, my.. " nakakaramdam na sya ng pagiging out of place kung hindi pa sya pinakilala ni Arjay dito. " Nga po pala, si Arianne.. Mapapangasawa ko po. "

" Eto ba? "

" Oho. Saka ang anak namin, si Arielle. " minasdan ni Arianne ang magiging reaksyon nito. Napalunok sya ng nagtaas eto ng kilay. May sa maldita yata ang magiging step manugang sya. Akmang magmamano sana sya dito pero naunsyami ng winasiwas ng matanda ang kamay nito.

" Tara, Romualdo. Kumakain ka na, alam kong gutom ka na dahil sa mahabang biyahe. " napabuntong hininga si Arianne sapagkat mukhang hindi yun napansin ng lalaki. Alam nya at nararamdamang hindi sya gusto ng Mommy Des nito. Maging sa pag-anyaya nito, mukhang hindi talaga sya welcome. Napagawi rin ang tingin nya kay Grace. Napangiwi eto at mukhang hindi pa rin napapawi ang galit sa kanya.

Ikinibit balikat na lang nya yun at inisip na wala syang naririnig at nakikita. Matapos mag-tanghalian ay nagpaalam sya kay Arjay na magpapahangin muna sila ni Arielle saglit sa labas ng bahay. Hindi nya inaasahang susundan pala sya ni Mommy Des.

" Mainit ba? " tanong nito.

" Ahh, kayo ho pala, Mommy Des. Di naman po, pinapatulog ko lang si Arielle. Masarap po kasi ang simoy ng hangin dito.. " ani ni Arianne.

" Kung maka-Mommy Des ka eh parang close tayo. " panunuya nito. " I really wonder kung ano kang klaseng babae.. Kasi kung matino kang babae, hindi ka magpapabuntis kay Arjay lalo na kung teacher mo pala sya that time. " mukhang ikinwento na ni Grace ang nangyari sa kanya.

Natameme na lang sya sa kabiglaan sa mga sinabi nito. Hindi nya inaasahang ganun katabil ang dila ng Mommy Des ni Arjay.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon