Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 22:
*Forbidden Love*
Minamasdan nya si Arianne na natutulog na sa ngayon. Halos isang oras na siyang nandoon at tangi lang nyang ginagawa ay tingnan eto saka pagmasdan. Talaga na ngang mahal niya ang estudyante niya. Hindi niya inaasahan na ang pagdating niya sa Westbridge ay hindi nya matatawag na blessing in disguise sapagkat nagmahal siya ng taong hindi maaaring mahalin. Sa ngayon, umaasa siyang titigil na si Arianne sa binabalak nito sa pagpapaalis sa kanya. Sa dami ba namang nangyari, iisipin pa ba yun ni Arianne? Umaasa din siya na sana mahalin din siya ng babae tulad ng nararamdaman niya dito.
" I'm sorry, Arianne Flores. Kahit ano pa ang sabihin ni Grace na unethical na mahalin ka. Hindi pa rin ako titigil. " hinaplos niya ang mukha nito saka hinalikan eto sa noo. Inayos nya rin ang kumot nito bago tuluyang lumabas. Nagulat pa siya na andun si Grace sa may pinto. Mukhang kanina pa yun dun at hinihintay talaga siyang lumabas.
" I knew it! " bulalas nito saka tumalikod. Sinundan eto ni Arjay agad.
" Grace, listen. It wasn't my intention. Nagising na lang ako isang araw na mahal ko na si Arianne. Dapat sa lahat ng tao, ikaw ang makakaintindi sa akin dahil kapatid kita. " tumigil eto kaya naman napatigil din siya sa paglalakad.
" Makaintindi? Oh God, Romualdo! Nasa tamang edad ka na kaya dapat alam mo ang mali at tama. Tigilan mo na yang kahibangan na yan. Mapapahamak ka lang. Masisira lang ang matagal mong pangarap. " Arjay sighed. Hinawakan niya sa balikat ang kapatid saka tinitigan eto sa mata.
" I love her. Kelan naging mali ang magmahal? Kung may mali, yun ay ang sitwasyon naming dalawa. I am his teacher. She was my student. Oo, unethical.. forbidden.. hindi pwede pero it doesn't change the fact na mahal ko siya. Alam ko, nangyari na 'to sa'yo kaya ka nagquit sa pagtuturo pero kahit masaktan man ako, atleast i've tried. Please Grace, hayaan mo na lang akong mahalin siya. Isa pa, hindi pa niya alam na mahal ko siya kaya it's safe. " nakita niyang nagbuga eto ng hininga saka iwinaksi ang mga kamay niya sa balikat nito.
" Whatever! Bahala ka! Kung anuman ang mangyari dyan sa pagmamahal mo na yan sa kanya, wag mo akong sisisihin dahil hindi naman ako nagkulang ng paalala sa'yo. " hindi na niya eto sinundan nung nag-umpisa na etong maglakad papunta sa kwarto nito. Nagpunta na lang siya sa kusina at uminom ng tubig.
" Me against the world. Phew! "
Kinabukasan, hindi nya muna pinapasok si Arianne. Pinagpahinga niya muna eto at pinabantayan kay Grace. Hindi na sila nag-usap muli na magkapatid tungkol kay Arianne. Sa ngayon, ang iisipin nya lang muna ay ang kalagayan ng babae. Hindi pa sila nagkakausap buhat nung nangyari yun pati nung nangyari sa kanila. Nung huli pa nilang pag-uusap ay hindi maganda.
Kahit ayaw nyang iwanan ang dalaga, pumunta pa rin siya ng unibersidad. Nang papasok, nasalubong niya si Orly. Medyo tuliro. Magulo ang buhok at tila malalim ang iniisip. Nung una, ayaw nya etong lapitan at lagpasan na lang para kay Arianne pero sa huli, lumapit pa rin siya dito.
" Orly, mag-usap tayo. " umangat eto ng tingin at nagsmirk.
" Bakit? " may pasa eto sa mukha na alam nyang dahil yun sa pagkakasuntok nya kagabi dito.
" Tigilan mo na si Arianne. Nung una, pinalagpas ko yun. Kagabi, dahil sa pakiusap ni Arianne ay palalagpasin ko rin yun pero oras na gawin mo ulit yun. Hindi na kita hahayaan. Hindi kita papayagang bastusin mo si Arianne ulit. " malumanay pero madiin nyang sabi kay Orly. Tumawa eto ng nakakaloko. Pakiramdam nya, nakadroga eto dahil sa kinikilos.
" Hoy Sir Arjay! Wag ka ngang magmalinis! Kala mo kung sino kang santo pero manyak ka din pala! Akala nyo ba hindi ko nakita yung ginawa nyo dati sa kotse? Andun ako at kitang kita ko kung paano mo halikan si Arianne. At may video ako nun. Kaya wag mo din akong susubukan dahil kakalat 'to sa Westbridge. Tingnan lang natin kung sino ang mapapaalis kapag ginawa ko yun. Wag kang magmayabang, Sir Arjay Tejada! " natigilan na lang siya at hindi namalayang wala na si Orly sa harapan niya. Nababahala siya sa sinabi ng lalaki, hindi para sa sarili niya kundi kay Arianne.
Dahil sa nalaman, hindi siya maka-concentrate sa pagtuturo. Lumilipad ang ulo nya kay Arianne. Nang hapon ng araw na yun, nakumpirma nga nyang gumagamit ng pinagbabawal na gamot si Orly kaya natatakot siya sa susunod na maaring gawin ng lalaki dahil hindi nya alam ang tinatakbo ng utak nito.
**
Makalipas ang ilang araw mula nung muntik na siyang magahasa ni Orly, pumasok na siya. Madami na kasi siyang namiss na klase at aralin kaya kahit natatakot pa siya kay Orly. Pumasok pa rin siya. Ayaw niyang pag-alalahin ang mga taong nasa paligid niya.
" Hi Arianne. " boses pa lang, nanginig na siya. " Kamusta ka na? Namiss kita. "
" Yanie, si Orly oh! " bulong ni Pearl sa kanya. Hindi siya kumibo. Hindi rin niya nilingon ang lalaki na nasa likod niya. " Nakakaawa naman niya. Hindi mo pa rin sinasagot. Sagutin mo na lang kaya. Kahit ilang beses mo kasi binasted, hindi sumusuko. Mahal ka talaga niya noh? " kung alam lang ni Pearl ang ginawa ni Orly sa kanya. Gusto nyang sabihin lahat ng gusto nyang sabihin sa kaibigan pero natatakot siya. Nahihiya siya.
Sa dami ng nangyayari, hindi na niya magawang makapag-isip ng maayos. Sa nangyari sa kanila ng kanyang guro. Sa muntik na pagkaka-rape sa kanya ni Orly. Madami. Sa dami, hindi nya alam kung ano ang unang iisipin.
Itutuloy..
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
No Ficción" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -