Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 37:
*Ang Kasal*
Ilang beses siyang kumurap habang nakaharap sa salamin. Kanina pa nya pinagmamasdan ang kanyang repleksyon dito. Suot nya ang trahe de boda na pinasadyang pinatahe sa isang sikat na designer sa Pilipinas. Tapos na rin siyang lagyan ng make up ngunit hindi pa rin nyang magawang tumayo dahil sa kaba at panginginig ng tuhod. Hindi pa rin siya makapaniwala hanggang ngayon. Eto na, ikakasal na sya anumang saglit. Haharap na siya sa altar kasama ang lalaking minsan nyang kinainisan.. ang lalaking nagturo sa kanya kung paano magmahal.. kung ano ang ibig sabihin ng totoong pagmamahal. Na kahit ano mang galit mo sa taong yun, mawawala at mawawala din yun kapag nakita mo eto. Arjay change her life. Isang kwentong nagsimula sa kababawan ng galit nya.. isang kwentong akala mong mali sa mata ng tao, umusbong at nagbunga ng maganda. Is there anything she wish for? No. Nothing, cause she already had the things she wanted. A guy that love her despite of her bad side and love her who she are. A daughter that makes her life meaningful. A family that understands her sa kabila ng kamaliang ginawa nya. Kaibigan na binabatukan siya at pinapamukhang mali sya at ginagabayan siya sa lahat ng oras. Wala na siyang mahihiling pa. Lahat ay meron na siya. Kung meron pa ay ang maging masaya sila palagi at malagpasan ang mga pagsubok na darating sa kanila.
" Arianne.. " pumasok si Pearl. Tulad nya, nakaayos na rin eto. Maganda eto sa suot na puting gown. Kumikinang si Pearl kasabay ng maraming sequins sa damit nito. " Kanina ka pa dyan. Mali-late na tayo.. " sabi nito sa kanya.
" Kinakabahan ako, Pearl. Pakiramdam ko, may mangyayaring hindi maganda ngayon.. " usal nya. Tinapik sya nito sa balikat at napangiwi.
" Nega ka talaga! Wala na si Orly. Sino pa ba ang gugulo sa'yo ng papang mo? " anito sa kanya.
" Ewan ko, Pearl. Hindi ko alam.. " she shrugged.
" Oh please, my dear bestfriend. Tama na yan. Okay? Kasal mo ngayon kaya huwag ka ng mag-isip ng kung ano ano.. Ang ganda ganda mo tapos, sisirain mo lang. Hay naku naman, Arianne. Tara na nga! " hinila siya patayo ng kaibigan kasabay nun ay niyakap nya eto. Yakap ng pasasalamat dito.
" Salamat, Pearl. Kasi kahit kung anu ano ng kalokohan ang ginawa ko, andyan ka pa rin. You still stay at my side.. I love you, bestfriend. Salamat at nakilala kita. Isa ka talagang tunay na kaibigan.. Salamat kasi binigay ka ni God sa akin.. "
" Arianne naman eh. Wag mo naman akong paiyakin. Syempre, kaibigan kita eh. Ano ka ba? " sinulyapan nya eto at nakita nga nyang napapaiyak na ang babae. Lalo nyang hinigpitan ang yakap sa kaibigan. " Ganyan naman ang kaibigan, hindi ba? Handa kang samahan at damayan sa lahat ng oras. Di ako tunay na kaibigan kung iiwan kita sa oras na kelangan mo ako.. Kahit galit ang buong mundo sa'yo, hinding hindi kita iiwan, Yhanie. Kahit ang dami mong maling nagawa, andito pa rin ako at iintindihin ka. Magagalit man ako pero lilipas din yun. Ganyan kita kamahal, Arianne bilang kaibigan mo.. "
" Salamat, Pearl. Salamat.. " niyakap rin siya ni Pearl. Halos magkandaiyakan na sila ng malakas dahil doon.
" Hey! Anong kadramahan itey? Kasal ngayon, hindi kayo mag-o-audition bilang artista.. " napabitaw sila sa isa't isa ng pumasok ang isa sa mga abay, kaklase rin nya. " Tama na yan, okay? Kanina ka pa hinihintay ng groom mo, ano! " sabi nito. " Ikaw rin, kapag nainip yun. Iiwan ka nun.. "
" Tara na nga, Arianne. Ikaw kasi.. " napangiti na lang si Arianne at nagpahila sa kaibigan. Pasakay na sila ng bridal's car nang may tumawag sa kanya. Nagulat pa siya sapagkat hindi nya inaasahang makikita etong muli. Kasama rin nito ang kapatid ni Arjay, si Grace. Nakapandamit eto na para sa kasal nila. Anong ibig sabihin nito?
" Arianne, pwede ba kita makausap kahit saglit lang? " ani ng matanda sa kanya. Nagkatinginan sila ni Pearl, hindi kasi lingid sa kaibigan ang ginawa ng nanay nanayan ni Arjay sa kanya nung pumunta sila sa probinsya. Sa mukha ng kaibigan, nag-aalala eto. Tumango siya ng marahan.
" Pearl, mauna na kayo sa loob ng kotse. Susunod ako.. " tatanggi pa sana eto ngunit wala rin etong nagawa sa kagustuhan nya.
Humarap siya sa dalawa. " Ahh, ano po ba ang pag-uusapan natin? " konti ay kinakabahan siya. Baka awayin na naman kasi siya ng matanda. Nagitla si Arianne nang hinawakan siya nito sa kanya. Minasdan nya eto sa mukha na tila nahihirapan. Si Grace naman ay walang imik sa gilid nito. Waring nagmamatyag lang.
" I'm sorry, Arianne. Naging harsh ako at rude sa'yo nung nagtungo kayo sa probinsya ni Romualdo. Nagalit lang talaga ako sa ginawa mo sa kanya noon. Nasaktan siya, at bilang kinilala nyang ina, nasaktan din ako nung nalaman ko yun.. Pero alam ko sa'yo talaga siya sasaya. Mahal ka niya. Naramdaman ko yun sa mga sinabi nya sa akin. Sino ba naman ako para pigilan kayo? Ayaw kong lumabas na kontrabida dito. Kung ano ang magpapasaya sa kanya, okay na sa akin basta masaya siya. I'm so sorry, Arianne. Maling mali talaga ang ginawa ko sa'yo. Sana naman ay mapatawad mo ako sa aking nagawa.. " mahaba nitong paghingi ng paumanhin sa kanya. Hindi nya napansin may ilang buti na pala ng luha ang lumabas at tumulo sa mga mata nya.
" Tita.. " mahina nyang usal.
" Mommy Des.. Mommy Des na ang itawag mo sa akin.. " nakangiting sambit nito. Ngumiti siya ng konti dahil medyo naiilang pa siyang pakiharapan ang matandang babae.
" O.. Okay naman po sa akin yun. Hindi naman ako nagtatanim ng galit, M.. Mommy Des. Kung anuman po ang nangyari nung nakaraan, pwede naman natin yun kalimutan e. " lumawak ang pagkangiti nito sabay yakap sa kanya.
" Salamat, Iha. Maraming salamat talaga. Best wishes sa inyo ni Arjay. Tiyak matutuwa si Romualdo dahil nagkaayos na tayo. " wika ni Mommy Des habang yakap siya nito. Nung nagkahiwalay na sila, lumapit naman ang nakakatandang kapatid ni Arjay.
" A.. Ate Grace.. "
" Alam ko na alam mong galit ako sa'yo sa ginawa mo sa kapatid ko.. Hindi mo alam kung gaano siya nasaktan sa ginawa mo sa kanya dati.. " pag-uumpisa nito.
" Alam ko po yun at pinagsisisihan ko na yun. Sorry po, ate Grace.. Labis po ang pagsisisi ko sa ginawa ko noon sa kanya ng ganun. " nakayuko nyang paghihingi ng paumanhin dito. Nahihiya kasi siya sa kapatid ni Arjay dahil sa ginawa nya a year ago.
" Okay na, Arianne. Pinatawad na kita. Mahal ka talaga ng kapatid ko at nakikita ko namang mahal mo rin siya. Kokontra pa ba ako? Basta, wag mo ng gagawin yun.. Okay? " nakangiting tumango siya at si Arianne na ang unang yumakap dito.
" Salamat, ate.. Salamat po talaga sa inyo ni Mommy Des. Labis po ang kaligayan ko ngayong okay na tayo. Matutuwa po talaga nito si Arjay.. "
Pagkatapos nilang mag-usap na tatlo ay sabay silang pumunta sa simbahan upang harapin ang naghihintay na groom ni Arjay.
-- Finale na next chappie. :) Thank you!
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
Non-Fiction" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -