Chapter 34: *Si Stephanie*

3.7K 71 1
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 34:

*Si Stephanie*

Nasaktan sya dahil talagang pinapahalata ng Mommy Des ni Arjay na hindi sya gusto nito sa harap ng mga tao. Ni hindi sya nito ipinapakilala sa Stephanie na yun bilang mapapangasawa ni Arjay. Malakas ang kutob nyang hindi lang ordinaryong kaibigan ni Arjay ang babae na yun. Halata ring gusto ni Mommy Des si Stephanie. Ewan, hindi na nya alam ang iisipin. Mahirap mag-jump to any conclusions.

Sinundan nya ng tingin ang dalawa na papunta sa mesa ng mga nag-iinuman. " Arjay, si Stephanie andito. " tawag nito kay Arjay mula sa likod. Tumayo sa pagkakaupo ang lalaki sabay lapag ng basong may beer at hinaharap ang dalawa. Ngumiti eto ng malapad sa nakita.

" Stephanie, you look great! Kamusta ka na? Akala ko, hindi na tayo magkikita e. It's been a five years at walang nagbago sa'yo. Lalo ka lang gumanda. " masayang bulalas ni Arjay. Napadilat ng mata si Arianne nang makita nyang hinawakan nito ang kamay ng babae at nagulat din sya nung yumakap pa ang Stephanie dito na para bang may namamagitan sa kanila dati. Hindi kaya...

" Salamat. Ikaw nga rin hindi nagbabago, bolero ka pa rin. Namiss kita, alam mo ba yun. Actually, bakasyon ko ngayon at hindi ko inaasahang uuwi ka din ng probinsya kaya nga ng tinext ako ni Tita ay agad akong pumunta dito. Arjay, yung about pala nung.. "

" No, it's okay. Past is past, Steph. Kung anuman ang nangyari noon, wala na yun sa akin.. Kalimutan na natin. "

" Pwede nyo namang ibalik e. Alam nyo na, sweeter in the second time around. " singit ng matandang babae sa dalawa. Dahil doon, mukhang tama nga ang kutob nya dahil sa sinabi ng matanda, may relasyon sila dati ng babae. Marahil isa eto sa mga ex ni Arjay. Napakagat labi syang nanonood sa mga eto.

" Mommy Des, magpapakasal na 'ko. " saway ni Arjay.

" Hindi pa naman kayo kasal e. Pwede pa magbago ang desisyon mo.. Saksi ako kung gaano mo minahal si Stephanie, halos sumunod ka na nga sa states eh para lang hindi kayo magkahiwalay. " dagdag pa nito. Parang dinudurog ang puso ni Arianne sa narinig.

" Mahal ko po siya. Mahal ko si Arianne. " lumingon si Arjay sa gawi nya pero mabilis syang nagtago sa may gilid. Ayaw nyang malaman nito na nakikinig pala sya sa usapan nilang tatlo. " Kahit ano pa po ang sabihin mo, matutuloy ang plano namin ni Arianne. "

" Tita, wag na po nating ipilit ang gusto natin. Kasalanan ko naman talaga kung bakit kami nagkahiwalay, iniwan ko sya para mag-abroad. I'm sorry, Arjay. Wala naman akong nais na sirain pa kayo ng girlfriend. Si Tita kasi ang nagpumilit na pumunta pa ako dito. Sorry. "

" Pero iha, may dahilan naman ang lahat e. At alam kong may natitira pang pag-asa para magkaayos kayo. " dahil ayaw na nyang marinig ang mga sasabihin ni Mommy Des, umakyat na sya ng kwarto at nagkulong. Wala na siyang paki kung hanapin sya ng matanda para maghain ng pagkain dahil masama na ang pakiramdam nya. Hindi, masama ang loob nya dito pati na rin kay Arjay. Ayaw na niyang marinig ang mga sasabihin ng mga eto. Natuwa man sya sa sinagot ni Arjay, nasaktan naman sya sa sinabi ng nanay nanayan nito.

Bigla rin nya kasing naalala yung about sa leksyon nila last year at nung sinabi nito sa mga kaklase nya na hindi imposibleng may nangyari sa kanila ng girlfriend nya. Si Stephanie kaya ang tinutukoy nito? Posible dahil sa mga sinabi nga ni Mommy Des, halatang minahal ng lalaki ang babae nung sila pa.

" Childish man isipin pero nakakaselos.. " bulong niya sa kanyang sarili habang minamasdan si Arielle na natutulog.

" Selos? Kanino ka nagseselos? " napatalon sya sa gulat nang bigla na lang pumasok si Arjay sa kwarto. Nataranta sya at hindi makatingin ng diretso sa lalaki.

" Ha? Wala ah! May sinasabi ba ako? Wala naman ah! " pagdedeny nya dito.

" Narinig ko. Malinaw ang aking narinig. Kanino ka nagseselos? Kay Stephanie ba? "

" Huh? Hindi ah! Wala naman akong sinabi e. Tumigil ka nga dyan, Arjay. " tinalikuran nya eto.

" Akala mo ba, hindi kita nakita kanina? Alam kong nakikinig ka sa amin sa sala.. Bat ka ba umakyat dito agad? "

" Ehh.. Ano.. Wala kasing kasama si Arielle dito kaya umakyat na ako. "

" Yun ba talaga ang totoo? " napasinghap sya nang niyakap sya ni Arjay galing sa likod. Idinantay nito ang ulo sa balikat nya. " Ex ko na yun. At please, babe wag mo ng pansinin ang mga pinagsasabi ni Mommy Des, inaanak nya kasi yun kaya ganun sya. " ngumuso sya at pinatirik ang dalawang mata.

" Hindi nga ako nagseselos eh. Kulit nito! "

Napapikit na lang sya nang nararamdaman na nya ang hininga nito sa kanyang leeg. " Talaga? "

" O-Oo.. " nauutal nyang sagot.

" Anong iniisip mo ngayon? " paos nitong tanong na nagpakilabot sa kanya.

" Wa-Wala.. Ano.. Ano kasi.. Siya ba yung tinutukoy mo dati na.. na nakaano mo.. nung nagtuturo ka pa sa amin. " hindi nya napigilang itanong dito. Narinig na lang nyang tumawa eto ng malakas. Kumunot ang noo nya at hindi mapigilang lingunin eto. " May nakakatawa ba sa sinabi ko? "

" Wala.. Kasi, ano.. " sa inis nya, sinapak nya eto sa balikat dahilan para humiwalay sa kanya si Arjay.

" Nakakainis ka! Hmp! Wala namang nakakatawa dun sa tinanong ko! Lumabas ka na nga! Matutulog na ako. " akmang hihiga na sana si Arianne na hinawakan ni Arjay ang kanyang kamay at niyapos syang muli.

" Sorry na.. Oo na, sasabihin ko na. Wala naman talaga akong nakaano maliban sa'yo e. Walang nangyari sa amin ni Stephanie. Nang-iinis lang ako nun. Sorry na.. Saka, sayo lang ako na-ano, alam mo na.. nalibugan ng husto. Ikaw kasi e. Galing mang-akit. Hmmm, tulad ngayon. Lalo kang nakakaakit kapag galit. " hahalikan sana sya ni Arjay kaso hinarangan nya yun ng kanyang kamay.

" Heh! Tigilan mo nga ako dyan! " pagsusungit nya.

" Sorry na oh! Wag ka na magalit. Ikaw lang at ikaw lang, Arianne. Wala ng iba. Ikaw na ang mahal ko ngayon. I am your sex slave forever kung yun ang iniisip mo. " napangiwi sya at itinago ang pagkatawa sa mga sinasabi nito.

" Loko ka talaga! Anong sex slave ka dyan! Lumabas ka na nga.. " tinulak na nya eto para makalabas ng kwarto pero hindi nagpapatinag si Arjay.

" I love you.. " sambit nito na nakangisi.

" Labas na kasi.. " pamimilit nya rin dito.

" I love you nga kasi.. "

" Arjay naman e! " naiinis na sya sa kakulitan nito.

" I love you.. " ulit nito. " I love you nga, di ba? Di mo ba ako mahal? "

" Mahal.. " pakli nya.

" Yun naman pala e. Bakit di mo sinasagot? "

" Oo na! I love you, too. " hindi na sya nakapagreklamo nang siniil na sya ng halik ni Arjay bigla at niyakap ng mahigpit. Napapikit na lang sya at tinugon ang bawat paghalik nito.

Ngayon, nawala na ang agam agam nya, takot at selos na nararamdaman nya. Alam nyang kapag nasa tabi nya si Arjay, lahat makakayanan nya.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon