Chapter 25: *Umalis Na Siya*

3.8K 84 0
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 25:

*Umalis Na Siya*

Hindi siya pumasok ng araw na yun. Pakiramdam niya, ang bigat bigat ng loob niya. Paulit ulit na nagre-rewind ang mga nangyari nung nakaraang araw sa kanya at kay Arjay. Makasarili siya at kahit bawiin nya pa ang sinabi niya, hindi na maibabalik ang nangyari. Siya ang may kasalanan. Siya ang puno't dulo nito pero tinakasan niya lang. Naghugas kamay siya at tila nakokonsensya siya sa nangyari kay Arjay.

" May sakit ka ba, Arianne? " bumangon siya sa pagkakahiga at hinarap ang mama niya.

" Wala po, Ma. Medyo masama lang ang pakiramdam ko kaya hindi ako pumasok. " tugon niya.

" Anak, kung may problema ka. Pwede mong sabihin sa akin para makatulong ako sa'yo. " umiling si Arianne at niyakap ang ina. Nahihiya siya dito. Hindi niya kayang ikwento ang nangyari. " Sige, kung hindi ka pa handang sabihin sa akin ang problema mo. Kaya kong maghintay kung kelan ka na ready. Nandito lang ako, kami ng papa mo. Willing kaming makinig. " tumango na lang siya dito. Kahit papaano, nakabawas yun ng bigat na dinadala niya sa puso niya.

**

Wala siyang nararamdaman ngayon kundi galit. Galit sa babaeng minamahal. Alam niyang mangyayari eto pero hindi niya naisip na ganito pala kasakit ang gagawin ni Arianne sa kanya. Nagpaka-gago siyang naniwala dito at umasang magbabago si Arianne pero hindi. Nabigo lang siya at ngayon, ang paggu-guro niya ay nawala na lang ng isang iglap.

" Ay, aalis ka na pala, Sir? Paano na kami? " sa kabila ng eskandalong kinakaharap niya, may mga estudyante pa ring ayaw siyang mapaalis at naghihinayang ang mga eto sa kanya. Labag man sa damdamin nya ang desisyon ng dean ay wala na siyang magagawa. Eto ang kapalit ng pagmamahal niya kay Arianne. Tama si Grace!

" May papalit naman sa akin e. Kaya wag na kayong malungkot. I-friend nyo na lang ako sa facebook para pwede nyo akong kamustahin. " sabay tawa ni Arjay kahit parang nahihirapan siyang tumawa sa nangyayari. He just have to pretend that he's okay even he is not.

" Sure, Sir. " tumawa na rin ang mga estudyanteng naroon sa opisina niya habang nag-aayos siya ng mga gamit. Mabibigat na hininga ang binubuga niya nang mag-umpisa na siyang magpaalam sa mga eto.

Nung napadaan na siya sa kwarto nina Arianne, napabuntong hininga siya. Nasasaktan siya ng sobra kapag naaalala niya ang sinabi ni Arianne sa dean. Pinagmukha siya nitong masama kahit hindi naman totoo.

" Sir.. "

" Oh, Pearl! Bakit ka nandito? " mukhang kanina pa siya hinihintay nito sa parking area ng Westbridge. " May pasok kayo ah? "

" S-Sir, yung tungkol kay Arianne.. " kumunot ang noo nya sa binanggit ng dating estudyante.

" Wala na yun. Wala na tayong magagawa. Nangyari na ang dapat mangyari. Hanggang dito na lang siguro ako. " malungkot niyang sambit sa kaibigan ni Arianne. Isa isa na nyang nilagay ang mga gamit nya sa loob ng kotse.

" Ako na ang humihingi ng paumanhin sa nangyari. Masyadong nabulagan si Arianne sa paghihiganti thingy nya sa'yo, Sir. " hinarap nya eto at hinawakan sa magkabilang braso.

" Pearl, hindi mo obligasyong humingi ng sorry sa akin. Wala kang kasalanan doon. At kung ano man ang nagawa nya, labas ka na dito. Hindi mo kasalanan yun. "

" Sir.. "

" May isang bagay lang sana akong hihilingin sa'yo.. " hinging pabor nya kay Pearl.

" Ano po yun, Sir Arjay? "

" Please, bantayan mo si Arianne. Hindi para sa akin kundi para sa sarili nya. Malapitin siya ng disgrasya at ngayong wala na ako, hindi ko alam kung sino na ang liligtas sa kanya kung sakaling may mangyaring hindi maganda. Puwede ba yun? Alam kong kaibigan mo siya at alam kong magagawa mo yun. Ikaw lang ang inaasahan nya. Can i count on you, Pearl? " tumango ang babae kaya naman, parang lumuwag ang pakiramdam nya. Ginulo nito ang buhok ni Pearl saka maikling tumawa. " Wag ka na malungkot. Hindi eto ang huling beses na magkikita tayo. Ingat ka, Pearl. Please take good care of Arianne. " umigbis na siya sa kotse saka nakangiting kumaway dito.

" Ingat ka din, Sir. Mamimiss ka namin! Wag kang mag-alala. Ako na ang bahala kay Arianne, Sir. " pahabol nito bago itinaas nya ang bintana at saka ini-start ang makina ng kotse.

Habang papalabas ng unibersidad, pinasadahan nya ng tingin ang Westbridge kung saan nagturo siya ng halos anim na buwan sa huling pagkakataon. Ang bigat sa pakiramdam na he lose his job. His dream. Pati na rin ang pag-asang mamahalin siya ni Arianne. Tiyak sermon ang abot nya kay Grace kapag nalaman nito ang nangyari.

**

" Masaya ka na ba, Arianne? Umalis na siya. Umalis na si Sir Arjay dahil sa'yo. " kakapasok nya pa lang nang yun agad ang bungad ng kaibigan nyang si Pearl. Nababakas sa mukha nito ang galit sa kanya.

" Bakit ka ba nagagalit? Parang ikaw ang nawalan ng trabaho ah! " yamot nyang sambit sa kaibigan. Apektadong apektado eto sa nangyari kay Arjay samantalang hindi naman eto ang natanggal.

" Galit ako dahil sa nonsense mong reason may napaalis kang guro. You know na malaking kawalan si Sir Arjay dito, hindi dahil sa gwapo siyang guro kundi dahil magaling siyang magturo. Ikaw lang naman ang nagsimula nito e. "

" Pearl.. Hindi -- "

" Ngayon, sabihin mo, Arianne. Masaya ka na ba sa nangyari, huh? " natahimik siya. Kahit anong kapa nya sa puso niya, wala siyang makuhang sagot na masaya siya sa nangyari. Nagi-guilty siya.

" Kaibigan kita. Dapat ikaw ang nakakaintindi sa akin. " tangi nyang sagot dito.

" Yun ang problema. Hindi kita maintindihan kung saan ka humuhugot ng galit para kay Sir Arjay. Hindi kasi valid ang mga excuses at reason mo eh. Kahit saang anggulo tingnan, napakababaw na dahilan yun. Pero kahit galit ako sa ginawa mong pagpapalabas na siya ang may sala ng lahat ng eto, gagawin ko pa rin ang sinabi ko kay Sir. Na bantayan kita dahil malapit ka sa kapahamakan. Gagawin ko 'to dahil kaibigan kita. At para sa kanya. " napayuko siya sa sinabi ni Pearl.

Nalilito na siya. May mga bagay siyang gustong gawin ngunit nagdadalawang isip siya dahil sa natatakot siya.. naduduwag.

" Pero, Arianne.. Maari mo pang baguhin ang nangyari. Just tell them the truth.. Kahit papano, mababawasan ang kasalanan mo kay Sir. " maya maya sabi nito.

" Na ano? Na ako talaga ang nagsimula? Na pareho naming gusto ang nangyari? Na ako ang nagprovoke para gawin ni Sir sa akin yun? Nakakahiya, Pearl! Nakakahiya! "

" Ewan ko sa'yo, Pearl! Mahal ka niya pero hindi mo nakikita yung mga ginagawa niya para sa'yo. Manhid mo na hindi mo yun maramdaman! " inis at galit na bulalas ni Pearl sabay talikod sa kanya at iniwan siya nitong natigilan.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon