Love Ko Ang Teacher Ko
by PurpleRaindrops
Chapter 11: *Date with my Teacher*
" Date? Sayo? Haha. Ayoko nga. " tumalikod siya kay Arjay at nag-umpisa na siyang maglakad.
" Nakakatawa na pala ang sinabi ko. " sinundan naman siya ni Arjay.
" Totoo naman ah! Wala pa sa vocabulary ko ang mga ganyang bagay noh? Bata pa ako. " she just rolled her eyes sa sinabi ng binatang guro.
" Bata talaga? Talaga lang ha? May bata bang nagfi-flirt? Kung ako ang humingi ng pabor o gumawa ng bagay, hindi pwede? Pag ikaw, pwede. Ikaw lang pwede magflirt. Labo ah? Unfair naman yun. Puro ikaw. Siguro nga, may gusto ka na sa akin dahil napapansin ko eh wala ka ng ginagawa para mapaalis ako dito. Aminin mo nga, may gusto ka na ba sa akin kaya wala ka ng ginagawa? Dahil kapag wala na ako dito, wala ka ng tagapagligtas. Wala ng tutulong sa'yo. " napangiwi siya. Hinarap niya eto at muntik pa siyang mapasinghap dahil kasabayan lang pala niya eto sa paglalakad. Ang lapit nila sa isa't isa.
" Ang kapal ng mukha mo! Wala akong gusto sa'yo noh! At kahit kelan, hindi ako magkakagusto sa gaya mo dahil hindi tayo bagay. Hintayin mo lang ang araw na yun. Mapapatalsik din kita dito sa Westbridge College. Tandaan mo yan! Bilang na ang maliligayang araw mo dito! Kaya kung ako sa'yo, lubos lubusin ko na ang mga huling sandali ko dito. "
" Sige nga, paano mangyayari yun kung ang layo mo sa akin. " tinitigan siya nito at inilapit ang mukha sa kanya. Sinakmal naman niya agad ang mukha nito at marahas na tinulak. Napaatras eto ng konti.
" Wag mo ngang ilapit ang mukha mo sa akin! Naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo! Lumayo ka nga. Makita pa tayo ng mga tao dito, ano pa ang isipin. At wala ka ng pakialam sa diskarte ko, SIR ARJAY! " tumayo ng tuwid si Arjay at nilagay ang mga kamay sa bulsa nito ulit. Ngumiti eto ng nakakaloko.
" Ang hirap mong ispellingin. Labo. "
" Talaga! "
" Isang date lang naman ang hinihingi ko e. "
" Ayoko nga eh. AYOKO! "
" Tss. Walang utang na loob. Sana di ko na lang siya tinulungan kanina. " bulong nito pero narinig niya iyun.
" At kelangang isumbat? Di ba pwedeng tumulong na walang hinihinging kapalit? Sana kung ganun na lang, eh di, di sana hindi mo na lang ako tinulungan.. Tapos maiinis ka na ngayon dahil hindi kita pinagbibigyan. Ikaw ang malabo at hindi ako. "
" Hindi ka lang talaga mahilig mag-appreciate. It just a simple date pero ang damot mo. Madamot. Spell DAMOT -- A-R-I-A-N-N-E! " namumuro na ang binatang guro sa kanya. Gusto na niya etong sapukin para tumigil sa kakadada.
" Aba't! Nang-aasar ka talaga? "
" Bakit? Naaasar ka? " napakuyom siya ng palad at akmang susuntukin niya eto pero agad nahawakan ni Arjay ang kanyang kamay.
" Uh-uh! Wag masyadong brutal! Hindi bagay sa magandang babaeng gaya mo ang manuntok ng kanyang guro. Ikaw rin.. " napabuga siya ng hangin at binawi din ang kamay sa lalaki. Nauubos na talaga ang pasensya nya.
Napapansin nga niyang tila wala na siyang ginagawa nitong mga nakalipas na linggo. Wala na siyang nagagawa para mapaalis si Arjay sa Westbridge. Naiinis siya sa kanyang sarili na hindi niya maintindihan. Tapos ngayon, inis na inis na talaga siya.. sa kanyang sarili at sa guro.
" Pwede ba, tantanan mo nga muna ako! Nakakairita ka na talaga! Parang hindi ka guro kung umasta. Tss. "
" Date muna. "
Namewang siya. " Bakit ba gusto mo akong maka-date? Wag mong sabihing ikaw talaga ang may gusto sa akin! Ano? Ang lakas mo mambintang sa akin pero ikaw lang pala talaga ang may gusto sa akin. Aminin! Di ba? " hindi agad eto kumibo na lihim niyang ikinasiya. Pakiwari niya ay parang tama ang kanyang binibintang sa guro dahil sa reaksyon nito. Parang naaamoy na niya ang tagumpay. Tagumpay sa matagal na niyang gustong mangyari.
" T-Teka! Nagkakamali ka! Wala akong gusto sa'yo. Wag mo ngang malisyahan ang pagyaya ko sa'yo. Tsk. " deny nito.
" Weeeh? May gusto ka sa akin! May gusto siya sa akin! May gusto sa akin ang teacher ko. May gusto siya. May gusto siya sa akin. " binigyan niya ng tono ang pagbigkas nun at parang kinakanta niya ang pang-aasar sa lalaki. " May gusto siya sa akin. May gusto siya sa akin. " paulit ulit nyang sambit para pangganti dito sa pang-aasar din sa kanya.
Hindi sya agad nakapalag nung hinalikan siya ni Arjay bigla. Ilang segundo lang yun pero iba ang epekto sa kanya. " Will you please shut up? Ang ingay ingay mo! " reklamo nito. Pagkatapos, " Halik lang pala ang magpapatahimik sa'yo eh.. " he grinned. kahit tapos na siya nitong halikan, malapit pa rin ang mukha ni Arjay sa kanya. Hindi niya maintindihan pero she shivers.
" A-Ano ba! " malakas niya etong tinulak.
" Bakit? " gusto niyang pilasin ang pagmumukha nito dahil sa pagngiti ng nakakaloko. Cool na cool pa eto kahit hinalikan na siya nito.
" Ganyan ka ba talaga? Ang lakas ng loob mo na magsabi kay Orly na wag ipilit ang gusto pero sa ginagawa mo, ganun ka rin. Nagmamalinis ka pa.. " nawala ang ngiti nito at napakamot eto ng batok.
" Okey. Kung sa tingin mo, ganun ako. I'm sorry. Hindi ko na ipipilit ang gusto ko. Baka the more na pinipilit ko, isipin mo na may gusto ako sa'yo. Sige. " may sasabihin pa sana siya kaso mabilis etong nakalayo.
Napahawak siya sa labi niya. Nawi-weirduhan siya. Dati, sabi niya sa kanyang sarili, hinding hindi siya magpapahalik sa taong di naman niya gusto. Pero bakit ganun? Sa halip na magalit, tila nasasarapan pa siya sa mga halik nito. Napailing siya sa ganung ideya. Hindi pwede yun. Hindi siya pwedeng magpadala sa halik nito. Kahit kelan, hindi siya magkakagusto sa isang guro. Gurong labis niyang kinaiinisan ng lubos.
** may part two po eto. Hehe. Mukhang nagkakagusto na si Arianne kay Arjay. 'Lips don't lie' daw. :D abangan na lang sa next chapter.
ITUTULOY..
BINABASA MO ANG
Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)
Non-Fiction" Di ako basta susuko! Kung may maiinlove man sa aming dalawa, siya yun at hindi ako! " - RESTRICTED: SOME PARTS ARE NOT SUITED TO MINORS -