Chapter 13: *A Night to Remember*

5.2K 93 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 13: *A Night to Remember*

-- Pasensya, trying hard mag-English. Hehe. Mali naman ang grammar.

She hides her evilish smile. She thinks that Pearl's idea is not to bad to do. Pearl got a point. Kaya naman pumayag syang makipagdate kay Arjay. Hindi nya inaasahang eto pa ang bibili ng damit nya para sa date nilang dalawa. Gusto nyang matawa kapag naaalala nya yun. Ewan. Mahirap nyang ipaliwanag. Ngayon, their on the way to restaurant. It not just a typical restaurant that she always seen but its elegant and she knows that the food there are too expensive. Arianne wants to complain but she kept herself quiet rather. Afterall, Arjay is the one who invites the date. Kanya ang gastos.

' Remember Arianne, kaya ka lang naman nya niyayang makipagdate sa kanya ay dahil bilang kapalit nito sa ginawang pagtulong sa'yo. See? Kung gaano kasama ang ugali nya. Wag ka muna mag-expect at mag-assume. Mahirap na! Tandaan mo din na kaya ka lang din pumayag ay dahil para mapaalis na eto sa Westbridge. Okey? Remember that! Nothing more, nothing less. ' piping wika nya sa kanyang utak.

Lihim nya etong minasdan habang nakaupo sila sa mesa. He looks dazzling sa pormal nitong attire. She mean, ibang iba si Arjay sa lagi nyang nakikita sa Westbridge. First time din nyang nakitang walang suot na salamin ang batang guro. Kaya naman, napansin nyang tila kulay asul ang mga mata nito. Ok. Deep blue eyes. Na kapag nakikipagtitigan ka, mararamdaman mong tila may power ang mga mata nito. Labi nitong maninipis na bumagay sa mga mata niya. Matangos din ang ilong ng lalaki. His feature was almost perfect. His body. His posture. Ano bang iniisip nya? Bakit tila nasisiyahan syang pagmasdan ng lihim ang lalaki? Madami na syang napapansin na hindi naman nya nakikita dati. What's happening to her? Is she.... ?

" NO! " mariing napalakas pala ang pagsabi nya ganun. Nagtaka naman ang kanyang kasama.

" Excuse me? "

" Ahh, wala. May naalala lang ako. Sorry. "

Ngumiti lang si Arjay at binuklat ang menu. " Order na tayo. "

" Sige. " napaisip sya saglit, malaki siguro ang sweldo ni Arjay kaya sya niyaya nito na magdate sa ganung restaurant. Hindi imposible yun sapagkat isang prestiyosong unibersidad ang Westbridge na tanging may pera lang ang nakakapasok na estudyante dun. Isa sa mga sikat sa Pilipinas. " Sir, pwede magtanong? " maya maya ay tanong nya rito.

" Can you drop the formality? Arjay na lang. Wala naman tayo sa school e. " kimi na lang na ngumiti si Arianne. " By the way, ano ba yung itatanong mo? "

" Hindi ba magagalit yung girfriend mo kapag nalaman nyang nakikipagdate ka sa iba? Alam mo na, baka awayin ako. Mahirap na. Mahaba pa naman ang buhok ko para sa sabunutan. "

Saglit na kumunot ang noo ni Arjay sa tinanong ni Arianne saka tumawa ng mahina. " Ahh, yung tinutukoy mo ata ay si Grace. Don't worry, hindi naman magagalit yun e. " napangiwi sya sa sinagot ni Arjay sa kanyang tanong.

" So, playboy ka pala? "

" No, hindi ah! Kung iniisip mo ay girlfriend ko si Grace. Nagkakamali ka dahil ate ko yun. " tumatawa pa rin eto na lihim nyang ikinainis. Wala namang nakakatawa sa mga sinasabi nya ah.

" Ate? " nagulat sya ng kaunti dahil hindi naman sila magkamukha at halos mukhang magkaedad pa ang dalawa nang minsan nya etong makita.

" Oo, ate ko sya. Hindi lang halata pero nakakatandang kapatid ko talaga ang babae na yun. One year lang ang ahead nya sa akin kaya halos mukhang magkaedad kami. Dalawa lang kaming magkapatid at ulila na sa magulang. Bata palang kami ay namatay na sila. " bigla na lang nakaramdam ng relieve si Arianne at di nya maintindihan kung bakit. Medyo naawa pa sya sa nalaman na ulila na palang lubos ang guro nila. " Wag na nating pag-usapan yun. Past is past ika nga. Oh, eto na pala ang inorder natin. Kain na tayo. "

Wala ng usapang naganap habang kumakain sila. Kahit namatay ang mga magulang nito, nakaya nya yun tanggapin. Sa tingin ni Arianne, mukhang naging maayos naman na lumaki si Arjay sa kabila ng lahat. Kung sya ang nasa kalagayan nito at bata pa sya nang mamatayan ng magulang, baka hindi nya kayanin yun. Hindi alam ang gagawin na mag-isa.

Mukha namang mabait si Arjay, siya lang siguro ang namisunderstood sa trinato nito sa kanya. ' Darn! Hindi rin. Pinahiya nya kaya ako sa klase. Di deserve ng Westbrige ang gaya nyang walang manners na guro! Bastos! Ay ewan! Basta! Erase erase! Di ko dapat iniisip yun! Dapat tuloy pa rin ang plano. Flirt. Fall in love with me. Dapat yun! Yun dapat ang mangyari. Kapag wala na sya dito, mawawala na rin ang mga ganitong nararamdaman ko. '

" Arianne? Are you still there? "

" H-Huh? "

" Mukhang malalim ang iyong iniisip. May problema ba? Kanina ko pa kasi napapansing tulala ka kanina pa. "

" Wa-Wala. Medyo masama lang ang pakiramdam ko. "

" Gusto mo iuwi na kita? "

" Hindi okey lang. Maaga pa naman e. "

" Sabi ng mama mo, dapat 10pm nasa bahay ka na. "

" 9pm pa naman e. May isang oras pa tayo. "

" Sabagay, pero kapag di mo na kaya.. Sabihin mo lang para iuwi na kita agad. " tumango naman si Arianne.

Pagkatapos nilang kumain ng dessert ay nagpaalam muna sya kay Arjay na pupunta ng banyo.

" Goshh! Bakit ba absent minded ako ngayong gabi? Pakiramdam ko ay apektado ako sa presensya ng Arjay Tejada na yun! Grrr! " para na syang baliw na nagsasalita sa harap ng salamin ng CR. Pinagtitinginan na rin sya ng ilang babaeng naroon. Dahil sa hiya ay pumasok sya sa isang cubicle. " Nakakahiya! "

Ilang minuto na rin syang tumagal sa loob noon na nakaupo. Pilit nyang hinahanap ang sagot sa mga tanong nya.

" Arianne? Are you okey? Arianne? Bakit ang tagal mo? " napatayo sya at lumabas ng cubicle. Nasa labas ng comfort room si Arjay at panay ang katok. Kinagat nya ang kanyang pang-ibabang labi.

" Okey lang ako. Sorry kung natagalan. " then lumabas sya at nakita nya sa mukha ni Arjay ang pag-alala.

" Thanks. Akala ko kung ano na ang nangyari sa'yo. " nagulat na lang sya nang niyakap sya ng lalaki. And there's something happens, parang may kung ano sa tiyan nya na gumagalaw na di nya alam kung ano yun.

** there is something happening daw oh! Sino kaya ang unang aamin ng kanilang totoong nararamdaman? Si Arjay na sigurado pero pinapauna si Arianne? O si Arianne na undenial?

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon