Chapter 33: *Hell*

3.7K 69 0
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 33:

*Hell*

" Ayaw ko ng magpaligoy ligoy pa.. I don't like you for Romualdo. Matapos ng ginawa mo sa kanya, he doesn't deserve you.. " gustong sumagot ni Arianne pero walang lumalabas sa bibig nya. " Madaming babae dito sa Pilipinas, bakit ikaw pa? If i were you, aalis na ako kasama ang anak ko at iwan na siya. Mahiya ka naman.. " in her whole life, eto lang ang bukod tanging nagsabi nun sa kanya ng ganung salita. Na halos hamakin na ang kanyang buong pagkatao pero bakit ganun? Wala man lang syang masabi. She was speechless. " Sana pag-isipan mo ang bagay na 'to.. na kung bagay nga kayo ni Romualdo na magpakasal. " sa bawat pagbigkas nito ay may diin sa bawat salitang tumuturok sa puso nya.

Tumalikod na ang matandang babae at nakakailang hakbang na eto nang magsalita sya. " Tinatanong nyo po ako kung bakit ako ang gustong pakasalan ni Arjay sa kabila ng maraming babae dito sa mundo, sasagutin ko yan.. Kasi po, ako ang mahal ni Arjay at mahal ko po din sya. Kung anuman po ang nangyari nung nakaraan ay hindi po yun dahilan para pigilan ang nararamdaman namin dalawa. Maaring nagkamali ako at pinagsisihan ko na yun.. Ma'am, okay lang po kung ayaw nyo sa akin para sa kanya.. Nirerespeto ko ho iyon pero sana respetuhin nyo rin ang kagustuhan ni Arjay tutal sya naman ang magpapakasal at hindi po kayo.. Hayaan nyo po, limang araw lang kami dito. After this, uuwi na rin kami. Nandito lang kami para sunduin si ate Grace at hingin ang basbas nyo ngunit mukhang ayaw nyo po sa akin.. Wala na po akong magagawa para doon. " mahabang sabi niya dito na ikinagulat ng matanda. Akala siguro nito ay hindi sya magre-react sa lahat ng sinabi ng Mommy Des ni Arjay. Napabuntong hininga na lang sya. Sobrang laki ba talaga ang kasalan nya para hamakin sya ni Mommy Des? Sobrang sama na ba nya talaga? Akala nya, wala ng problema. Akala nya, magiging okay na ang lahat kasi nagkaayos na sila ni Arjay ngunit mali pala sya. Isa na namang challenge 'to kay Arianne na hindi sya tanggap ng pamilya ni Arjay. Once makasal na sila ng lalaki, habang buhay na rin nyang pakikisamahan ang mommy Des nito at ate Grace.

" 'my, Babe, what's happening? Me problema ba? " siya namang dating ni Arjay. Umiling si Arianne.

" Wala naman. Nag-usap lang kami ng mommy mo. Papasok na kami ni Arielle. "

" Arianne.. " pigil nito pero hindi nya pinansin.

" Romualdo, let's talk. " dinig nya pa bago tuluyan syang nakapasok ng bahay. She knew it. Kakausapin eto ng matanda. At baka kukumbisihin ng matanda na wag ng ituloy ang binabalak nito. Alam nyang mahal sya ni Arjay ngunit nangangamba pa rin sya. Natatakot na baka ngayon, tuluyan ng mawala sa kanya ang lalaki. At yun ang kabayaran sa ginawa nya dati. Wag naman sana dahil hindi nya alam kung kakayanin nya yun.

" Hayyy, Arielle.. Magiging okay din ang lahat di ba, baby? " ngumiti ang bata sa kanya. Kawawang bata, walang muwang sa nangyayari. Kahit paano, hindi sya nag-iisa.

Kinagabihan, bago siya matulog ay nagkausap sila ni Arjay sa balkonahe. Hindi sila magkasama sa iisang kwarto, yun ang kagustuhan ni Arjay. Kahit may anak na sila at ikakasal, nirerespeto pa rin sya nito. Dahil doon, lalo syang napamahal ng husto sa lalaki.

" Babe.. "

" Hmmm.. " yakap sya ni Arjay mula sa likod. " Bakit? "

" Ilang anak ba ang gusto mo kapag nagkataon? " tanong nito sa kanya.

" Siguro, apat? Dalawang babae.. Dalawang lalaki. Bakit mo naman natanong? "

" Wala naman.. Just asking. Kung ano ang gusto mo, yun ang masusunod. "

Napangiti na lang si Arianne. Saglit nyang nakalimutan ang problema nya sa mommy nito sa gesture ni Arjay. Isang halik sa pisngi ang ginagawa nito bago sila tuluyang pumunta sa kani-kanilang kwarto.

Dalawang araw na sila sa probinsya at lahat ginagawa ni Arianne para kahit papaano magustuhan sya ng matanda. Halos lahat ng gawaing bahay, ginagawa nya kahit hindi sya gaanong sanay. Maghugas ng plato, magluto, magwalis at kahit sa paglilinis ng banyo ay kanya ring ginawa ngunit palpak sya, lagi syang napagsasabihang mali ang kanyang ginagawa even she tried her best to please Mommy Des.

" Kababae mong tao, hindi ka marunong maglaba? Tingnan mo nga, nasira ang kulay ng damit dahil pinaghalo mo ang puti at de kolor. Ganyan ka ba maglaba? Susme, ano 'to? Sinira mo pa ang damit na binigay ni Romualdo sa akin. Ano ba namang papakasalan na 'to ni Romualdo! Walang alam! " naiinis nitong singhal. Nagkataon pang wala si Arjay ng mga panahon na yun dahil pinuntahan nito ang mga dati nyang kaibigan.

" Sorry ho. Hindi ko sinasadya. Hindi naman po kasi ako naglalaba sa amin dahil may labandera kami. " paliwanag nya.

" Pwes! Hindi ko na kasalanan yun kung hindi ka marunong. Kinuha kuha pa yan sa akin, eh hindi ka naman pala marunong. Nagmamagaling kasi.. "

" Gusto ko lang po kasing kahit papaano, magustuhan nyo ako. Mahalaga po kay Arjay na magustuhan nyo ako.. Kaya lahat ginagawa ko para lang hindi na ho kayo magalit sa akin. " naiiyak na sya. Pakiramdam nya, she's in hell.

" Kahit kelan, hindi kita magugustuhan.. Hala, umalis ka nga sa harapan ko. Ako na ang gagawa niyan. "

Akala nya, lahat ng tao makukuha nya sa inosenteng pagmumukha nya. Pero yun pa pala ang magiging dahilan kaya sya napapahamak.. kaya hindi sya magustuhan ng mommy ni Arjay. She can't say how long she can stay in that hell like place. Even Arjay doesn't know that his Mommy Des treat her like that. Pero hindi sya nagrereklamo sa lalaki, alam nya sa pagmamahal sa isang tao lahat ng taong mahal nito dapat mahal mo rin kahit hindi ka nila gusto. Ang mahalaga, wala ka namang ginagawang masama sa kanila at alam mong wala kang maling ginagawa.

Sa ika-lima at huling araw nila sa probinsya, naghanda ang Mommy Des nito. Lahat ng kaibigan ni Arjay, inimbitahan. At si Arianne ay tumulong sa pag-asikaso sa mga kaibigan nito. Mabuti na lang at gabi ang handaan dahil si Arielle ay tulog na ng mga oras na yun.

" Stephanie, mabuti at nakapunta ka. Inaasahan talaga kitang pupunta e. Alam mo na.. " natigil saglit si Arianne sa pagkuha ng pagkain nang makita nya si Mommy Des sa pinto at may kausap na magandang babae. Sexy at mukhang professional. Sino naman kaya eto? Puno sya ng pagtataka habang hinihila iyun ng matanda sa sala. " Halika, Stephanie, pasok. Kanina ka talaga namin hinihintay ni Arjay.. "

" Naku, Tita Des, dumaan lang talaga ako para makita si Arjay. " sagot naman ni Stephanie.

" Basta, maupo ka lang dyan. Saglit lang, Stephanie. Arianne, ipaghanda mo nga ng makakain 'tong si Stephanie. "

" Opo. " mabilis nyang sagot kahit nagtataka. Nang matapos ay agad syang lumapit sa mga eto na masayang nagkwekwentuhan. " Eto na po. " singit nya.

" Sino ho sya? Siya ba yung mapagangasawa ni --" hindi pinatapos ni Mommy Des ang dapat idudugtong ng Stephanie na yun.

" No, don't bother her. Oh, kain ka na tapos mag-usap kayo ni Arjay. I'm sure, namiss ka nun.. Ang tagal nyong hindi nagkita e. "

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon