Chapter 31: *Heart*

4.1K 72 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 31:

*Heart*

" Anong meron? " pagtatakang pagtatanong ni Arjay sa kanya nung binisita nya eto sa tinutuluyan nito. Nagulat pa eto nang sya ang mapagbuksan ni Arjay ng pinto. Bahagya pa syang nailang dahil wala etong pag-itaas na damit. Ang pagkakaalam nya, nasa probinsya ang ate nitong si Grace kaya wala etong kasama sa tinutuluyan nya. Tumikhim muna sya bago sumagot.

" W-Wala lang. Masama bang dalawin ka? " nahihiya pa nyang tugon dito na hindi makatingin ng diretso sa lalaki. Sa gilid ng paningin nya, nakangisi eto.

" Nakakagulat lang kasi na dumalaw ka. Halika, pasok ka muna.. " pinapasok sya nito sa sala at saglit na iniwanan sya roon. Pagbalik ay may damit na etong suot. Umupo eto sa tabi nya at pasimpleng hinawakan ang kanyang kamay. Wala pa ring pagbabago dahil gaya ng dati, ganun pa rin ang epekto ni Arjay sa kanya. " Namiss mo ba ako kaya ka dumalaw sa akin? " nakakalokong tanong ni Arjay sa kanya na ikinamula nya naman. Hindi matanggal tanggal sa labi nito ang nakakalokong ngiti ni Arjay.

" Hindi ah! " pagtatangi nya sabay bawi ng kamay dito. Umusog pa sya ng kaunti upang magkalayo sila ng distansya ng lalaki.

" Kung ganun, bakit ka narito? " tanong nito ulit sa kanya.

" Kasi.. Uhm, para sa'yo. Ginawa ko yan.. Yan ang ipinunta ko. Sayang naman kasi.. " kinagat nya ang pang-ibabang labi nya habang inaabot kay Arjay ang maliit na kahon. Kumunot ang noo nito habang kinukuha yun.

" Ano naman 'to, Arianne? "

" Buksan mo na lang at tingnan.. " sinunod naman eto ng lalaki.

" Heart shaped na cake. Cute ah! Talagang kaw ang gumawa nito? Nag-abala ka pa.. Siguro, namimiss mo nga talaga ako ano? Nung nakaraang araw lang akong di nagpunta sa inyo, namiss mo na agad ako! Ikaw talaga! " nagitla si Arianne nang piningot nito ang kanyang ilong.

" Aray! Masakit yun ah! " reklamo nya habang hinhimas ang ilong na pinisil ni Arjay. Napangiwi sya sa sakit.

" Sorry bhabe.. Lika, kiss ko na lang para mawala ang sakit. " umusog eto palapit sa kanya at mabilis na niyakap sya nito.

" Teka! Ano ba? " tinulak nya eto. Umatras din sya ngunit nasukol na sya sa dulo ng sofa. Corner na sya ni Arjay. Wala na syang kawala dito.

" Kiss lang e. Para mawala ang sakit. " patuloy na sabi nito. Halos ilang inches na lang ang layo nito sa mukha nya at napapahiga na sya sa sofa sa pinagagawa ng lalaki.

" Arjay naman e! " ilang ulit syang napalunok. She feels Arjay will kiss her.Automatically, she closed her eyes and wait for it but it didn't happen. She just heard a loud laugh.

" Hinihintay mong halikan kita, ano? " panunukso nito. Pakiramdam nya ay para na syang mansanas sa pamumula sa hiya.

" Ofcourse not! Just.. " she stopped and gave Arjay a dead glare.

" Lalo ka talagang gumaganda kapag ganyan ka.. " umayos sya ng pagkakaupo.

" Masyado kang conceited! Tss! Nasasayangan lang ako sa cake dahil walang kumakain sa bahay kaya naisipan kong dalhin na lang dito. " dahilan nya ngunit ang totoo, talagang sinadya nyang pumunta doon at igawa si Arjay ng ganun.

" Sus! " dinig nyang sambit ni Arjay. Nakita nyang nilantakan na yun nito at sa mukha nitong nasasarapan sa gawa nyang cake. " Sarap ah! Siguro ganito ka katamis magmahal? Puso pa talaga ang shaped ng cake kasi eh.. " humalakhak eto ng malakas. Umismid si Arianne sabay tayo.

" Uuwi na ako. Dinala ko lang yan dito. "

" Teka! Eto naman, ang bilis mapikon! Jino-joke lang naman kita e. " hinawakan nito ang kamay nya. " But, i wish na mangyari ngang mahalin mo na ako.. Yung alam ko talagang sigurado akong mahal mo nga ako. "

" Let me go, Arjay.. "

" I won't. Please stay for a while.. Mag-usap muna tayo. Di na kita pipikunin. " sinulyapan nya si Arjay at nagtaas pa eto ng kanang kamay, sign of promise.

Sumuko sya sa pagtitig dito at napaupo na lang sa tabi ni Arjay. Bukod sa cake, may dahilan talaga sya kung bakit sya pumunta sa lalaki. Yun ay..

" Ang totoo nyan, may dahilan talaga ako kung bakit ako pumunta dito.. " paninimula nya nung hindi nagsalita ang lalaki.

" Ano yun? " doon sya simulang kabahan at pagpawisan ng malamig nang mag-umpisa ng magtanong ang dating guro nya. Mahirap din palang aminin ang totoo. Di mo alam kung paano sisimulan. Kung ano ang tamang sasabihin. " Hey! What is it? Suspense lang? " ngumiti eto pero andun pa rin ang curiousity sa mukha nya.

" Kasi.. " pambibitin nya.

" What? I think i gonna die sa ginagawa mong pambibitin sa akin.. " biro ni Arjay.

" Arjay, kasi.. kasi noon pa lang.. "

" Noon pa lang na ano? "

" Siguro.. noon pa kita mahal nung naging teacher kita. Di ko agad narealize na love ko ang teacher ko noon pa lang.. "

Itutuloy..

(Sorry sa late UD at medyo sabaw pa. Huhu.)

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon