Chapter 27: *Flight*

3.7K 80 0
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 27:

*Flight*

-- May mga scene akong nakalimutan, kung naulit man, pakisabi na lang po para alam ko. Thank you! :)

Nang araw din pala na yun, napag-alaman nyang umalis si Arjay patungong Hawaii. Nang mga sandaling nag-uusap sila ng kapatid nito, nakaalis na pala eto ng bansa. Yun ang tinutukoy ng dalawa nyang kaklase na nakita nila eto. Parang nadurog ang puso niya. Nagising sya sa lahat lahat ng nagawa nya kay Arjay. Tila bombang sumabog yun sa kanya. Nakaahon sya sa pagkakalubog sa ilalim ng dagat nang napakatagal. Ganun ang nararamdaman nya nang malaman nya yun.

Ayun sa narinig nya, doon na daw eto magtatrabaho dahil na rin sa pagtanggal ng lisensya ng pagtuturo si Arjay. Labis na syang nagsisisi.. Labis syang nasaktan dahil ngayon, alam na niya kung bakit ganun ang mga nararamdaman nya nung mga nakalipas na linggo. Siguradong mahal na niya eto. Mahal na niya si Arjay. Lahat lahat ng mga sinabi nya dati, kinain nya. At ngayon, hindi nya maalala kung bakit nagalit sya ng husto kay Arjay. Naging immature sya at hindi inisip ang mararamdaman nito. Wala na eto at tuluyang lumayo sa kanya.

" Oh, ano? Tama ako di ba? Ayaw mo kasi makinig. Eh ano na? Ano na ang gagawin mo lalo na ngayon.. " hindi sya sumagot agad kay Pearl. All this time, tama eto. Pero hindi sya nakinig. Selfish kasi sya kung tutuusin at ngayon, nagdudusa na sya sa kasalanan nya. Sa bunga ng kanyang nagawa.

" Hindi ko pa alam, Pearl. " humugot sya ng hininga saka nag-ayos ng gamit.

" Nasabi mo na ba kina Tita at Tito? " nang marinig nya yun, hinarap na niya ang kaibigan.

" Oo. " pokerface si Pearl sa sagot nya.

" Ano sabi? " tanong nito ulit sa kanya.

Nagkibit balikat sya. " Okay lang.. " tugon nya rito.

" What?! Talaga? " hindi makapaniwalang bulaslas ni Pearl. Lumapit pa eto ng husto sa kanya. Ngumisi na lang sya sa reaksyon ng kaibigan at itinuloy ang pag-aayos ng gamit. Hindi na niya pinansin ang mga sinasabi nito.

*

Isa syang bartender sa isang sikat na club sa ngayon. Eto ang kinabagsakan nya nang magtungo sya dito. Mahirap nung una pero natutunan nya rin nang magtagal na sya sa Hawaii. Pinili nyang pumunta sa Hawaii upang makalimot.. Upang mawala ang sakit na idinulot ng ginawa ni Arianne sa kanya. Matapos kasi nang huli nilang pagkikita ni Arianne, hindi na nya eto kayang makita pang muli. Sobra syang nasaktan.

Sinunod lang naman nya ang gusto nito, ang mawala sya sa landas ng babae. Sa ngayon, siyam na buwan na sya sa Hawaii. Tanging tinitirhan at club lang umiikot ang buhay niya. Ni wala na rin syang interes sa mga babae kahit eto pa ang magpakita ng motibo. Tila nadala na sya kay Arianne. Malaki talaga ang epekto ng nangyari sa kanya. Makakakita lang sya ng babaeng nagpapa-cute, naiirita na sya. Si Arianne agad ang unang pumapasok sa isip nya.

Napailing na lang sya. Hindi pa rin pala nawawala si Arianne sa isip nya.. at maging sa puso nya. " Fvck! " mura niya.

Matagal na rin syang hindi nakakapag-open ng facebook nya kaya sinubukan nya etong bisitahing muli. Day off nya nun at wala syang gagawin ng araw ng yun kaya yun ang pumasok sa isip nya. Kesa maburyong syang walang ginagawa. Tinatamad rin naman syang lumabas ng bahay.

Kumuha muna sya ng juice at sandwich, bago tuluyang humarap sa laptop nya.

Chineck nya muna ang mga friend request nya. Umabot hanggang 44 persons ang nag-add sa kanya. Yung iba ay kilala nya.. Mga estudyante nya sa Westbridge dati. Hinuha nya, matagal na sya nitong ina-add at ngayon lang nya na-aaccept.

Agad nyang nakita ang pangalan ni Pearl. Eto ang una nyang inaaccept at pagka-accept, binisita nya agad ang wall nito. Bumilis ang tibok ng puso nya habang naglo-loading ang page at unti unting lumalabas ang mga post nito.

Binasa nya ang ilang post nito at may bukod tanging umagaw ng atensyon ng mga mata niya. Nanginginig pa ang mga kamay nyang may hawak ng mouse habang ini-scroll yun.

' Pearl Alvaro shared a photo: Wow! Ang cute! ' ang nakalagay na caption sa post nito. Ilang minuto lang ang nakakalipas nung pinost eto ni Pearl. Ibig sabihin, online eto.

Napatigil sya sa paghinga sa nakita. Picture yun ni Arianne. Nakaramdam sya ng pagka-miss sa babae sa nakita. Gumanda eto lalo at kumulot ang buhok. Nakangiti eto sa picture at naka-eye to eye nya eto. Biglang nakaramdam ng urge si Arjay na yakapin eto at halikan.. kaso picture lang pala yun. Napatigil sya sa pagtitig kay Arianne at napadako ang tingin nya sa kasama nito. Lalong kumabog ng husto ang puso nya.

' Anong ibig sabihin nito? ' tanong nya sa kanyang utak.

Napasinghap sya nang may notification na may nag-chat sa kanya. Si Pearl. Agad nya etong binasa.

Pearl: Sa wakas, inaaccept muna ako, Sir. Kamusta ka na, Sir? Kamusta ang Hawaii? :)

Arjay: Well, great! Isa akong bartender sa isang club dito. Haha! Ikaw? Kamusta na? Si.. Si Arianne? Kamusta na? Nakita ko yung bagong post mo, ano ibig sabihin nun?

Hindi nya napigilang tanong sa kaibigan nito. Matagal bago eto sumagot kaya nainip na sya kaya nagsend na naman sya ng message dito.

Arjay: Still there?

Pearl: Oo, Sir. Hmm, kung ano ang iniisip mo, yun na po. Pero Sir, quiet ka lang na nag-chat tayo.. Ayaw kong malaman 'to ni Arianne. Baka kasi magalit e. Cute nila, ano Sir?

Kung ano daw ang iniisip nya, yun na yun daw? Napailing na lang sya.. Paano nangyari yun?

Hindi na sya nagpaalam kay Pearl. Nag-log out na sya. Isang desisyon ang nabuo sa utak niya. Yun ay ang bumalik na sa Pilipinas. " Hindi maaari 'to! Paano nangyari yun? Siyam buwan lang ako nawala.. Hindi kaya... "

Agad syang nagpa-book ng ticket at nag-ayos ng mga gamit. Bukas, uuwi na sya ng Pilipinas. Gusto nyang malaman ang totoo. Hindi sapat ang sinabi ni Pearl sa kanya. Masyadong palaisipan.

Itutuloy..

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon