Chapter 9: *Who's Who?*

4.4K 92 2
                                    

Love Ko Ang Teacher Ko

by PurpleRaindrops

Chapter 9: *Who's who?*

" Have sex with me? " napalunok siya sa narinig. Hindi siya makapaniwalang maririnig nya yun sa bibig ng guro. She can't imagine a teacher like him will ask for a sex to her. Kabastusan yun.

" Bastos! " binigyan nya eto ng napakalakas na sampal. Halos matabingi na ang mukha nito sa ginawa niya. " Alam mo ba ang pinagsasabi mo?! Sex? Gago ka pala e! Di porke ganito na ako, di porke niligtas mo ako kagabi, papayag na ako sa gusto mo! Kung nalilibugan ka, puwes! Dun ka sa puno ng niyog, ikuskos mo ang ari mo para makaraos ka! Makakarating 'to sa dean! At siguradong matatanggal ka oras na malaman 'to ng school faculty! " walang emosyong tinitigan lang siya ni Arjay habang hinihimas ang pisnging nasampal niya pero ngumiti din eto kalaunan. Hindi nya alam kung bakit parang may kumurot sa puso niya nung ngumiti eto.

" Ang bilis mo namang magreact. It was only a joke, Arianne. Ang sakit nun ah. Grabe! " nakangisi nitong sabi. She find it really hot and manly when it smirked and even grin or smile.

" JOKE? Hindi magandang joke yun! Hindi nakakatawa! At lalong hindi ako natatawa sa joke na sinasabi mo! Ganyan ba talaga ang tabas ng dila mo! Napakabastos! Bakit ba ang Westbridge eh, nagpapasok ng gaya mong.. " tiningnan niya eto mula ulo hanggang paa at paa hanggang ulo, " immoral na guro! Pervert at manyak! " angil niya.

" HAHAHA! Don't take it seriously, my dear. Hindi mo pa ako kilala ng lubusan para husgahan ako. Ikaw naman talaga ang nagsimula nito e. Titigil lang ako kung titigil ka rin para quits na tayo. Sabihin mo sa lahat ang mga nangyari, i don't really care. Remember, i have the video kung saan ikaw naman talaga ang unang nagpakita ng motibo. Kung matatanggal man ako dito, sisiguruhin ko ring mapapasama ka. Sabay tayong mawawala dito. Don't dare me, Arianne. Baka sa huli ay magsisi ka lang. "

Minasamaan niya eto ng tingin. " Puwes kung meron ka mang video na nagpapatunay na ako talaga ang unang nagpakita ng motibo, ipakita mo sa akin! Kung wala, ano ang dahilan ko para matakot? Wag mo din akong subukan, SIR Arjay! "

Tinalikuran niya eto at lumabas ng gymnasium. Habol ang hininga niya. Hindi siya makahinga ng maayos sa lantarang sinabi ni Arjay sa kanya. Tumayo lahat ng balahibo niya sa kilabot. Dun palang sya naka-encounter ng ganung tipo ng lalaki.

" Sex mong mukha mo! Tarantado! " sabi niya kahit hindi naman naririnig ni Arjay ang sinasabi niya.

**

" Siraulo ka talaga, Arjay! Bakit mo sinabi yun? Ano na lang iisipin ni Arianne? Malibog kang teacher! Ugh. Ano ba 'tong nangyayari sa akin?! Pinapakita ko lang sa kanya na wala akong kwentang teacher. Na dapat nga talaga akong matanggal dito. " napasabunot ng buhok si Arjay habang tanaw niyang naglalakad palabas si Arianne. Di siya makapaniwala na yayain niya etong mag-sex sila. " Baliw ka na talaga, Arjay! Jeez. You're really out of your mind! " pinunasan niya ang kanyang pawis sa katawan habang napapailing at ipinagpatuloy ang pagkukumpuni ng isang equipment. Hindi naman kasi niya inaasahan na pupunta eto dun at magtatalo na naman silang dalawa. Inaasar lang niya eto pero dumating ang point na kusang lumabas na lang yun sa kanyang bibig. Natatawa na lang siya sa kanyang isip. Sana lang ay hindi halatang attracted siya sa babaeng yun. Balewala lang din sa kanya ang banta nito. Sa palagay niya, hindi ganun kadaling basta na lang siya nito isumbong ng walang ebidensya. Marahil, nagulat din eto sa sinabi niya. Gago kasi siya. Inatake na naman siya ng pagkalibog niya.

" Tejada, bar tayo maya! Weekend na rin bukas e. " yaya sa kanya ng isang co-teacher niya.

" Sige, Sir Tolentino. Salamat na lang. Pahinga kasi ako mamaya eh. Kayo na lang muna. " tanggi niya sa paanyaya nito.

" Ganun ba? Sayang naman kung ganun. Basta sa susunod eh, sama ka na ha? " sabay tapik sa balikat niya. Tumango naman sya saka ngumiti.

" Oo naman. Walang problema. "

" Nga pala. Pasensya ka na at si Flores kanina ang pinadala ko ng tool. May importante lang kasi akong ginawa e. "

" Uhm, ayos lang. " nagulat siya nung umupo pa eto sa tabi niya at inakbayan siya. Luminga linga sa paligid saka bumulong sa kanya.

" Usapang lalaki 'to, Arjay. Atin atin lang ang sasabihin ko sa'yo. Ang sexy ng babae na yun. Di ba? Yung hinaharap niya ang lusog lusog. Woaah! Sarap siguro hawakan yun tapos ang puwet, ang tambok talaga. Grabe! Kung hindi lang estudyante yan dito, baka pinatulan ko na yan e. Ikaw ba, Arjay? " hindi siya makapaniwala na may ibang kapwa niya guro ang magsasalita ng ganun tungkol kay Arianne. Akala niya ay siya lang ang nagkakaganun na guro.

" A-Anong ako? " maang niyang tanong kahit alam na nya ang tinutumbok nito.

" Ikaw ba, nakakaramdam ka ba ng ganun.. yung alam mo na.. Normal lang naman yun di ba? Kasi lalaki tayo. "

" Ano ka ba naman.. Mamaya, may marinig ka na ibang tao sa pinagsasabi mo. Ano pa isipin.. Di porke lalaki tayo. Eh ganun lagi ang mararamdaman natin. Nakakalimutan mo ata na teacher tayo dito. Hindi tayo basta lalaki sa university na 'to. " panay iling at tumatawa ng mahina si Arjay sa paalalang binibigay kay Sir Tolentino. Kapag marinig ni Arianne ang pinagsasabi niya, tiyak pagtatawanan siya nito at sasabihan na nagmamalinis siya.

" 'to naman! Usapang lalaki lang naman yun eh. Kaw talaga! Dyan ka na nga! " agad etong tumayo na kakamot kamot sa batok. Wari'y nahiya sa tinuran sa kanya. Kung alam lang nito ang saloobin niya..

Mabilis nagdaan ang mga araw. Isang buwan at isang linggo na siya sa Westbridge simula nung pumalit siya sa nagresign na naunang guro sa Soc. Sci. Kung hindi isasama ang aksidente nilang pagkikita ni Arianne, hindi inaasahan na pagtatagpo nila, malamang limang beses palang silang nagkikita nito at yun ay ang araw ng Social Science subject nila. Bahagyang dumistansya ang babae sa kanya simula nung insidente na yun. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa utak nito ngayon. Kung ano ang plano nito. Kung ano ang balak sa kanya ng babae. Hindi rin niya alam kung sumusuko na 'to. Basta tinitingnan lang siya nito ng masama. At anumang oras ay parang sasakmalin na siya ni Arianne. Kahit wala silang ginagawa sa isa't isa, madarama ang tensyong namumuo sa kanilang dalawa.

**

" Arjaaaay! " napalingon siya sa pamilyar na boses na tumatawag sa kanya habang naglalakad sa hallway. Pag harap niya, napamura siya nang mapagtanto niyang tama ang hinala niya.

" Grace? Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko naman sa'yo, wag na wag kang pupunta dito! Nakakahiya! " he gritted. He held Grace's arms.

" Hey! Aren't you happy na nandito ako? See, pinagluto kita ng lunch. Tara, it's almost time. " hinila siya nito papunta sa canteen. Paglingon niya sa kabilang side, nakita nyang nandun si Arianne. Nakatingin sa kanilang dalawa ni Grace.

-- Malalaman na sa susunod na chapter kung sino si Grace sa buhay ni Arjay! Ano hula mo? Comment na! Go!

Itutuloy...

Love ko ang Teacher ko (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon