Chapter 1 [sexy bassist babe]

2.6K 55 31
                                        

Chapter 1

"Anak, kain na muna tayo!" dinig kong tawag ni Mama mula sa labas ng kwarto ko. "Kanina pa nakapaghanda ng tanghalian ang kuya mo. Halika na."

Lumabas ako para puntahan si Mama. "Ma, sunod po ako," I said while holding the phone. I flashed her my frivolous smile.

Please fall for it . . . please.

Beat, she finally surrendered. "O, siya. Bilisan mo, ha."

I nodded happily.

"Oo, girl. Around 6:00 PM ako pupunta sa inyo," I told Sash on the other line while closing the door. Kanina pa kami nagte-telebabad pero parang hindi nauubos ang mga kinu-kuwento ko sa kaniya. "Nako, hindi male-late ang ganda ko, 'no! Kailangan makarating ako nang maaga sa inyo para maaga rin akong makarating sa Posh District. The early bird catches more silay," kilig na kilig na biro ko. Yakap yakap ko ang concert ticket na fresh ko lang nakuha mula sa isang meet up kanina sa Megamall.

Our girl talk took longer than expected. I wasn't done sharing my life's shenanigans when I heard my brother yell.

"Isang tawag pa, wala ka ng allowance next week!"

Nerbyos naman. Tama bang gamitin ang allowance ko bilang pananakot sa'kin?

Napakagat-labi ako. Gustuhin ko man manlaban, syempre hindi ko na gagawin. Ugh.

"Pinapagalitan ka na ba ni Kuya Boaz?" tukso ni Sash habang tumatawa.

"Oo. High blood talaga palagi 'tong Kuya ko." Sumimangot ako.

"Bababa na ako, Kuya!" pabalik na sigaw ko.

"O, sige na. See you later. Basta ingatan mo ang camera ko, ha. Regalo pa kasi sa'kin ni ate 'yan nung debut ko," paalala niya.

Tumango-tango ako kahit hindi naman niya ako nakikita.

"Oo naman. Ibabalik ko sa'yo nang buong-buo." Tumawa ako. "Hay nako, kung hindi lang kasi talaga kill joy 'tong si kuya, e 'di sana sa kaniya na lang ako nanghiram. Ugh. Bakit ba kasi hindi na lang niya ako i-support sa mga hilig ko? Fangirling doesn't have to be this hard," I fake-cried.

"A, bakit naman kasi sa lahat ng bisyo, banda pa? Napaka-high maintenance ng pinili mong mundo." Tumawa siya.

"Sash, hindi ko rin alam kung bakit," natatawang sagot ko. "Napaka-hirap panindigan nitong fangirl life ko lalo na't poorita avila naman ang ganda ko. Pero ayos na rin siguro 'to. At least hindi droga. Imagine mo 'yung ganda ko na nasa rehab. 'Di ba ang chaka?"

We both laughed at what I said.

"Baliw ka talaga," she commented, laughing.

"Sige na. Kailangan ko ng bumaba. Beast mode na kuya ko. Baka ma-award-an ako nang wala sa oras," paalam ko sa kaniya.

"Oks. Bye. Good luck sa pagfa-fangirl mo."

"Thanks sa support, friend! See you later!"

Pagkatapos naming magtelebabad, tinago ko na sa drawer ang concert ticket.

I closed my eyes dreamily.

Hay, February 23, kay tagal kitang hinintay.

Hanggang pagbaba ko sa dining area, todo pa rin ang ngiti ko. Sinira lang ng magkasalubong na kilay ni Kuya Boaz. "Ano ba, Kuya. Stop frowning!" Lumapit ako sa kaniya at minasahe ko ang noo niya. "Oh, ayan. Better." Binanat ko ang mukha niya para mag-smile naman siya kahit papaano.

"Bitawan mo nga ako!" naiinis na suway niya sa'kin.

Napaka-suplado talaga!

"Hindi mo bagay ang pa-bad boy, Kuya, ha. Ang pangit." Nakasimangot na umupo ako sa tabi ng Mama ko. "Ma, tingnan mo 'tong si Kuya. Laging agitated. Ano ba 'yan? Hindi naman siya pinaglihi sa sama ng loob, hindi ba?" I joked.

I Would Hate To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon