A/N: All typo errors and mistakes are mine. Will edit tom.
Chapter 39
"Ayun na ang Salisbury Garden!" excited na sabi ni Aleah habang tinuturo ang kabilang kalsada.
Nag-panic ako dahil ginamit niya ang hintuturo niya.
Mabilis kong binaba ang kamay niya at sinabing, "Wag kang magtuturo gamit ang index finger mo. Rude sa kanila 'yan!" bulong ko sa kaniya. Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan ang paligid namin. Chine-check ko kung may nakakita sa kaniya. Buti na lang at walang local na masama ang tingin. Jusko po. Makaka-offend pa kami ng mga tao dahil sa sobrang excitement ng isang 'to.
Aleah laughed nervously and said, "Sorry."
"Halika nga!" sabi ko at hinawakan ko ang kamay niya. Mahirap na dahil baka kung anu-ano na naman ang maituro niya kapag hindi siya nag-ingat.
Kasama kasi sa mga sinend (yes nag-send talaga siya ng soft copy) sa'kin ni Jino ay ang cultural etiquette dito sa Hong Kong. Dahil sa nabasa ko, nalaman ko na ang mga tao rito, very particular sila sa body language. Dapat pala kapag may gusto kang ituro, open hand ang gamit. 'Wag index finger. Kasi gamit lang nila 'yun for animals. I also read in that link that winking at someone is considered as a very rude gesture here. I therefore conclude na hindi ako pwedeng tumira sa Hong Kong for good dahil habit ko pa naman mangindat ng tao to annoy them.
We crossed the pedestrian hand in hand until we reached Salisbury Garden.
Kaming dalawa lang ang naggagala ngayon dahil parehas kaming bored sa loob ng hotel. At same kami ng energy-level kaya okay lang sa'min maglakad nang mahaba para lang makakuha kami ng maraming pictures. Since Nathan Road lang located ang hotel namin, nag-decide kami na maglibot within the vicinity. Hence, Avenue of the Stars ang target namin na puntahan.
Kanina ayaw pa ako payagan ni Kuya Boaz na lumabas dahil kailangan ko raw magpahinga. Dire-diretso naman kasi ang ganap ko.
Nakarating ako ng Hong Kong ng 10:00 AM. At in fairness sa mga pa-print ni Jino, naging super helpful dahil kakaiba naman pala ang airport nila rito. May pa-train station si mayor sa loob. Kailangang sumakay ro'n para makarating sa arrival area na nasa kabilang panig. Jusko. I would have been so lost if not for Jin's printed instructions. It's so detailed that I only had to read it and follow what's written on it. Voila, I survived and I saw my brother waiting for me on the other side.
Bago kami pumunta sa hotel, nag lunch kami ni Kuya Boaz sa malapit na restaurant. Nang makarating na kami sa room, nagpahinga ako sandali at naligo. Maya-maya, nagyaya na ng larga 'tong si Aleah.
I just humored her kahit na medyo antok pa ako. Kahit kasi nakatulog ako kanina sa eroplano, feeling ko kulang pa rin dahil sobrang aga kong gumising. Plus, gala is more important than sleep so here we are.
'Yung mga thunders naman ay naiwan sa hotel. Wala silang plano na mag-lamyerda ngayon. Napagod daw sila sa city tour nila kahapon. Grabe. Nag-ibang bansa pa sila tapos magpapahinga lang naman pala sila sa loob ng accommodation. Our millennial minds could not comprehend the way boomers think, seriously.
Pagdating namin sa Avenue of the Stars, agad kong linabas ang camera ni Kuya Boaz na pinahiram niya sa'min. Every now and then, tumitigil kami sa paglalakad dahil kumukuha kami ng pictures.
"Picture-an mo ako!" excited na sabi ko nang makaabot kami sa statue ni Bruce Lee. Binigay ko sa kaniya ang camera at ginaya ko ang pose ni Bruce Lee. Tawang-tawa si Aleah sa'kin dahil sa kalokohan ko. "Pati rito sa phone ko, please!" I exclaimed, handing her my phone.
She took my phone and looked for my best angle. "Okay na," sabi niya pagkatapos ng shot.
"Thank you," I said, getting my phone. Napangiti ako habang tinititigan ang picture.
BINABASA MO ANG
I Would Hate To Be You
Teen Fiction"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC