Chapter 19 [game of questions]

344 20 10
                                    

Chapter 19

The supposed thirty-minute walk going back to Papaya River turned into one hour. Gusto ko sanang sabihin na manageable 'yung pain para hindi na ma-burden si Japh sa'kin, but it wasn't. Ang hirap maglakad pababa ng trail habang iika-ika. There were times when I had to put extra weight on Japh's side because it was too painful to take a step.

Honestly, hindi naman ito ang worst sprain accident ko. But it was painful enough for me to cause this much trouble to Japh. Lagi ko naman siyang tinatanong kung nabibigatan na siya sa'kin, pero lagi niya ring sinasabi na okay lang.

Huminto si Japheth sa paglalakad at tinuro ang path papunta sa Papaya River. "We're almost there."

Sumilip ako. Malapit na nga kami. "Ayos. Kaunti na lang titiisin mo, Japh," biro ko sa kaniya.

"Sorry . . . I didn't mean it that way." His voice sounded nervous. "Don't get me wrong."

Hala . . . ang cute niya.

Gusto ko pa sana siyang asarin kasi ang cute niya kabahan, pero I wouldn't push it. Pinahirapan ko na nga 'yung tao tapos pagti-tripan ko pa. "I'm kidding. Sorry. 'Wag mo akong itatapon sa ilog, please."

Narinig ko siyang tumawa. Ha, got you!

"I wouldn't," he said.

Napangiti ako.

Pagdating namin sa Papaya River, binaba namin ang mga bag packs. Tinulungan din niya akong makaupo nang maayos.

Sabi ko sa kaniya tutulungan ko siya sa pag-aayos ng mga gamit namin, pero sabi niya magpahinga na lang daw ako. Feeling spoiled naman ako.

After maayos ni Japh ang mga gamit, lumapit siya sa'kin at lumuhod sa harap ko.

"You should take your shoes off so you can feel better."

"Uh . . . "

"Should I help you?" Tinuro niya ang paa ko.

Mabilis kong tinupi ang mga tuhod ko. Que horror! Siya ang mag-aalis ng shoes ko? No. What if nag-amoy ang paa ko? I mean, I don't have smelly feet, pero kahit na. Shocks, I can't even! "No. Ako na." I laughed awkwardly.

Sinubukan kong abutin ang mga paa ko. I thought removing my shoes is going to be easy, but boy, I was wrong. Masakit pala. "Ow, ow, gosh," I hissed in pain.

"Let me," he said. "Is it okay?"

Like a baby, I shyly nodded my head. Hinawakan niya ang paa ko at dahan-dahang inalis ang sapatos ko.

OMG, please don't smell funny or else mamamatay talaga ako rito!

"Hold your breath before you remove them, ah!" I warned him.

Ha laughed a little. "It's okay."

"I'm not saying I have smelly feet. Pero just . . . because. At least I warned you," nahihiyang sabi ko. Hay nako, may ititiklop din pala ang kakapalan ng face ko.

When he finally removed both of my shoes, he said, "Wala naman." Then, he smiled. I know it was just to comfort me because I'm too conscious, but I still can't help but blush.

Hay, self, kaya mo pa? Good luck.

"Thank you," tipid na sagot ko. Dahan-dahan kong inalis ang mga paa ko at tinabi ko sa'kin ang sapatos ko.

Nakakahiya talaga!

"Sorry, wala tayong ice. But I think the water from the river would help a little."

Look at this guy saying he's sorry for something that's not his fault.

"Okay. Ako na bahala rito," sabi ko sa kaniya. Tinuro ko ang paa ko. Kailangan ko lang naman ibabad sa ilog ang paa ko for twenty minutes, 'di ba?

I Would Hate To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon