Chapter 23
"Sobrang bida-bida naman pala ang mga subjects natin this sem." Sumimangot ako habang hawak ko ang printed copy ng schedule namin. Five major subjects. One minor subject. Total of eighteen units. "And, oh, well, Thesis Writing and Defense, my old friend," umiiling na biro ko.
Natawa si Elysse. Kaming dalawa lang ang magkasama dahil nagsipag-uwian na ng mga classmates namin after ng last class. Nagpaiwan kami dahil nag-chismisan pa kami ng mga naging ganap namin after ng immersion. Of course, mega kwento ang ganda ko sa nangyaring concert. Siya naman nag-Boracay pala kasama ang mga pinsan niya—including Jin, ng four days. Sinulit niya talaga ang summer niya.
"For sure, ikaw ang magiging thesis partner ko kapag nagkataon na alphabetical ang arrangement natin," she giggled.
Paano naman kasi, wala kaming classmate na nagsisimula sa letter B ang apelyido. After ng Abella, Cervantes na agad. Malaki talaga ang chance na kaming dalawa ang magkakasama. How do we know? Same ang prof namin sa Introduction to Social Research (SCL 204) at Thesis Writing and Defense (SCL 403). And knowing Ma'am Dela Torre, hindi siya mahilig mag-imbento ng bagong grouping pattern.
"I know. Sobrang swerte mo, ang brainy ng magiging partner mo," I answered, laughing. "Feeling ko since gumawa naman ako ng Feasib levels na paper para sa Sitio Pantol, mas ready na ako for this sem," I jokingly bragged.
We stopped walking and rested at the nearby bench. Pinasok ko sa bag ko ang printed copy at nag-stretch ako ng kamay. "Isang taon na lang," nakapikit na sabi ko. Dinama ko ang hangin.
"Anong plan mo after graduation, Atom?" Elysse asked.
I teasingly looked at her and said, "Ay, ang serious naman ng tanong." I chuckled. "Ganito ba kapag graduating na? Matter of life and death na ang mga pa-Q&A ni mayor?"
Quickly, she replied, "Sira ka talaga. Kung anu-anong mga sinasabi mo." She laughed and added, "Curious lang naman ako."
Napaisip tuloy ako bigla. Sa dami ng gusto kong gawin sa buhay, ang hirap mamili. "Hmmm. Gusto ko sana after graduation, magpahinga muna ako. I want to paint for two whole months. Bilang breather ba. Pero naalala ko, I'm not the Heart Evangelista that I think I am. I can't slack off because hello, hindi naman kami burgis." Tumawa kami parehas. "Kaya torn ako, gusto ko na rin kasi kumita ng sariling pera."
"Ano ba talaga?" she joked, chortling.
"'Yung latter. It's my final answer," natatawang sabi ko. "Siguro pagdating ng second sem, maghahanap na ako ng pwede kong pasukan after graduation. Wala naman akong specific na company in mind, basta any NGO na either nagbibigay ng financial aid like scholarship or sa mga human-trafficking. Then, after two years of working, I'm planning to take Masters. Para may ipon na akong sarili. Hindi ko na guguluhin sina Mama sa pang-tuition ko," I added, sounding confident about my dream. "How about you?"
"Gusto kong makapasok sa IJM," she said, wiggling her eyebrow.
My eyes automatically widened when she said that. "Wow. International Justice Mission?" I asked in pure amazement.
"Yep," nakangiting sabi niya.
"I super love that organization! Pina-follow ko sila sa Facebook at grabe 'yung mga posts nila. Nakakaiyak kapag may mga nare-rescue silang victims ng human trafficking at slavery!"
"I know!" she seconded. "Kaya number one siya sa puso ko." Tumawa siya. "Pero of course, that's the dream."
"Alam mo 'yan. Pakapalan lang ng face pagdating sa mga pangarap natin, malay mo may mag-materialize," tumatawang sabi ko. "Ako nga, gusto kong mag-Masters para mas mataas ang chance na makapasok ako sa mga international levels na organization like UN, UNICEF or IOM.
BINABASA MO ANG
I Would Hate To Be You
Teen Fiction"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC