Chapter 41 [the last four words]

379 22 69
                                        

Author's Note:

Last 10 chapters, you guys!

This is an 11k-word vomit of pure Japheth and Atom moments! PS: All typo errors are mine. Will edit later.

Enjoy! It was fun . . .

Chapter 41

"Atom."

I heard a familiar voice calling my name repeatedly. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at nakita ko si Japheth na nasa pinto ng kotse.

"We're here," he said.

Umahon ako mula sa pagkakahiga at naupo. Sinandal ko ang ulo ko sa likod ng shotgun seat at pumikit ako ulit. "Five minutes," I said with my sleepy voice.

I heard him chuckle. "You already said that earlier. And it's been ten minutes now."

Opening my eyes, I tilted my head to the left to see him. "Talaga ba?"

"Yup. Halika na. Para makatulog ka na sa loob."

Kinumos ko ang mata ko para luminaw ang nakikita ko. Pero pagtanaw ko sa paligid, madilim naman kaya parang wala ring nagbago. I don't know where we are.

"Anong oras na?" I asked him.

"4:23 AM."

I looked at him and slightly pouted. "I'm sorry. Tinulugan kita buong biyahe," nahihiyang sabi ko. Apat oras siyang nag-drive habang tulog na tulog ang ganda ko. Sinubukan ko namang daldalin siya kanina, eh. Pero bawat sandal ko sa bintana, napapapikit ako. Bandang huli, sinabihan niya ako na matulog na lang at 'wag siyang alalahanin. Classic Japheth.

He half-smiled. "It's okay. Pagod ka."

"Naghilik ba ako?" Natawa siya sa tanong ko. Oh, boy. Mukhang oo. "On my defense, I'm physically drained. Please don't judge me," agad na sabi ko. Napanguso ako. Nakakahiya talaga. Kaya hindi ako dapat natutulog sa biyahe, eh.

"I'm not judging you," natatawang sabi niya.

"Salbahe 'to. Tumatawa ka, oh." Dahil do'n, tumigil siya sa pagtawa. Kinagat ko ang labi ko bago nagkaroon ng lakas ng loob na itanong, "How about . . . uh . . . sleep-talk? Wala naman akong pinagsasabi?"

Umiling siya. "Wala."

"Buti naman." Nakahinga ako nang malalim. Baka kasi ma-Hong Kong part two ako nang wala sa oras. Maya ay matawag ko ang pangalan niya. Jusko po. Nakakahiya kapag nangyari 'yun!

He quickly nodded his head and said, "Let's go."

"Okay." Kinuha ko ang sling bag ko at sinabit ko sa katawan ko bago ako bumaba ng kotse. "Ang dilim naman dito, Japh. Parang perfect talaga 'to sa mga kidnap movies," hindi ko mapigilan na i-comment.

I couldn't see the details of the place because it's dark but I could see the trees that surround the parking area.

"Ang kulit," he said, shaking his head and chuckling. "Hindi nga 'to kidnap."

Ngumuso ako. "Hindi ka naman mabiro. Pero nasa'n ba tayo?"

"Laiya, Batangas."

I gasped out of excitement. "Really? Nasa Batangas talaga tayo?" Hindi ako makapaniwala.

He nodded his head. Napangiti ako dahil do'n. Ang tagal, tagal ko ng gustong mag-beach. Wala lang time dahil sobrang daming ganap sa school dati. Hindi ko inakala na makakarating ako ng Batangas dahil dito kay Japheth. And this is even a spontaneous trip. Kapag talaga hindi nagpa-plano tsaka natutuloy, ano? Puro drawing lang kasi kami ng mga classmates ko no'n. Pagdating talaga sa pagpa-plano ng mga galaan, dumadami bigla ang mga artists.

I Would Hate To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon