Chapter 28
"Nakakainis ka, Jin!" hiyang-hiya na sabi ko. Mga sampung beses ko na yata 'tong naulit pero hanggang ngayon, hindi pa rin mawala ang pagkapula ng mukha ko. Gusto ko nang lumubog sa kinatatayuan ko. "You didn't tell me!" I protested even more.
Hinilamos ko ang kamay ko sa mukha ko habang kagat ko ang labi ko. I feel so ashamed of myself.
"Bakit?" painosenteng tanong niya.
"I hate you!" I exclaimed, pouting. Kulang na lang mag-usok ang buong mukha ko sa sobrang pagka-init.
The Jino Abella is a freaking dancer! And no, not just a so-so dancer, but a good one.
Hindi siya sumali sa dance class kanina. Ako lang ang nag-join. Akala ko no'n dahil 'yun sa nahihiya siya. Pero pagkatapos umalis ng mga kasama namin, nagpaiwan kaming dalawa at may ipapakita raw siya sa'kin. Kasi baka raw pagtawanan siya ng iba sa dance moves niya. Pero ang walang hiya, ang galing palang sumayaw.
Ughhh. Nakakahiya. Linoko ko pa naman siya sa pole-dancing dati. Malay ko ba.
"It's a tie now," he declared while looking at my embarrassed face.
I rolled my eyes and scrunched my nose in humiliation. "Candid camera ba 'to?" I asked him, looking at our surroundings—which is impossible. But I couldn't help but be paranoid.
Tumawa lang siya.
"Hindi mo sinabi na sumasayaw ka," reklamo ko.
"Hindi ka naman nagtanong, eh."
"Hello? Dapat nag-volunteer ka ng information?" I said, eyeing him. "Tsaka wala ring nabanggit sa'kin si Elysse. You planned this, didn't you?" I asked—accused him.
"I invoke my right against self-incrimination," he said flatly.
Aba.
Pabiro akong umismid.
"You're so good," I couldn't help but compliment him. I almost cried saying that because he is. He just pulled off a Stuck on Stupid — Chris Brown (Brian Puspos Choreography). Nganga ako sa kaniya habang nagsasayaw siya kanina. Bumalik lahat ng kayabangan ko sa'kin.
"Thank you," nakangising sagot niya. Umupo siya sa tabi ko at nag-stretch ng legs.
"Nag-alala pa naman ako sa'yo kanina. Akala ko nahihiya ka kaya ayaw mong sumali. 'Yun pala magpapakitang gilas ka lang," natatawang sabi ko. Akma ko siyang tatapikin pero umilag agad siya sa kamay ko. Kainis.
"Part ako ng isang dance group no'ng college," nakangiting sabi niya.
Mas kinagat ko ang labi ko. Hay. "I don't know if I could trust you again, Jin," I kidded.
"I'm not the only one who has secrets, Atom. Ikaw rin naman, ah. You surprised me," ganti niya.
I scrunched my nose and sighed. Fine.
"Pwede isa pa?" I shamelessly asked him for another dance. Jusko. Gano'n siya kagaling.
He laughed because of it. "What do you want?" he asked.
Nanlaki ang mga mata ko. "Serious? Gagawin mo talaga?" I excitedly asked him.
Nagkibit-balikat siya. "Again, if it will make you sleep tonight, Atom," tumatawang sabi niya.
Aww. Ang bait naman ng Jin Abella. Look at him humoring me.
"Do you know Wedding Dress by Taeyang?" he asked.
I jokingly scoffed. "Am I a girl? Of course, yes!" I jestingly rolled my eyes. Siyempre, alam ko 'yun. I remember dancing to that song during my first year in college. Sobrang sikat kaya 'yun during that time. Hanggang ngayon nga, kabisado ko pa rin.
BINABASA MO ANG
I Would Hate To Be You
Teen Fiction"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC