Chapter 22
Atom Cervantes
Psst
Look
May bago na akong crush
Sash Marquez
Ahas ka, A
Akin 'yan
Maghanap ka ng iba mo bruha ka
Atom Cervantes
****
Nakuwento ko na kay Sash ang decision kong pag-uncrush kay Japheth. Pero this is not easy, ha. Kanina pa ako nagse-search ng mga Hollywood at Korean actors na pwedeng pumalit sa kaniya, pero wala akong napala. For one, ngayon ko lang na-realize na wala pala akong crush na Hollywood actor. Although pogi si Grant Gustin, hindi siya umabot sa crush level ko (wow, sobrang choosy ko naman pala). Sa mga Korean actors naman, hindi rin ako nakahanap kasi my goodness, mas makinis pa sila sa'kin! Feeling ko bad timing din na tiningnan ko ang mga mukha nila ngayong putok na putok ang mga pimples ko.
Aside from Korean actors, sinubukan ko rin naman na i-search ang dalawang Kpop idols na paborito ko: Baro and Baekhyun. But every time I look at Baro, I am reminded of him leaving B1A4. At dahil sa sobrang na-miss ko siya, pinakinggan ko ng tatlong beses ang kanta nilang Lonely, pero mas nalungkot lang ako. As for Baekhyun, kapag nakikita ko ang EXO na hindi kumpleto, masyado rin akong nasasaktan. Hello, OT12 kaya ako! Hay, ewan ko ba. I have a thing for people leaving. It feels like Grey's Anatomy all over again. Kakainis na palabas kasi 'yun. Wala yatang episode na hindi ako umiyak. Lalo na kapag pinapatay nila ang mga favorite characters ko. Ugh.
Kaya ang ending, nag-decide ako na si Kento Yamazaki na lang ang bago kong crush. Because hello? Look at that face. He's so handsome it hurts. Plus, he's familiar. Siya kasi ang ultimate Japanese actor crush ni Sash. Kaya hindi siya malayo sa radar ko. Dahil sa desisyon kong 'yon, wala akong ibang ginawa buong gabi kung hindi ang magbasa ng mga articles tungkol sa kaniya para ma-scratch naman kahit kaunti ang surface ng sobrang shallow at sobrang bago kong crush kuno sa kaniya.
BINABASA MO ANG
I Would Hate To Be You
Roman pour Adolescents"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC