Chapter 18 [chronicles of bataan]

370 19 16
                                    

Chapter 18

April 20

****

The night before ako umalis for my Bataan trip, dinouble-check ni Mama ang lahat ng dala ko. She made sure na lahat ng essentials ay nasa bag ko. Side-kick pa niya si Kuya na walang ibang ginawa kung hindi ipaalala sa'kin na 'wag kong iistorbohin si Japh dahil work ang ipupunta niya ro'n. Nakwento ko na kasi sa kanila kung paanong ako ang pinakapinagpala sa babaeng lahat.

Of course, all out ako sa pagdefend sa sarili ko. Ayaw maniwala ni Kuya. Si Mama, semi-worried at sundot ng mga paalala. Buti na lang kakampi ko ang Papa ko na sinabihan lang ako na mag-ingat at 'wag kalimutang mag-off lotion. Si Ante Amelia naman, pinagboil pa ako ng apat na itlog. Kainin ko raw sa biyahe ang dalawa at para sa hiking 'yung dalawa pa.

Hinatid ako ni Kuya papunta sa terminal ng Bataan Transit sa Cubao. Una, nag insist ako na mag-Grab na lang ako mag-isa, pero gusto niya raw makitang sumampa ako sa bus. Isa pa, lampa raw ako at baka madapa ako sa pagbubuhat ng napakabigat ko na bag. Grabe talaga siya!

Kuya: 'Wag kang makikipagtanan, Atom. Patay ka sa'kin!

'Yan ang text niya sa'kin pagandar ng bus. At kanino naman ako makikipagtanan? Parang sira 'tong kuya ko.

Nang tumingin ako sa bintana, nakatingin sa'kin si Kuya Boaz at tumango lang. Kahit bato ang puso niya, alam kong mahal niya pa rin talaga ako.

Nakita ko siyang pinicture-an ang plate number ng bus bago tuluyang makalayo ang bus.

Sinendan ko si Kuya ng kiss emojis bilang reply. Syempre, kadiri raw ako. Bilang ganti, nagselfie ako at sinend ko sa messenger niya. Nagreply siya ng .gif na sumusuka. Napaka talaga!

"Kuya, pababa na lang po sa Brgy. Alas-asin ha." Nginitian ko si Kuyey konduktor. Parang kasing edad lang siya ni Kuya.

"Sige, Ma'am. Two hundred eighty pesos na lang po."

"Thank you. Dalawa po babayaran ko, Kuya." Tinuro ko ang katabi kong upuan na occupied ng bag ko. Sabi ni Kuya Boaz mas okay raw na katabi ko ang gamit ko para hindi ko makalimutang kunin sa compartment. Alam ko namang makakalimutan ako academically, pero hello, street smart naman ang ganda ko no. Hindi naman siguro ako ganun ka-dense . . . or so I thought?

Sinuklian ni Kuya ang six hundred na bayad ko. Tinago kong maigi ang ticket sa bus.

Kuya: Huwag mong itatapon ang ticket mo ah!

Si Kuya ulit.

Hay, nako! Daig pa talaga si Mama at Papa kung magpaalala.

Me: Oo na. Natago ko na ticket. Bago ka pa mag-text.

Akala ko magiging peaceful na ang biyahe ko dahil thirty minutes na walang message ang Kuya ko. Good mornight, Kuya. Thanks

Kuya: Mamaya na ako matutulog. Hindi pa ako antok.

Tiningnan ko ang relo ko. It's now 2:30 AM. Anong hindi pa siya antok? For sure groggy na siya ng mga oras na 'to. Unlike me, hindi naman siya natulog buong araw. Puro siya trabaho kanina.

Me: Matulog ka na, Kuya. Kaya ko na 'to.

Kuya: Nanunuod ako Die Hard. Huwag kang feeling

Ay, wow. Die Hard ng ganitong oras?

Me: Fine. Go unleash your inner Jake Peralta.

I teased him by sending a John McClane meme on Messenger.

Atom Cervantes


I Would Hate To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon