Chapter 5 [miss . . . understanding]

1.1K 33 12
                                        

Chapter 5

Kuya Boaz is a certified workaholic!

He barely left his room since this morning. Hindi rin siya sumama sa'min for lunch. For sure, mayroon na naman siyang tinatapos na project. Minsan, hindi ko alam kung hahanga ba ako sa sense of dedication niya or maaawa ako dahil nakikita ko ang level of stress at anxiety niya kapag hindi niya nami-meet ang mga deadlines sa trabaho niya.

This past week, lumabas lang siya para mag-practice ng basketball kasama ang teammates niya. Palibhasa bukas na ang game nila kaya haggard sila sa pagpa-practice.

Nung isang araw, yinaya niya ako na samahan ko raw siya. Of course, mega tanggi ang ganda ko. Ano naman ang gagawin ko ro'n, 'di ba? Hindi naman ako magpapakabayani na panuorin ang kuya ko at the expense of my trauma. The game freaks me out—on so many levels possible. Isa pa, busy ako. There are just way too many TV series, with so little time. Kaya naman priorities muna. 

"Atom, hindi pa kumakain ang Kuya Boaz mo. Iakyat mo nga 'to sa kaniya," utos ni Mama mula sa kusina. Napakamot ako ng ulo.

Nasa climax na ako ng pinapanuod ko, eh. 

"Ma, wait," I tried to bargain. Nakatingin pa rin ako sa laptop.

"Andrei," seryosong tawag sa'kin ni Mama.

Napalunok ako. I should know better.

"Ito na nga po." Sinarado ko ang laptop at tumayo na ako para lapitan siya. "Wow naman, Ma. Ang spoiled ni kuya, ha," biro ko sa kaniya. Paano kasi sobrang pinaghandaan ni Mama ang meryenda niya. 'Yung kape niya nilagay pa sa vacuum mug at mayroon pang ensaymada on the side. "Selos na ako niyan," I added, pouting.

"Naku, naku," sabi niya habang yinayakap ako. "Huwag ka na magtampo, gusto mo ba ipabili kita sa Papa mo ng iced coffee sa Mcdo?" she offered.

I laughed because she's too soft for me.

Umiling ako. "Hindi na po," I said, grinning. Kumuha ako ng tray at pinatong ko ang mug at ensaymada. "Puntahan ko na si Kuya Boaz baka naduduling na 'yun sa gutom."

Tumango si Mama.

****

"Kuya!" sigaw ko mula sa labas ng kwarto niya.

"Hindi 'yan naka-lock."

"May bitbit kasi ako, 'di ba? Dali na, buksan mo na ang pinto. Ang bigat ng dala ko."

After a few seconds, the door opened. As expected, he immediately dissed me saying, "Ang arte. Anong mabigat diyan?" He eyed my tray.

I gave him the tray and ignored him.

He also didn't say anything and just continued his work. He kept on drawing nonstop without paying attention to me. We were quiet for like five minutes, it drove me crazy. At hindi pa rin niya pinapansin ang meryenda na binigay ko sa kaniya.

"Kuya, kumain ka muna," utos ko sa kaniya.

"Mamaya na, Andrei. Busy pa ako."

"Hindi ka pa nagla-lunch. Kumain ka na muna, please. I'm going to annoy you until you start eating," I warned him. "Persistence to the point of annoyance, gusto mo 'yun?"

Hinarap niya ako at bumuntong hininga siya. I swear, I saw him stop himself from rolling his eyes.

I grinned because I know I won.

Binuksan niya ang mug at akma na siyang iinom nang suwayin niya ako, "Huwag mo nga akong panuorin, Andrei. You're scaring me."

Tumawa ako. "I just want to make sure na kakain ka. Hello, nag-aalala na si Mama sa'yo, 'no. Mula nang umakyat ka after ng breakfast, hindi ka na ulit nagparamdam sa'min. Malay ba namin kung nag-collapse ka na or something."

I Would Hate To Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon