Chapter 4
"Kuya, please, pwedeng mamaya na?" pakiusap ko sa kuya ko habang yakap-yakap ko ang unan ko.
Kanina pa siya nandito sa kuwarto ko. At ang una niyang ginawa para gisingin ako? Pinatay ang aircon. Ugh. Hindi talaga siya magpapatalo kahit kailan.
"Andrei, alas onse na. Pinagbigyan kita kaninang madaling araw dahil alam kong pagod ka. Pero hindi mo magagamit 'yang pagtulog na 'yan para makatakas ka sa'kin, ah.
Mahabaging langit, bakit ang nagger ng kuya ko?
I guess I don't have a choice but to get out of bed now. Well, totoo na pina-postpone ko ang awards night na dapat kaninang madaling araw nangyari. He was about to nag me because of the concert (na hindi ko pinaalam) but I asked him kung pwede bang matulog muna ako. I know, I was being unreasonable. Ako pa ang may ganang mag-request sa kaniya na i-delay ang pangse-sermon niya. Pero kasi naman, ang last memory na gusto ko bago ako matulog ay ang masasayang moments ko kasama sina Japheth at hindi ang creepy look ni Kuya. Baka bangungutin ako, 'no. The horror!
Thank goodness, Kuya Boaz was considerate enough. Alam kong kating-kati na siyang pagalitan ako kanina, pero nagtimpi siya. Naawa siguro siya sa'kin. Kaya thankful pa rin ako kahit papaano. At least, I had a decent sleep and I didn't have a nightmare.
"Sabi ko nga tatayo na ako," masama sa loob na sabi ko. Bumangon na ako at linigpit ang higaan ko. "Susunod ako, kuya. Hindi mo na ako kailangang bantayan. Nakakaloka ka, ang creepy mo," suway ko sa kaniya nang mapansin ko na pinapanuod niya ang bawat kilos ko.
Sobrang doubtful niya sa mga ginagawa ko. Grabe siya. As if namang makakawala pa ako sa kaniya ngayon.
"Natakasan mo nga ako kahapon, eh. Baka maulit."
Sumimangot ako. "Sorry na," I tried to win him. Lumapit ako sa kaniya at yinakap ko siya. I know he doesn't like me hugging him. Nakakadiri raw ako. Pero ito lang ang way na alam ko para tantanan niya na ako at bumaba na siya.
"Ang baho mo, Atom. Maghilamos ka nga," pagtataboy niya sa'kin. Pinilit niyang alisin ang kamay ko. "Bumaba ka na pagkatapos mong mag-ayos, ha," paalala niya bago siya tuluyang umalis.
Oh, well, it worked.
"See you," I told him, laughing. Mabilis na nawala ang tawa ko nang marealize ko na sobrang masasabon ako pagbaba ko.
Jusko. Goodluck sa'kin. Ano kayang parusa ang ibibigay sa'kin ng kuya ko?
****
"WHAT?!" Mabilis akong nag-panic nang sabihin na ni kuya ang parusa niya para sa'kin. "Are you serious?" I asked him.
I was waiting for him to say I'm kidding, but there was no response. Nakatingin lang siya sa'kin nang diretso. He wasn't saying anything.
He must be out of his mind. Alam niyang ayaw na ayaw ko nun! Ugh.
"Please tell me you're joking," I shook his body senselessly. He's not budging. "Candid camera ba 'to or something? Hmmm. Siguro pina-prank mo ako, no? Sige na, ituro mo na kung nasaan ang camera," sabi ko.
After harassing him, he finally said, "I'm not joking."
Boy, he's dead serious.
Tinabihan ko siya sa sofa at sumandal ako sa kaniya. Susubukan ko lang gamitin ang charms ko. "Kuya, can you let this one go? I promise not to do it again." Tinaas ko ang kanan kong kamay. I'm desperate because I can't do what he's asking me to.
"Ha, nice try, but no," he told me dryly. I bit my lip and crossed my arms. But before I can even begin being sulky, he warned, "Don't you dare throw tantrums, Andrei. Eighteen ka na."
BINABASA MO ANG
I Would Hate To Be You
Teen Fiction"I would hate to be you when people find out what this story is about." - ABC